Xian Lim Inaming Never Naging Priority Si Kim Chiu

Martes, Enero 16, 2024

/ by Lovely


 Patuloy pa ring nakakatanggap ng pambabatikos ang aktor na si Xian Lim matapos ang paghihiwalay nila ng actress-TV host na si Kim Chiu.


Marami sa mga netizens at mga fans ni Kim Chiu ang patuloy na sinisisi si Xian Lim sa naging failed relationship nila ni Kim Chiu na nagtapos matapos ang 12 years nilang relasyon.


Iginiit ng maraming mga netizens na kasalanan lahat ni Xian Lim ang nangyari sa kanila ni Kim Chiu dahil noon pa man ay wala na talagang balak na pakasalan ng aktor ang aktres at tila ginamit lamang umano nito ang pagiging boyfriend ni Kim Chiu upang sumikat sa larangan ng showbiz.


Binalikan pa ng ilang mga netizens ang naging pahayag ni Xian Lim noon sa isang panayam na balak niyang mag-asawa sa edad na 40 years old dahil hindi pa siya handa. Kung 40 years old na magiging handa si Xian Lim na magpakasal magiging 39 years old na si Kim Chiu sa mga oras na iyon at mahihirapan na na magkaroon ng anak.


Dahil dito, iniisip na ng mga fans ng aktres na imposible namang hindi alam ni Xian Lim na mahihirapan na ang babae na manganak kapag lumampas na ito ng 35 years old , kaya noon pa man umano ay wala na talagang balak si Xian Lim na pakasalan si Kim Chiu.


May mga nagsasabi pa na hindi naman naging priority ni Xian Lim si Kim Chiu dahil noon pa man ay inuuna na umano ng aktor ang kanyang pamilya, sarili at saka na si Kim Chiu.


Bukod pa rito marami rin ang nagsasabi na may hindi magandang pag-uugali si Xian Lim, may pagkasuplado umano ito at mayabang.


Sa kabilang banda, nangangamba naman ngayon ang mga fans ni Jennylyn Mercado na baka ay maapektuhan umano ang teleserye ng dalawa sa GMA7 sa mga natatanggap na pambabatikos ni Xian Lim mula sa mga fans ni Kim Chiu lalo na ngayong magiging magkatapat ang kanilang mga teleserye.


"Xian ang nagloko nag paubaya na lang c kim.bkit nman suportahan yan di ba sbi niya pumasok cya sa showbiz to show yung talent ayaw mag entertain ng tanong sa kanya.paano suportahan ang isang taong ganyan ang attitude"


"Ginamit lang talaga si Kim. Relationship w/ Kim is just for fun.Pag Ang BF mo Walang Plano w/in 2 yrs dapat magisip k na. For fun lang Yan. Ayaw Ng responsibilidad. Magisip ka na. Iwanan. Wag mag aksaya Ng panahon."


"Ngayon pa lang pa tapon na ang career mo dahil sa desisyon mong pa bigla bigla hanggang ngayon gina gamit mo pa rin si Kim para ma pag usapan ka dahil alam mo maraming nagmamahal kay Kim para hindi ma wala ang career mo kaya gumagawa ka pa rin ng kwento."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo