Vice Ganda Sinabing Makapal Ang Mukha Ni Andrea Brillantes

Miyerkules, Disyembre 27, 2023

/ by Lovely


 Hindi na napigilan pa ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na maglabas ng hinanaing laban sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na nadadawit ngayon sa paghihiwalay ng longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Nauna nang inamin ni Vice Ganda na talagang nalungkot siya sa paghihiwalay ng dalawa dahil naging malapit rin siya sa mga ito, bukod pa rito, inamin niyang naging fan siya sa tambalan ng KathNiel mula nang mag-umpisa pa ang mga ito sa showbiz.


Ang tanging ipinagpasalamat na lamang ni Vice Ganda ay ang pagpili ng dalawa na tapusin ng maasyos ang kanilang relasyon kung saan hindi na nagbatuhan pa ng mga masasakit na salita laban sa isa't-isa.


Samantala, binigyan naman ng ilang mga netizens ng ibang kahulugan ang naging pahayag ni Vice Ganda sa isang episode ng It's Showtime. Marami ang naghinala na patama ito ni Vice Ganda kay Andrea Brillantes na siyang itinuturong pangunahing dahilan kung bakit nakipagkalas si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla.


Ayon sa naging pahayag ni Vice Ganda, kung sino pa umano ang ahas siya iyong matapang at makapal ang mukha.


Ayon naman sa ilang mga netizens na tamang-tama umano ang naging pahayag na ito ni Vice Ganda kay Andrea Brillantes na inahas ang nobyo ng kanyang ate-atehan na si Kathryn Bernardo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo