Abs Cbn Naglabas Ng Pahayag Sa Pag Alis Ni Lovi Poe Sa Batang Quiapo!

Martes, Enero 16, 2024

/ by Lovely


 Marami ang naglabasang speculations sa social media matapos ang biglaang pagkatsugi o pagkatanggal ng karakter ni Lovi Poe sa teleseryeng Ang Batang Quiapo.


May mga naghinalang nagdadalang tao ang aktres kaya niya iniwan ang palabas, habang may mga nagsasabi naman na baka ay binubully umano ito sa nasabing serye.


Subalit, tila wala namang katotohanan ang balitang binu-bully ang aktres roon dahil makikita naman sa mga naglabasang behind the scenes kung gaano sila kalapit sa isa't-isa.


Maging sa inilabas na pahayag ni Lovi Poe ay iginiit pa niya na naging mahirap para sa kanya ang desisyon na ito dahil napalapit na siya sa kanyang mga kasamahan.


Sa usaping nagbubuntis ang aktres ay tila imposible umano ito dahil may nakalinya pa siyang mga action movies at magsisimula na ang taping nito kaya impossibleng buntis ito.


Sinigundahan naman ito ng management at sinabing maraming nakalinyang projects si Lovi Poe na hindi pa maaring ilabas sa publiko dahil hindi pa tapos ang usapan.


Samantala, ang natitiyak lamang ngayon na dahilan sa biglaang pagbibitiw ni Lovi Poe ngayon ay ang kadahilanang nais niyang makasama ng mas matagal at mapagtuunan ng pansin ang kanyang mister na nakabase sa Amerika.


Sa ngayon ay tila sinusulit ito ng aktres na makikita naman sa kanyang mga social media posts.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo