Sharon Cuneta, Buking Na, Hiwalayan Nila Ni Kiko Pangilinan Palabas Lang

Miyerkules, Disyembre 27, 2023

/ by Lovely


 Nakakatanggap ngayon ang Megastar na si Sharon Cuneta ng samu't-saring pambabatikos mula mismo sa kanyang mga tagahanga at mga tagasuporta dahil sa pagiging madrama nito kamakailan sa kanyang social media account.


Marami sa mga fans ng Mega Star ang hindi na natutuwa sa mga kadramahan nito sa buhay. Kamakailan lamang ay naging sunod-sunod na ang mga cryptic post ni Sharon Cuneta kung saan tila ipinapahiwatig nito na may pinagdadaraanan sila ng kanyang asawa na si Kiko Pangilinan.


Marami pa ang naghinala na baka sa hiwalayan rin mauuwi ang kanilang hindi pagkakaunawaan dahil sa sunod-sunod na cryptic posts nito sa kanyang mga social media accounts.


Subalit, ikinalito ng kanyang mga fans ng ibahagi mismo ni Sharon Cuneta sa kanyang account na maayos naman ang pagsasama nila ni Kiko Pangilinan at ipinahayag pa niya kung gaano niya ito kamahal.


Dahil dito, kinukwestyon ng mga netizens kung para kanino ba talaga ang mga pahayag na iyon ni Sharon Cuneta at kung para saan ang kanyang mga cryptic posts.


Marami ang nalito sa mga naging kadramahan ni Sharon Cuneta sa kanyang social media accounts gayung maayos naman ang pagsasama nila ni Kiko Pangilinan.


Marami naman ang nagpayo kay Sharon Pangilinan na tila ba nararapat na itong maghanap ng professional help dahil sa mga kadramahan nito sa buhay.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabi na pakulo lamang itong lahat ni Sharon Cuneta dahil may movie entry siya sa Metro Manila Film Festival. Nais lamang umano ni Sharon na mapag-usapan kaya naman nagda-drama na naman.


May mga nagsasabi naman na sanay na sila kay Sharon Cuneta na palaging gumagawa ng mga isyu sa tuwing may pelikula para pumatok naman ito sa takilya.


Gayunpaman, tila hindi na epektibo ang naging taktika na ito ni Sharon Cuneta ngayon dahil marami lamang ang naiinis sa kanya dahil sa pagiging madrama, May mga tumawag pa ritong nababaliw na kaya naman kung ano-ano na lamang ang mga pinagsasabi.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo