Tunay Na Dahilan Sa Pagbebenta Ni Daniel Padilla Ng Sports Car Nila Ni Kathryn Bernardo

Martes, Enero 16, 2024

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang lumabas na balitang binebenta na ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang kanyang sportscar na umano'y pinagtulungan nilang bilhin noon ng kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Kamakailan lamang ay nag-viral sa iba't-ibang social media platforms ang posts ng mga car dealers kabilang na ang F2A Cars at Garage 8888ph kung saan naka for sale ang isang orange Chevrolet Stingray C7 na pagmamay-ari umano ni Daniel Padilla.


Tinawag pa ng ilan na kotse umano ng loyal ang kotse na unang na-acquire noong 2016. Nakalahad din sa post na lahat ng mga papeles ay nakapangalan kay Daniel Padilla.


Sinubukan naman ng F2A Cars na ibenta kay Boss Toyo ang nasabing kotse nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo subalit hindi sila nagkasundo sa presyo kaya hindi naging matagumpay ang kanilang deal.


Samantala, naitanong naman ni Boss Toyo kung ano ang dahilan kung bakit binibenta ni Daniel Padilla ang kanilang kotse. Sinabi naman ng car representative na baka sawa na umano si Daniel Padilla sa nasabing kotse.


May mga naghinala pa na baka ay binitawan ito Daniel Padilla para maiwasan at malimutan na niya ang nakaraan nila ni Kathryn Bernardo para tuluyan na siyang makapag-move on.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo