Ava Mendez, Inamin Ang Nangyari Sa Kanila Ni Jak Roberto

Miyerkules, Disyembre 27, 2023

/ by Lovely


 May nakakagulat na rebelasyon ang Viva Max star na si Ava Mendez patungkol sa Kapuso actor na si Jak Roberto.


Kamakailan lamang ay ibinunyag ng Viva Max star na si Ava Mendez ang patungkol sa ugali ni Jak Roberto sa tuwing nalalasing ito. Sa isang panayam, isa-isang sinagot ng sexy actress na si Ava Mendez ang mga isyung kinakasangkutan niya ngayong taon kabilang na ang isyung may relasyon sila ni Jak Roberto.


Matatandaan na lumabas ang isyung may lihim na relasyon sina Ava Mendez at Jak Roberto sa likod ng girlfriend nitong si Barbie Forteza nang kumalat sa iba't-ibang social media platforms ang mga larawan at video nila na magkasama sa isang party.


Nilinaw naman ito ni Ava Mendez sa isang panayam sa kanya, ayon sa sexy actress ang mga larawan at videos na magkasama sila ni Jak Roberto ay kuha sa isang birthday party ng isang common friend nilang dalawa.


Sa isang five star hotel umano naganap ang nasabing party kung saan sila kumain at nag-inoman. Sila lamang umano ni Jak Roberto ang mga artista na imbitado sa nasabing pagtitipon. Nagkakatuwaan umano sila roon habang nakainom na rin.


Nakikita umano ni Ava Mendez na may mga lumalapit kay Jak Roberto, hindi naman umano isnabero si Jak at maayos na nakikipag-usap sa mga ito. Para kay Ava, wala naman umanong masama sa ginawang ito ni Jak.


Dahil sila lamang umano ang mga celebrity roon, pinagbigyan nila ang mga request ng bawat table na makipag picture sa kanilang dalawa, game naman umano na sinasamahan siya ni Jak Roberto.


Isiniwalat din ni Ava Mendez na napansin niyang napaka-touchy ni Jak Roberto kapag nalalasing ito. Nilanaw naman ni Ava na hindi lamang sa kanya nagiging touchy si Jak Roberto. Gayunpaman, hindi umano maiiwasan na bigyan ng malisya ang ginagawa ni Jak Roberto pero kung totoong kilala muna ang aktor ay masasabi lamang na makulit ito at intindihin na lamang dahil lasing na ito.


Noong maubos na umano nila ang isang box ng inumin, doon na napansin ni Ava Mendez na naging aggressive na umano itong si Jak Roberto at ito na mismo ang kumakausap sa mga babae, ang iba ay umiiwas na umano sa kanya.


Pauwi na umano dapat sila nang pigilan sila ng nag-birthday dahil pare-pareho na silang mga lasing. Pinag-check in na lamang sila sa hotel para makapagpahinga ng sandali.


Nang nasa elevator na sila ni Jak, nakunan umano sila ng ilang mga fan ng video kung saan may ginagawa sa kanya si Jak, nakayakap na umano ito sa kanya pero parang friendly hug lang naman dahil wala na umano ito sa sarili dahil sa labis na kalasingan.


Sa kabila nito, ipinahayg ni Ava Mendez na wala naman umano siyang nakikitang mali sa ginawa ni Jak Roberto sa kanya. Pinabulaanan din niya ang tsismis na may nangyari sa kanilang dalawa dahil una sa lahat ay hindi naman umano niya type si Jak Roberto.


Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Jak Roberto hinggil sa usaping ito at hindi rin nagbibigay ng reaksyon ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo