Vice Ganda, Pinagalitan Ang Netizen Na Nagli-Lip Read Ng Kanilang Personal Conversation Sa It'S Showtime

Martes, Enero 16, 2024

/ by Lovely


 Naglabas ng pahayag ang comedian-host na si Vice Ganda patungkol sa ginagawa ng isang netizen na nili-lip read ang mga usapan nila ng kasamahan niyang hosts sa It's Showtime sa tuwing commercial break at sa tuwing naka-off ang kanilang mga microphone.


Tinawag ni Vice Ganda ang pansin ng isang netizens na nagva-viral ngayon sa social media, lalo na sa TikTok, dahil sa pagli-lip read sa mga personal na usapan nila ng kanyang mga co-hosts sa It's Showtime sa tuwing nakapatay ang kanilang microphone.


Makikita sa TikTok account ng nasabing netizen na ginagawa niyang content ang pagbabasa ng mga pribadong usapan nina Vice Ganda at iba pa. Nilagyan naman niya ito ng disclaimer kung saan iginiit niyang hindi factual ang kanyang interpretation sa mga naging usapan nila.


Marami naman sa mga fans nina Vice Ganda at iba pang mga kasamahan nila sa show ang natutuwa dahil pakiramdam ng mga ito ay nalalaman pa rin nila ang usapan ng magkaibigan sa kahit hindi na naka-on ang kani-kanilang microphone.


Samantala, hindi naman ito ikinatuwa ni Vice Ganda dahil pakiramdam ng Unkabogable Star na pinanghihimasukan na ng nasabing netizen ang kanilang privacy. 


Bukod pa rito, maari rin umanong makapagkalat ng maling impormasyon dahil sa pagbabasa ng kanilang personal na usapan. Iniiwasan lamang ni Vice Ganda na mapagmulan ng matinding kontrobersiya ang mumunting usapan nila na inakala nilang sa pagitan lamang ng kanyang mga kaibigan.


Iginiit din ni Vice Ganda na deserve naman nilang magkaroon ng privacy at hindi lahat ng mga pinag-usapan nila ay dapat ilabas sa publiko.


Minsan pa umano ay sadyang nilalagyan ng kontrobersiya ang kanilang usapan upang mapagmulan ng matinding kontrobersiya na siyang iniiwasan niyang mangyari kaya naman hiling ni Vice Ganda na itigil na ang pagli-lip read sa mga usapan nila.


Samantala, naging hati naman ang opinyon ng ilang mga netizens patungkol sa naging pahayag ni Vice Ganda sa netizen na ginagawang content ang kanilang private conversation.


May mga sumang-ayon kay Vice Ganda dahil hindi naman talaga maganda ang panghihimasuk sa usapan ng ibang tao, subalit may mga nagsasabi naman na baka natatakot lamang si Vice Ganda na may mabunyag na matinding secret niya dahil accurate ang pagkaka-lip read sa kanila.



@leyomayk vice ganda reacts about the trending video #lipread #fyp #itsshowtimena ♬ original sound - SIR MIKE

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo