Its Showtime Host Inofferan Ng Tape Inc Sa Tahanang Pinakamasaya!

Miyerkules, Enero 17, 2024

/ by Lovely


 Inamin ng isa sa mga regular host ng Kapamilya noontime show na It's Showtime na nakatanggap siya ng malaking offer para lumipat sa isang noontime show rin na umiere ngayon sa GMA7 na Tahanang Pinakamasaya, subalit kaagad umano niya itong tinanggihan dahil hindi niya kayang iwan ang show na naging daan para siya makilala.


Sa isang panayam sa ABS-CBN executive, inamin ng It's Showtime hosts na nakakatanggap siya ng mga offer mula sa ibang mga shows subalit hindi umano niya kayang talikuran ang show na unang nagbigay ng opportunity. 


Ayon sa It's Showtime, malaki na umano ang nagbago sa kanyang buhay matapos siyang madiscover ng ABS-CBN at doon na nagsimula ang kanyang showbiz career lalong-lalo na sa larangan ng hosting.


Aminado naman ang ABS-CBN TV Production Head na humahanga siya sa dedikasyon at kabaitan ng TV host na ito. Nakikita rin umano niya na masipag ito sa kanyang trabaho at nagpapasalamat sa pagiging loyal nito sa ABS-CBN, Star Magic at sa It's Showtime na kahit nang magkaroon sila ng problema sa prangkisa ay hindi pa rin sila iniwan nito.


Sa kabilang banda, patuloy pa ring binabatikos ng ilang mga netizens ang noontime show ng TAPE Inc. mula ng magpalit sila ng titulo dahil tuluyan na silang pinagbawalan na gamitin ang titulong Eat Bulaga.


Marami sa mga netizens ang natatawa sa kanilang titulo dahil tila hindi naman umano nila ito pinag-isipan. May mga naglabasan pang mga bali-balita patungkol sa ppsibilidad na may kakaharaping panibagong kaso ng TAPE Inc. dahil sa panggagaya ng logo sa ibang programa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo