Sarah Lahbati, Naiyak Na Inamin Ang Totoong Dahilan Ng Hiwalayan Nila Ni Richard Gutierrez

Martes, Enero 16, 2024

/ by Lovely


 Inamin na ng aktres na si Sarah Lahbati ang totoong dahilan sa naging hiwalayan nila ng kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez.


Isang makahulugang pahayag ang binitiwan ng aktres na si Sarah Lahbati sa isang panayam kung saan naitanong sa kanya ang patungkol sa naging hiwalayan nila ng kanyang husband na si Richard Gutierrez matapos ang sampung taon nilang pagsasama.


Ayon sa naging pahayag ni Sarah Lahbati, labis siyang nalulungkot ngayon sa nangyari sa kanilang pamilya. Lalo na't napapabalitang mayroon ng ibang karelasyon ngayon ang kanyang asawa kahit pa hindi pa tuluyan napapawalang bisa ang kanilang kasal.


Hindi umano halos matanggap ni Sarah Lahbati ang nangyari at pakiramdam niya ay tinraydor siya ng kanyang mismong asawa. Hiling naman ni Sarah Lahbati ang pang-unawa ng publiko at respetuhin na lamang ang kanilang desisyon. Hiling din niya na sana ay bigyan sila ng oras para mag-heal.


Gayunpaman, iginiit ni Sarah Lahbati na hindi siya nagkulang at ipinaglaban din niya ang kanyang asawa sa abot ng kanyang makakaya sa gitna ng mga pagsubok na kinaharap nila noon.


Ayaw rin umano ni Sarah na makaranas ng broken family ang kanyang mga anak subalit may mga bagay talaga na hindi niya maiiwasan kahit ano ang kanyang gagawin.


Bagama't hindi pa inamin nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang paghihiwalay, mahahalata namang wala na sila dahil sa hindi na nila pagsasama at sa pag-unfollow nila sa isa't-isa sa social media.


Bukod para rito, ilang beses na ring nagkasagutan sa social media sina Annabelle Rama at Sarah Lahbati. Tinanggal na rin ni Sarah Lahbati ang surname ng kanyang asawa sa kanyang Instagram account at iniwan na rin ang dating bahay na tinitirhan nilang  bahay noon ni Richard Gutierrez.


Sa kabila ng kaguluhan sa relasyon nila ni Richard Gutierrez tila maayos naman ang kanilang co-parenting set-up sa mga anak na sina Zion at Kai.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo