Barbie Forteza at Jak Roberto Break Na Din, Ava Mendez Third Party

Miyerkules, Disyembre 27, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng mga usapin patungkol sa kaliwa't kanang paghihiwalay ng mga celebrity couples, marami ang naghinalang susunod naman na aamin ng kanilang paghihiwalay ang celebrity couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza.


Marami ang naghinala na naghiwalay na sina Jak Roberto at Barbie Forteza, dahil sa kumakalat na isyu na may nangyari sa pagitan ng aktor at kay Ava Mendez sa isang hotel.


Nagsilabasan ang mga videos at pictures kung saan makikitang nakayapos si Jak Roberto kay Ava Mendez kasunod ng paglabas ng blind item patungkol sa kanilang dalawa.


Samantala, umamin naman si Ava Mendez na totoong nagkasama sila ni Jak Roberto sa isang birthday party at yinakap siya nito sa elevator pero wala naman umanong malisya ito lalong lalo na, walang nangyari sa kanilang dalawa.


Dahil dito, mas tumibay pa ang paniniwala ng mga netizens na may nangyayari talagang hindi maganda sa pagitan ng mag-jowa.


Marami naman sa mga fans ng dalawa ang humihiling na sana ay huwag namang dumagdag sa mga naghiwalay ngayong taon sina Barbie Forteza at Jak Roberto. May mga nagsasabi pa na dapat munang alamin ni Barbie Forteza ang totoong nangyari bago magdesisyon kung iiwan ba nito si Jak Roberto o hindi.


Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang aktor na si Jak Roberto hinggil sa isyung may nangyari sa kanila ni Ava Mendez at kung naghiwalay na sila ni Barbie Forteza.


Maging ang aktres ay hindi pa rin naman nagbibigay ng pahayag at tila dinidedma lamang itong lahat ng aktres.


Nagkaroon naman ng pag-asa ang kanilang mga fans na hindi naman naghiwalay ang dalawa dahil magkasama pa nilang ipinagdiriwang ang pasko. Ibinahagi pa nila ito sa kani-kanilang mga social media accounts.


Ayon sa ilang mga netizens, pinapatunayan lamang ng dalawa na matatag ang kanilang relasyon at hindi sila basta-basta naapektuhan ng mga isyu dahil may tiwala sila sa isa't-isa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo