Ronaldo Valdez May Iniwang Note Bago Ang Ginawa

Martes, Enero 16, 2024

/ by Lovely


 Muling naging laman sa mga usap-usapan sa social media ang biglaang pagkawala ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez nitong December 2023, matapos lumabas ang mga bali-balitang natagpuan na ang iniwang note nito.


Ayon sa mga bulong-bulungan ngayon sa social media na may iniwan umanong note si Ronaldo Valdez bago nito kitilin ang sariling buhay noong December 17, 2023.


Ayon umano sa naging pahayag ni Janno Gibbs sa isang panayam, nagpost ang kanyang ama minutes bago nito ginawa ang hindi dapat sa kanyang sarili patungkol sa pamamaalam at no viewing.


Noong una ay hindi umano nila alam na may ipinost pala ang kanilang ama sa Facebook dahil hindi naman nila ito nasisilip naging sa pagiging abala sa ibang bagay.


Inamin naman ni Janno Gibbs na noong matapos niyang makita at mabasa ang ibinahaging post ng kanyang ama ay dinilete na niya ito dahil hindi umano magandang kumalat pa ito sa social media.


Pero nakasulat umano roon ang no viewing kaya naman nirespeto nila iyon. Matatandaan na naging maikli lamang din ang paglalamay noon sa cremated remains noon ni Ronaldo Valdez sa Loyola Memorial Chapel and Crematorium sa Brgy. Guadalupe Makati City.


Ipinahayag din ni Janno Gibbs na ang tanging pinapunta lamang nila sa lamay ang mga taong nagtanong kung maari ba silang makapunta. Hindi rin umano sila nag-anunsyo na maaring pumunta ang mga tao.


Kasama naman ni Janno Gibbs sa nasabing panayam sa Club Filipino media conference ang misis niyang si Bing Loyzaga at kapatid na si Melissa Gibbs.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo