Sarah Lahbati Dedma Sa Patutsada Ni Annabelle Rama Na 'Waldasera'

Martes, Enero 16, 2024

/ by Lovely


 Kinaaliwan ng maraming mga netizens ang panibagong TikTok videos kung saan nag-lip sync siya sa kantang Obsess at inaya pa ang kanyang mga followers na samahan siyang mag-shopping.


Ayon sa pagli-lip sync ni Sarah Lahbati, 'No I don't think you understand, I'm obsessed'.


Sa comment section, muling binalikan ng mga netizens ang pahayag noon ni Annabelle Rama patungkol sa pagwawaldas ni Sarah Lahbati habang abala si Richard na kitain ang pera mula sa pagtatrabaho.


Ayon sa mga netizens na tila pinapatunayan lamang umano ni Sarah Lahbati sa publiko ang pagiging maluho niya at pagiging waldas sa pera na pinaghirapan naman ng kanyang asawa na si Richard Gutierrez.


Hindi rin nila nagustuhan ang music na ginamit ni Sarah Lahbati dahil lumalabas na obsess itong gumastos ng gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangan.


Sa kabilang banda, natatawa naman ang mga fans ng aktres dahil sa pandededma nito sa mga patutsada ni Annabelle Rama at tila lalo pa umano itong iniinis ngayon ni Sarah Lahbati sa pagwawaldas ng pera.


May mga nagbabansag pa kay Sarah Lahbati ngayon bilang 'Waldas Queen' dahil aminado umano ito sa pagwawaldas ng pera sa mga branded brands at sa pagpapamper sa sarili sa mga mamahaling spa at clinics.


Makikita naman sa mga Instagram posts ni Sarah Lahbati ang mga pangagastos niya para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Kaya naman hindi rin masisisi ng mga netizens si Annabelle Rama at ilang mga netizens na akusahan si Sarah ng pagwawaldas ng pera nila ni Richards.


Matatandaan na base sa ipinahayag ni Annabelle Rama noon na makikita naman ng lahat kung sino ang nagsasabi ng totoo at sa hindi patungkol sa pagwawaldas. Ipinagdidiinan pa ni Annabelle na habang nakasubsub sa trabaho si Richard Gutierrez, ang tanging iniisip ni Sarah Lahbati ay kung paano magwaldas sa pagso-shopping at sa pagtravel sa iba't-ibang lugar.


Sa ngayon ang hindi lamang tiyak ay kung kaninong pera ang ginagamit ni Sarah sa kanyang pagso-shopping sa asawa ba niyang si Richard Gutierrez o sariling pera niya mula sa mga naging endorsements.



@sarahlahbatigutz

who wants to go shopping with me

♬ im obsessed - .

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo