Babae Na Nali-Link Sa Sikat Na Aktor Nagsalita Na, Career Nanganganib!

Martes, Enero 16, 2024

/ by Lovely


 Binasag na ng Vietnamese woman ang kanyang katahimikan patungkol sa kanyang pagkakalink sa aktor na si Daniel Padilla, bilang isa sa mga naging sidechik ni Daniel Padilla habang magkarelasyon pa sila ni Kathryn Bernardo.


Ayon sa inilabas na pahayag ni Minh Phoung (Emma) totoong nagkita sila ni Kathryn Bernardo sa Vietnam nang magbar ang ito kasama ang mga kaibigan. Ayon pa sa kanya na ang napasukang bar ng aktor ay ang bar ng kanyang kapatid kaya naman nagkabati-an sila. 


Bukod pa rito ay wala na rin umano silang interactions sa isa't-isa taliwas sa mga kumakalat ngayon sa social media. Iginiit din niya na binati niya si Daniel at mga kasamahan nito roon dahil alam niyang sikat na artista sa Pilipinas si Daniel Padilla.


Mula noon ay hindi na rin umano niya nakita pa ang aktor at wala umano silang naging ugnayan mula noon kaya naman labis siyang nagtataka kung bakit nadadawit ngayon ang kanyang pangalan gayong wala naman siyang kinalaman kay Daniel Padilla.


Hiling din niya na sana ay itigil na ang pambabatikos sa kanya at ang mga paninira sa kanyang puri na maaring makaapekto sa kanyang career at buong pagkatao.


Matatandaan na nag-umpisang kumalat ang isyu sa pagitan nina Minh Phoung at Daniel Padilla matapos ang sunod-sunod na cryptic post ng ate ni Kathryn Bernardo patungkol sa pinaghihinalaang pagloloko ni Daniel Padilla.


Kasunod nito, marami na ang pumuna sa paglike nito sa mga post ng aktor na siyang nagpalakas sa hinalang may tinatagong nakaraan ang mga ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo