Janno Gibbs Inilabas Na Ang Totoong Naramdaman Sa Pagkawala Ng Kanilang Ama

Miyerkules, Enero 17, 2024

/ by Lovely


 Naglabas ng hinanakit ang aktor na si Janno Gibbs laban sa mga taong tila ginawa pa umanong katatawanan ang pagpanaw ng kanyang ama kamakailan lamang.


Labis na nalulungkot si Janno Gibbs sa pagkawala ng kanyang ama, hindi rin nakatulong sa kanyang pagluluksa ang mga taong tila ginawa pa silang katatawanan sa pamamagitan ng pagpapakalat sa social media ng mga walang katuturang impormasyon patungkol sa nangyari sa kanyang ama.


Ayon kay Janno  Gibbs, may mga tao talagang hindi marunong makaramdam ng hinanakit at simpatya sa kanila dahil ginamit pa umano siya ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapakalat ng impormasyon na may kinalaman siya sa pagpanaw ng kanyaang ama.


Binatikos niya ang ilang mga YouTube channel na nagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa kanilang pamilya, lalong lalo na sa pagkawala ng kanilang ama.


Hayagan niyang sinabi na hindi ikinatuwa ng kanilang pamilya ang ginawa ng mga taong ginawang katatawanan ang nangyari at hindi na umano ni-respeto ang pagluluksa ng kanilang pamilya.


Ipinahayag rin ni Janno Gibbs ang kanyang pagkadismaya sa mga pulis na nag-imbestiga sa nangyari sa kanyang ama dahil tila nagpabaya umano ang mga ito sa mga nakuhang ebidensya dahil kumalat pa sa social media ang video nang madatnan ang wala nang buhay na katawan nito.


Ayon kay Janno Gibbs, sana naman ay ginawa ng mga pulis ang nararapat na imbestigasyon at inilabas lamang ang mga impormasyon na nararapat ilabas sa media.


Tila nalagay pa umano sa alanganin ang kanilang safety dahil kabilang sa mga impormasyon na kumalat sa social media ay ang kanilang address.


Sa ngayon ay hinihiling ni Janno Gibbs na sana ay magbigay umano ng public apology ang mga pulis sa kanilang pamilya at maging ang mga vloggers na nagpakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa kanila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo