Andrea Brillantes Inilabas Ang Matinding Baho Ni Francine Diaz Kaya Naagaw Si Seth Fedelin

Walang komento

Miyerkules, Disyembre 27, 2023


 Naging mainit na usapin sa social media ang mga isiniwalat ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes patungkol sa dating kaibigan na si Francine Diaz patungkol sa totoong ugali nito.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa mga isiniwalat ni Andrea Brilantes patungkol sa kung paano nilandi noon ni Francine Diaz si Seth Fedelin habang sila pa ang magkarelasyon at magkaloveteam.


Tila tumitindi na ngayon ang hindi pagkakaunawaan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz dahil inilalabas na nila ang baho ng isa't-isa. Sa isang live, ipinagdiinan ni Francine Diaz na hindi niya inagaw at inahas si Seth Fedelin mula kay Andrea Brillantes.


Samantala, ipinagdidiinan naman ni Andrea Brillantes na kung hindi nilandi at inagaw ni Francine Diaz sa kanya si Seth Fedelin ay masaya pa sana umano silang dalawa.


Ayon kay Andrea Brillantes, sinisiraan umano siya ni Francine Diaz kay Seth Fedelin. Tanging mga bad traits lamang umano niya ang sinasabi nito sa kanyang boyfriend kaya naman naging sunod-sunod na ang kanilang pag-aaway.


Ang hindi lamang umano matanggap ni Andrea Brillantes, ay noong maghiwalay sila ni Seth Fedelin, ay nagkakamabutihan na pala ang mga ito na hindi niya matanggap.


Pakiramdam ni Andrea Brillantes ay may ginagawa sa kanyang likod si Francine Diaz na naging dahilan upang tuluyan na siyang iwan nito.


May hinala rin umano si Andrea Brillantes, na isa mga dahilan ni Francine Diaz para maagaw nito si Seth Fedelin ay ang kagustuhan nito na magkaroon ng panibagong loveteam na tiyak ikakasikat niya para magkaroon ng maraming projects.


Ayon pa umano kay Andrea Brillantes, na hinihintay na lamang niya ang karma para kay Francine Diaz dahil sa pagiging mang-aagaw at ahas nito.



Barbie Forteza at Jak Roberto Break Na Din, Ava Mendez Third Party

Walang komento


 Sa gitna ng mga usapin patungkol sa kaliwa't kanang paghihiwalay ng mga celebrity couples, marami ang naghinalang susunod naman na aamin ng kanilang paghihiwalay ang celebrity couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza.


Marami ang naghinala na naghiwalay na sina Jak Roberto at Barbie Forteza, dahil sa kumakalat na isyu na may nangyari sa pagitan ng aktor at kay Ava Mendez sa isang hotel.


Nagsilabasan ang mga videos at pictures kung saan makikitang nakayapos si Jak Roberto kay Ava Mendez kasunod ng paglabas ng blind item patungkol sa kanilang dalawa.


Samantala, umamin naman si Ava Mendez na totoong nagkasama sila ni Jak Roberto sa isang birthday party at yinakap siya nito sa elevator pero wala naman umanong malisya ito lalong lalo na, walang nangyari sa kanilang dalawa.


Dahil dito, mas tumibay pa ang paniniwala ng mga netizens na may nangyayari talagang hindi maganda sa pagitan ng mag-jowa.


Marami naman sa mga fans ng dalawa ang humihiling na sana ay huwag namang dumagdag sa mga naghiwalay ngayong taon sina Barbie Forteza at Jak Roberto. May mga nagsasabi pa na dapat munang alamin ni Barbie Forteza ang totoong nangyari bago magdesisyon kung iiwan ba nito si Jak Roberto o hindi.


Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang aktor na si Jak Roberto hinggil sa isyung may nangyari sa kanila ni Ava Mendez at kung naghiwalay na sila ni Barbie Forteza.


Maging ang aktres ay hindi pa rin naman nagbibigay ng pahayag at tila dinidedma lamang itong lahat ng aktres.


Nagkaroon naman ng pag-asa ang kanilang mga fans na hindi naman naghiwalay ang dalawa dahil magkasama pa nilang ipinagdiriwang ang pasko. Ibinahagi pa nila ito sa kani-kanilang mga social media accounts.


Ayon sa ilang mga netizens, pinapatunayan lamang ng dalawa na matatag ang kanilang relasyon at hindi sila basta-basta naapektuhan ng mga isyu dahil may tiwala sila sa isa't-isa.



Barbie Forteza Nagsalita Na Sa Panloloko Ng Boyfriend Na Si Jak Roberto

Walang komento


 Trending ngayon sa social media ang diumano'y panloloko ng Kapuso actor na si Jak Roberto sa kanyang longtime girlfriend na si Kapuso actress na si Barbie Forteza.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang mga larawan at videos nina Jak Roberto at Ava Mendez na kuha mula sa isang five star hotel.


Nagsimula ang lahat sa isang blind item na umano'y nagpunta ang dalawa sa isang birthday party ng isang kaibigan, doon umano ay nagkainom at nang malasing na ay naging agresibo na umano ang lalaki. Hindi na umano ito umuwi at napilitan na lamang ang kaibigan nila na magbook ng hotel room. Sa elevator pa lamang umano ay niyayapos na ng lalaki ang sexy actress na hindi naman pumapalag.


Nagtuloy-tuloy pa umano ang paglalampungan ng dalawa dahil hindi naman sila nagpapaawat sa mga kaibigan ng babae, dahil dito pinabayaan na lamang nila ang dalawa na ituloy ang paglalampungan sa ibabaw ng kama.


Malakas naman ang loob ng naglabas ng tsikang ito na may katotohanan ang lahat dahil nakakuha umano siya ng video ng dalawa na makapagpapatunay sa lahat ng nangyari.


Hinamon pa nito si Barbie Forteza na humingi lamang sa kanya ng kopya dahil pagbibigyan kaagad umano niya kaagad ito.


Samantala, sinaggot naman ni Ava Mendez ang naglabasang tsika patungkol sa kanila ni Jak Roberto. Ayon sa sexy actress, totoong nagkasama sila ni Jak Roberto sa isang birthday party ng common friend. Totoo rin umano na naging aggresive si Jak Roberto sa mga babae roon at sa kanya.


Kinumpirma rin niya na tumanggi ang aktor na umuwi dahil sa kalasingan kaya naman nag-book ng hotel room ang kanilang kaibigan para sa kanila upang makapagpahinga at mawala ang kanilang kalasingan.


Inamin din ni Ava na nakayakap sa kanya si Jak habang paakyat ang elevator dahil bangag na ito dala ng labis na kalasingan subalit hindi naman umano niya nilalagyan ito ng malisya.


Ang tanging itinanggi ni Ava Mendez ay ang tsika na may nangyari sa pagitan nilang dalawa dahil hindi naman umano niya type si Jak Roberto.


Sa kabilang banda, tila hindi naman naniniwala si Barbie Forteza sa mga akusasyon laban sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto. Patuloy pa rin kasi ang pandedma nito kahit pa tahasan na siyang tinatag ng kanyang mga fans sa sinasabing video at pictures na magkasama sina Jak Roberto at Ava Mendez.


Sa ngayon ay hiniling na lamang ng mga fans nina Jak Roberto at Barbie Forteza na maging matatag ang dalawa sa kung ano mang isyu na binabato sa kanilang relasyon.


May mga humiling pa sana ay hindi naman mapapabilang ang JakBie sa mga celebrity couples na naghihiwalay ngayong taon.


"Na kay Barbie yan kung maniniwala sya o hindi pro di sya ngiisip kung skali hindi sya maniniwala sa issue na yan.. bakit hindi sya mismo ang magimbestiga pra malaman nya ang totoo.. wag ka manghinayang girl sa 6yrs  nyo, gusto mo ba matulad sa 11yrs bago ka matauhan?? Ilang babae pa ba ang hahayaan mo na maging kahati mo sa unfaithful bf mo?? Isip isip din pag may time, and that makes you smart."


"Naniniwala po kami dahil maraming nakakita at alam nila kong ano ang ginawa nilang dalawa nakakahiya lang po sa motel pa sila nahuli at magkatabi"





Sharon Cuneta, Buking Na, Hiwalayan Nila Ni Kiko Pangilinan Palabas Lang

Walang komento


 Nakakatanggap ngayon ang Megastar na si Sharon Cuneta ng samu't-saring pambabatikos mula mismo sa kanyang mga tagahanga at mga tagasuporta dahil sa pagiging madrama nito kamakailan sa kanyang social media account.


Marami sa mga fans ng Mega Star ang hindi na natutuwa sa mga kadramahan nito sa buhay. Kamakailan lamang ay naging sunod-sunod na ang mga cryptic post ni Sharon Cuneta kung saan tila ipinapahiwatig nito na may pinagdadaraanan sila ng kanyang asawa na si Kiko Pangilinan.


Marami pa ang naghinala na baka sa hiwalayan rin mauuwi ang kanilang hindi pagkakaunawaan dahil sa sunod-sunod na cryptic posts nito sa kanyang mga social media accounts.


Subalit, ikinalito ng kanyang mga fans ng ibahagi mismo ni Sharon Cuneta sa kanyang account na maayos naman ang pagsasama nila ni Kiko Pangilinan at ipinahayag pa niya kung gaano niya ito kamahal.


Dahil dito, kinukwestyon ng mga netizens kung para kanino ba talaga ang mga pahayag na iyon ni Sharon Cuneta at kung para saan ang kanyang mga cryptic posts.


Marami ang nalito sa mga naging kadramahan ni Sharon Cuneta sa kanyang social media accounts gayung maayos naman ang pagsasama nila ni Kiko Pangilinan.


Marami naman ang nagpayo kay Sharon Pangilinan na tila ba nararapat na itong maghanap ng professional help dahil sa mga kadramahan nito sa buhay.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabi na pakulo lamang itong lahat ni Sharon Cuneta dahil may movie entry siya sa Metro Manila Film Festival. Nais lamang umano ni Sharon na mapag-usapan kaya naman nagda-drama na naman.


May mga nagsasabi naman na sanay na sila kay Sharon Cuneta na palaging gumagawa ng mga isyu sa tuwing may pelikula para pumatok naman ito sa takilya.


Gayunpaman, tila hindi na epektibo ang naging taktika na ito ni Sharon Cuneta ngayon dahil marami lamang ang naiinis sa kanya dahil sa pagiging madrama, May mga tumawag pa ritong nababaliw na kaya naman kung ano-ano na lamang ang mga pinagsasabi.



Vilma Santos Pinaiyak Si Carmina at Cassy Villaroel Sa Rebelasyon Nito Habang Nasa Sinehan

Walang komento


 Malaki ang pasasalamat ng Star for All Seasons na si Vilma Santos sa magandang reception sa pelikulang kinabibilangan niya na When I Met You in Tokyo.


Nakasama rito ni Vilma Santos si Cassy Legaspi na anak nina Carmina Villaoel at Zoren Legaspi. Sa isang video na ibinahagi ni Cassy Legaspi sa kanyang social media account, makikita ang pagkukwento ni Vilma Santos sa naging pagsasama nila noon ni Carmina Villaroel sa iisang pelikula at ngayon naman ay nakasama naman niya ang anak nitong si Cassy.


Naging emosyunal naman si Carmina Villaroel sa naging pahayag ni Vilma Santos.


Naiging positibo naman ang komento ng mga fans nina Carmina Villaroel at Cassy sa naging pahayag ni Vilma Santos kung saan nangangako sila na susuportahan ang kanilang pelikula.


Isa ang pelikula nina Vilma Santos sa mga pinipilahan sa mga sinehan na kabilang sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. Kasama rin nila sa pelikulang ito si Christopher De Leon at iba pang mga artista na kilala sa pagiging magaling sa larangan.



Sharon Cuneta Ibinuking Ang Resulta Ng MMFF Movie Na 'A Family of Two'

Walang komento


 Tuwang-tuwa ang Mega Star na si Sharon Cuneta dahil maganda ang nakukuha nilang komento mula sa mga fans at movie goers na nanonood sa kanilang pelikula na kabilang sa mga entry ng Metro Manila Film Festival.


Masayang-masaya si Sharon Cuneta dahil maganda umano ang reception ng mga manonood sa kanilang pelikula ni Alden Richards na A Family of Two.


Sa isang block screening na pinuntahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards, pinasalamatan ni Sharon Cuneta ang lahat ng mga tumangkilik sa kanilang pelikula. Malaki rin ang pasasalamat ni Sharon Cuneta dahil naging maganda ang performance ng kanilang pelikula sa takilya.


Hiling pa ni Sharon Cuneta sa kanilang mga tagahanga ni Alden Richards na spread pa sa maraming tao ang kanilang pelikula at ibahagi sa mga ito ang kanilang nararamdaman.


Sa ngayon, abala ang mga artista na kabilang ang mga pelikula sa Metro Manila Film Festival dahil sa pagbisita ng mga  ito sa mga sinehan upang tingnan ang kaganapan sa mga sinehan.


Natutuwa naman ang ilang mga movie goers dahil nagbabalik na umano ang sigla ng takilyang Pilipino dahil sa rami ng entries ng Metro Manila Film Festival na ipinalabas noong December 25, 2023.


Sa ngayon ay naglalaban sa pangunahing spot sa Metro Manila Film Festival ang mga pelikulang Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Mallari nina Piolo Pascual, Janella Salvador at Elisse Joson, Penduko nina Mateo Guidicelli at Cristine Reyes at ang pelikula nina Sharon Cuneta at Alden Richards na Family of Two.


Vice Ganda Sinabing Makapal Ang Mukha Ni Andrea Brillantes

Walang komento


 Hindi na napigilan pa ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na maglabas ng hinanaing laban sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na nadadawit ngayon sa paghihiwalay ng longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Nauna nang inamin ni Vice Ganda na talagang nalungkot siya sa paghihiwalay ng dalawa dahil naging malapit rin siya sa mga ito, bukod pa rito, inamin niyang naging fan siya sa tambalan ng KathNiel mula nang mag-umpisa pa ang mga ito sa showbiz.


Ang tanging ipinagpasalamat na lamang ni Vice Ganda ay ang pagpili ng dalawa na tapusin ng maasyos ang kanilang relasyon kung saan hindi na nagbatuhan pa ng mga masasakit na salita laban sa isa't-isa.


Samantala, binigyan naman ng ilang mga netizens ng ibang kahulugan ang naging pahayag ni Vice Ganda sa isang episode ng It's Showtime. Marami ang naghinala na patama ito ni Vice Ganda kay Andrea Brillantes na siyang itinuturong pangunahing dahilan kung bakit nakipagkalas si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla.


Ayon sa naging pahayag ni Vice Ganda, kung sino pa umano ang ahas siya iyong matapang at makapal ang mukha.


Ayon naman sa ilang mga netizens na tamang-tama umano ang naging pahayag na ito ni Vice Ganda kay Andrea Brillantes na inahas ang nobyo ng kanyang ate-atehan na si Kathryn Bernardo.



Sen. Win Gatchalian Nagbigay Ng Mensahe Para Kay Bianca Manalo Matapos Ang Kabit Issue Kay Rob Gomez

Walang komento


 Nagbigay na ng komento ang boyfriend ni Bianca Manalo na si Sen. Win Gatchalian sa isyu na may kaugnayan sa leaked conversation sa pagitan nina Bianca Manalo at Rob Gomez.


Marami ang naghinala na may affair sinaRob Gomez at Bianca Manalo dahil sa kumalat na screenshot ng mga mensahe ni Bianca Manalo para kay Rob Gomez. Marami ang nagsasabi na parehong nagtaksil ang dalawa sa kani-kanilang mga partners.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na matagal nang magkarelasyon sina Bianca Manalo at Senator Win Gatchalian, nabunyag na rin ang pagkakaroon ng relasyon nina Shaila Rebortera at Rob Gomez, sa katunayan ay mayroon na silang anak.


Samantala, matapos ang isang linggo pananahimik ay nagbigay na ng pahayag si Sen. Win Gatchalian patungkol sa kinakasangkutang isyu ng kanyang girlfriend na si Bianca Manalo matapos lumabas ang mga mensahe nito para kay Rob Gomez sa social media.


Sa isang social media post ni Sen. Win Gatchalian noong araw ng Pasko, hayagan niya ipinagtanggol ang kanyang girlfriend laban sa mga bumabatikos rito. Bukod pa rito ibinahagi rin niya ang mga larawan nila at ang mga larawan ng mga regalong natanggap.


Ayon pa sa caption ni Sen. Win Gatchalian, pareho sila ng prinsipyo ni Bianca Manalo sa buhay at wala umanong fake news na makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.


Sa kasunod na social media podt ng senador, ipinakita niya ang pagsasabit ng kanilang mga larawan ni Bianca Manalo na magkasama sa kanilang Christmas tree.


Kalakip nito ay ang mensahe niya para kay Bianca Manalo na mananatili siya sa tabi nito anuman ang mangyari. Sa kasunod na Instagram post, muli niyang ipinagtanggol si Bianca Manalo laban sa mga marites, bashers at mga negas sa relasyon nilang dalawa.


Nasangkot sa isang kontrobersiya ang aktres na si Bianca Manalo nang kumalat sa social media ang mga screenshot ng private message niya kay Rob Gomez kung saan sinasabi niyang nais niyang magkita silang dalawa sa mismong condo nito sa BGC.


Tumaas ang kilay ng maraming mga netizens ng idinagdag pa ni Bianca Manalo sa kanyang mensahe na wala roon si Sen. Win Gatchalian dahil naroon ito sa Valenzuela.


Kaagad naman itong pinabulaanan ni Bianca Manalo sa inilabas niyang pahayag sa kanyang social media account. Ayon kay Bianca Manalo, magdadala lamang mga regalo si Rob Gomez para sa kanya kaya magkikita silang dalawa.


Iginiit din ni Bianca Manalo na binura ang ilang mga conversation nila ni Rob Gomez para mapagmulan ito ng isyu at malagyan ng malisya ang kanyang mga messages.





Ava Mendez, Inamin Ang Nangyari Sa Kanila Ni Jak Roberto

Walang komento


 May nakakagulat na rebelasyon ang Viva Max star na si Ava Mendez patungkol sa Kapuso actor na si Jak Roberto.


Kamakailan lamang ay ibinunyag ng Viva Max star na si Ava Mendez ang patungkol sa ugali ni Jak Roberto sa tuwing nalalasing ito. Sa isang panayam, isa-isang sinagot ng sexy actress na si Ava Mendez ang mga isyung kinakasangkutan niya ngayong taon kabilang na ang isyung may relasyon sila ni Jak Roberto.


Matatandaan na lumabas ang isyung may lihim na relasyon sina Ava Mendez at Jak Roberto sa likod ng girlfriend nitong si Barbie Forteza nang kumalat sa iba't-ibang social media platforms ang mga larawan at video nila na magkasama sa isang party.


Nilinaw naman ito ni Ava Mendez sa isang panayam sa kanya, ayon sa sexy actress ang mga larawan at videos na magkasama sila ni Jak Roberto ay kuha sa isang birthday party ng isang common friend nilang dalawa.


Sa isang five star hotel umano naganap ang nasabing party kung saan sila kumain at nag-inoman. Sila lamang umano ni Jak Roberto ang mga artista na imbitado sa nasabing pagtitipon. Nagkakatuwaan umano sila roon habang nakainom na rin.


Nakikita umano ni Ava Mendez na may mga lumalapit kay Jak Roberto, hindi naman umano isnabero si Jak at maayos na nakikipag-usap sa mga ito. Para kay Ava, wala naman umanong masama sa ginawang ito ni Jak.


Dahil sila lamang umano ang mga celebrity roon, pinagbigyan nila ang mga request ng bawat table na makipag picture sa kanilang dalawa, game naman umano na sinasamahan siya ni Jak Roberto.


Isiniwalat din ni Ava Mendez na napansin niyang napaka-touchy ni Jak Roberto kapag nalalasing ito. Nilanaw naman ni Ava na hindi lamang sa kanya nagiging touchy si Jak Roberto. Gayunpaman, hindi umano maiiwasan na bigyan ng malisya ang ginagawa ni Jak Roberto pero kung totoong kilala muna ang aktor ay masasabi lamang na makulit ito at intindihin na lamang dahil lasing na ito.


Noong maubos na umano nila ang isang box ng inumin, doon na napansin ni Ava Mendez na naging aggressive na umano itong si Jak Roberto at ito na mismo ang kumakausap sa mga babae, ang iba ay umiiwas na umano sa kanya.


Pauwi na umano dapat sila nang pigilan sila ng nag-birthday dahil pare-pareho na silang mga lasing. Pinag-check in na lamang sila sa hotel para makapagpahinga ng sandali.


Nang nasa elevator na sila ni Jak, nakunan umano sila ng ilang mga fan ng video kung saan may ginagawa sa kanya si Jak, nakayakap na umano ito sa kanya pero parang friendly hug lang naman dahil wala na umano ito sa sarili dahil sa labis na kalasingan.


Sa kabila nito, ipinahayg ni Ava Mendez na wala naman umano siyang nakikitang mali sa ginawa ni Jak Roberto sa kanya. Pinabulaanan din niya ang tsismis na may nangyari sa kanilang dalawa dahil una sa lahat ay hindi naman umano niya type si Jak Roberto.


Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Jak Roberto hinggil sa usaping ito at hindi rin nagbibigay ng reaksyon ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.



Pagkapanalo ni Pokwang sa Deportation Case kay Lee O'Brian

Walang komento


 Naghain ang komedyante na si Pokwang ng deportation case at cancellation of Visa laban sa dati niyang kinakasama na si Lee O'Brian noong Hunyo. Nito lamang, December 2023, lumabas na ang desisyon ng korte hinggil sa nasabing kaso.


Naghiwalay sina Pokwang at Lee O'Brian noon pang November 21, 2021 subalit nitong July 2022 naman nang inamin ito ni Pokwang sa publiko. Noong February 2023 naman naang isiniwalat ni Pokwang mga tinatagong baho ni Lee O'Brian at ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Mula noon ay ilang beses na rin niya itong binanatan at pinaringgan sa kanyang social media posts lalo na noong nabalitaan niya na mayroon nang ibang babae si Lee O'Brian.



Naghain ng deportation case at cancellation of Visa laban kay Lee O'Brian noong June 2023, ipinahayag ni Pokwang na isang illegal alien umano itong si Lee na naninirahan sa bansa. Bukod pa rito, isiniwalat ng aktres na hindi man lamang umano tumutulong si Lee O'Brian sa pagpapalaki niya sa kanyang mga anak dahil napakatamad nito.


Isiniwalat din ni Pokwang na wala namang working permit si Lee O'Brian sa kanyang pagtatrabaho sa bansa at tanging tourist Visa lamang ang kanyang hawak.


Matapos ang isang linggo ng pagsampa ni Pokwang ng deportation case laban kay Lee, naghain naman ang huli ng counter affidavit sa Bureau of Immigration kung saan nagsampa si Pokwang ng deportation case laban sa kanya.


Hiling ni Lee O'Brian na sana ay maging patas ang Bureau of Immigration sa kanilang pag-iimbestiga laban sa kasong isinampa ni Pokwang na isang Pilipina at isa pang artista.


Samantala, may ilang mga netizens naman ang nagsasabi na sana ay gawin ni Pokwang ang mas makakabuti para sa kanyang anak. Kaagad naman itong sinagot ni Pokwang na kaya nais niyang madeport si Lee dahil naniniwala siyang ito ang mas nakakabuti para kay Malia.


Wala rin naman umanong saysay ang pananatili ni Lee O'Brian sa bansa dahil hindi naman nito dinadalaw o kinakamusta man lamang si Malia.


Matapos ang ilang buwan, pumayag na rin si Pokwang na makasama muli ni Lee ang kanilang anak para sa kapakanan nito. May mga ibinahagi pang mga larawan si Pokwang kung saan makikitang binibisita na ni Lee ang kanilang anak.


Kompyansa na ring ipinahayag ni Pokwang na maayos na siya at mas iniisip na lamang ang kapakanan ng kanilang anak. Nagpahiwatig rin si Pokwang na handa siya makipagkaibigan ,uli kay Lee sa tamang panahon at sa tamang proseso.


Samantala, kaagad na ibinahagi ni Pokwang ang inilabas na desisyon ng Bureau of Immigration kung saan ipinag-utos nito na ipa-deport na si Lee O'Brian. Para kay Pokwang, nakamit na niya ang hustisya na para sa kanya.


Sa inilabas na resolution ng Bureau of Immigration, nakasaad ang pagpapadeport kay William Lee O'Brian. Bukod pa rito, isinama rin si Lee O'Brian sa black list sa mga ahensya ng gobyerno dahil sa paglabag nito sa kanyang working visa.


 Tinukoy rin sa nasabing resolution ang active involvement ni Lee sa Philippine television programs ant theatrical industry bilang paglabag sa kanyang work limit.



Sharon Cuneta May Hanash Patungkol Sa Pagkakaroon ng Side Chicks

Walang komento

Lalong naguguluhan ang ilang mga netizens sa mga ibinabahaging cryptic post ng Mega Star na si Sharon Cuneta. Naging sunod-sunod ang mga hanash ni Sharon patungkol sa mga relationships at loyalty.


Hindi malaman ng mga netizens kung ano nga ba ang ibig sabihin rito ni Sharon Cuneta at kung sino ang kanyang pinapatungkulan sa kanyang mga post.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Sharon Cuneta ang tila isang appreciation messaga para sa kanyang asawa na si Kiko Pangilinan kung saan ipinahayag niya kung gaano kabuti at ka-honest ang kanyang mister.


Hindi man umano naging perpekto ang naging pagsasama nila ng kanyang mister na si Kiko Pangilinan marami umano silang hindi napagkakasunduan patungkol sa kanilang future, nagtatalo rin umano sila pero ang masasabi lamang niya ay isang mabuting tao si Kiko Pangilinan kaya naman mahal na mahal umano niya ito.


Nagkomento pa si Kiko Pangilinan sa post na ito ni Sharon Cuneta kung saan sinabi pa nito kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa.


Gayunpaman, ikinalito naman ng ilang mga netizens ang kasunod na Instagram stories ni Sharon Cuneta dahil sa nagbahagi naman ito ng quote patungkol sa loyalty at trusts.


Marami ang napapatanong kung sino nga ba ang totoong pinaparinggan ni Sharon Cuneta sa kanyang mga banat sa social media dahil tila maayos naman ang relasyon nila ni Kiko Pangilinan.


May naghinala na baka ang kanyang dating asawa na si Gabby Concepcion ang kanyang mga binabanatan dahil hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging babaero nito sa loob ng kanilang pagsasama noon.


Samantala, nagbigay naman ng unsolicited advice ang ilang mga netizens kay Sharon Cuneta dahil sa naging sunod-sunod na hugot nito. 


May mga nagsasabi na tila nararapat ng mag-seek ng professional help si Sharon Cuneta para matulungan siya sa kung ano ang kanyang nararamdaman ngayon sa marriage man nila ni Kiko Pangilinan o kaya naman sa naging relationship nila noon ni Gabby Concepcion.


"marriage is not easy, esp. you work at it like a full time job. So many ups and down, you will have disagreement, misunderstanding, arguments But after all these in-perfection respect and honesty loyalty is there, is worth fighting for… indeed you married a great man..I wish you both happiness and peace, God bless you all"


"Looool ive never been confused in my life. Until reading this post 😂 looks like youre just having a bad day. Get some rest. Sleep is the weapon. Tomorrow is another day."




 

Exclusive! Paulo Avelino Nagsalita Sa Hiwalayang Kim Chiu, Xian Lim

Walang komento

Martes, Disyembre 26, 2023


 Naglabas ng saloobin ang Kapamilya star na si Paulo Avelino, hinggil sa nangyaring hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Sa isang panayam sa Kapamilya actor, nausisa siya kung ano ang kanyang masasabi sa naging hiwalayan ng celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu. Sina Kim Chiu at Paulo Avelino ay unang nagkasama sa digital series na Linlang, muli naman silang magtatambal sa pinoy adaptation ng Korean drama na What's Wrong With Secretary Kim.


Ayon kay Paulo Avelino, hindi na niya ina-analyze ang nangyari dahil kaibiga naman niya si Kim Chiu. Hindi rin umano nararapat na magkumpara o di kaya ay i-judge na lamang ng basta-basta ang nangyari. Pero maganda umano kapag may perfect timing ang lahat.


Samantala, tila naging masaya naman ang pagdidiriwang ng pasko ng Kapamilya actress na si Kim Chiu kasama ng kanyang pamilya sa kabila ng nangyari sa kanila ni Xian Lim.



Bagama't makikita pa rin sa mga mata ng aktres ang kanyang lungkot na agad namang naiintindihan sa kanyang mga fans dahil hindi naman umano madali na basta na lamang isawalang bahala at kalimutan ang mga pinagdaanan nila ni Xian Lim sa loob ng labin dalawang taon nilang pagkakaroon ng relasyon.


Sa kabilang banda, marami naman ang kinilig nang makita nilang ni-like ni Paulo Avelino ang post ng aktres, hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na pumatok sa mga netizens ang tambalan ng dalawa dahil sa hindi maitatangging chemistry nilang dalawa.


Marami naman sa mga fans ng aktres ang humihiling na sana ay mas pagtuunan naman ngayon ni Kim Chiu ang kanyang sarili matapos ang ilang taon pagtataguyod ng kanilang pamilya.


Hiling din ng mga fans ni Kim Chiu ang healing nito at sana ay maklatagpo ito ng taong magmamahal sa kanya ng buo.


Maging ang ilang mga celebrities at kasamahan ng aktres at nagbigay rin ng mga pagbati para sa aktres sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan ngayon.



Vice Ganda Dinedma Si Andrea Brillantes

Walang komento


 Pinag-uusapan ngayon ng ilang mga netizens sa iba't-ibang social media platforms ang tila pandidedma umano ni Vice Ganda sa aktres na si Andrea Brillantes sa isang event.


Kumakalat ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang mga video at larawan ng pagtatangka ni Andrea Brillantes na lapitan at batiin si Vice Ganda. Subalit, tila sinadya umano ng Unkabogable Star na dedmahin at balewalain ito.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing larawan at videos, marami ang iniuugnay ang nangyari sa naging hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung saan si Andrea ang itinuturong dahilan.


Matatandaan na nauna nang ipinahayag noon ni Vice Ganda sa isang panayam ng ABS-CBN na maging siya ay nalulungkot din sa paghihiwalay ng dalawa na matagal ring magkasintahan.


Inamin din ni Vice Ganda, na bukod sa pagiging malapit kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, naging fan na rin umano siya sa tambalan ng dalawa. Kaya naman labis rin siyang nalulungkot sa nangyari sa dalawa.


Samantala, may ilang mga fans naman ni Andrea Brillantes ang nagsasabi na tila hindi naman sinadya ni Vice Ganda na dedmahin si Andrea Brillantes dahil naging malapit na rin naman sila.


Ayon sa mga fans ni Andrea sa dami ng lumapit kay Vice Ganda ay hindi na umano nito napansin ang paglapit at ang pagbati ni Andrea Brillantes.




Daniel Padilla Pinuntahan Si Kathryn Bernardo Patuloy Na Sinusuyo

Walang komento


 Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ang mga tagahanga ng KathNiel dahil sa kanilang paghihiwalay, marami ang nanghinayang sa tagal ng panahon ng kanilang pagiging magkasintahan.


Sa kabila ng kanilang pag-amin patungkol sa naging hiwalayan, hindi naman isiniwalat ng dalawa ang totoong dahilan kung bakit napagdesisyunan nilang tapusin ang kanilang relasyon.


Dahil dito, nagsilabasan ang mga samu't-saring hka-haka mula sa mga netizens, maraming mga netizens na naghinalang may kinalaman sa hiwalayan nila ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.


Samantala, marami rin naman sa mga fans ng KathNiel ang naninibago sa pagdiriwang ng pasko ng dalawa dahil hindi na silang nagsasama pa.


Matatandaan na nagkaroon ng kaunting pag-asa ang ilang mga KathNiel fans ng makitang muling naging sweet sa isa't-isa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kamakailang Christmas special ng ABS-CBN at ang pagsasama ng dalawa sa nagdaang Asia Artist Award.


Binura rin ni Daniel ang kanyang break up message na naging dahilan para isipin ng mga tagahanga nila na muli silang nagkakamabutihan.


Subalit, binasag kaagad ito ng aktres nang ipahayag nito na wala na siyang babalikan at puro looking forward lamang ang kanyang ginagawa.


Sakabila ng lahat ng ito, naniniwala pa rin ang ilan na kung magiging pursigido lamang si Daniel Padilla ay tiyak umanong lalambot muli ang puso ni Kathryn Bernardo.


Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, muli umanong nililigawan ngayon ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo. Pumupunta rin umano ang aktor sa bahay nina Kathryn Bernardo bilang parte ng panunuyo nitong muli sa aktres.


Samantala, may mga nagpapayo ngayon kay Kathryn Bernardo na huwag kaagad na bumigay sa panunuyo ni Daniel Padilla at siguruhin muna kung nagbabago na ba ito.




Exclusive! Xian Lim Hindi Nga Ba Bet Ng Pamilya Ni Kim Chiu

Walang komento


 Matapos kumpirmahin nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay, naglabasan ngayon ang samu't-saring spekulasyon ng dahilan nito na hindi naman nilinaw ng dalawa.


Ayon sa mga naunang naiulat, ang diumano'y kawalan ng plano ni Xian Lim na pakasalan si Kim Chiu ang pangunahing dahilan ng kanilang paghihiwalay. May mga nagsasabing sources na wala umano sa mga prioridad ni Xian Lim si Kim Chiu dahil mas inuuna umano ng aktor ang kanyang pamilya.


Samantala, may mga naglabasang haka-haka na ang totoo umanong dahilan sa pagwawakas ng pagmamahalan nila ay ang pagtutol ng pamilya ni Kim Chiu kay Xian Lim.


Sa isang episode ng programa ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin, isiniwalat niya na maging ang pamilya ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ay matagal nang hindi pabor sa relasyon nilang dalawa.


Sinigundahan naman ito ni Romel Chika at binalikan pa ang mga nagdaang panayam ni Xian Lim kung saan naitanong sa actor-director kung kumusta ang relasyon niya sa mga magulang ni Kim Chiu.


Ayon kay Romel Chika, halata umano na hindi malaman ni Xian Lim kung paano sagutin ang mga katanungan na ito. Dagdag pa nito, na maging ang ilang mga fans ni Kim Chiu ay ayaw rin kay Xian Lim dahil nakikita nilang hindi naman nito inuuna ang aktres.


Bukod pa rito ay may attitude umano itong si Xian Lim at suplado umano ito na hindi nababagay sa kabaitan ng aktres.


Sa kabilang banda, tila naging maayos naman ang paghihiwalay ng dalawa kung pagbabasehan ang kanilang mga palitan ng break up messages.



May Bagong Host Sa Its Showtime Sa 2024! Magbabalik O Bago?!

Walang komento


 Nagkaroon na ng pagkakataon ang actor-host na Billy Crawford na makabalik sa dating kinabibilangang noontime show noon na Its Showtime.


Sa isang panayam, naitanong ni Ogie Alcasid kay Vhong Navarro kung gusto ba niyang makapasok muli sa It's Showtime ang kanyang kaibigan na si Billy Crawford.


Ayon naman kay Vhong Navaro, kung pwede talagang makabalik ni Billy Crawford sa kanilang show ay wala naman umanong problema sa kanya.


Naging positibo naman ang dating sa mga netizens sa naging pahayag ni Vhong Navarro, marami ang nagsasabi na may posibilidad nang makabalik sa naturang show si Billy Crawford sa darating na 2024.


Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Billy Crawford noon na open siyang magkaroon ng trabaho muli at mapabilang sa isang noontime show sa alinmang network.


Matatandaan na naging regular host noon sa It's Showtime si Billy Crawford, umalis siya rito para pagtuunan ng pansin ang pagbubuo nila ng pamilya ni Coleen Garcia. Nang magbalik siya sa showbiz ay naging host naman si Billy sa naging katapat na show ng It's Showtime na Tropang LOL.


Nagsimula na rin ang isyu ng hindi pagkakaunawaan nila ni Vice Ganda dahil sa palitan nila ng pasaring para sa isa't-isa. Subalit, nito lamang ay tila nagkaayos na sila dahil naging guest ang pamilya ni Billy Crawford.


Sakabilang banda, marami ipinahayag naman ni Vhong Navarro na walang kinalaman sa tampo niya kay Billy Crawford ang pagtatapat nito sa kanilang show. Ang pinagmulan ng tampo umano ni Vhong Navarro kay Billy ay noong bigla na lamang itong nagresign sa It's Showtime.


Gayunpaman, naiintindihan naman umano ni Vhong Navarro ang dahilan ni Billy Crawford subalit hindi pa rin umano niya maiwasan na magtampo dito. Dahil sayang ang lahat ng mga pinaghirapan nito.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo