Daniel Padilla Pinuntahan Si Kathryn Bernardo Patuloy Na Sinusuyo

Martes, Disyembre 26, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ang mga tagahanga ng KathNiel dahil sa kanilang paghihiwalay, marami ang nanghinayang sa tagal ng panahon ng kanilang pagiging magkasintahan.


Sa kabila ng kanilang pag-amin patungkol sa naging hiwalayan, hindi naman isiniwalat ng dalawa ang totoong dahilan kung bakit napagdesisyunan nilang tapusin ang kanilang relasyon.


Dahil dito, nagsilabasan ang mga samu't-saring hka-haka mula sa mga netizens, maraming mga netizens na naghinalang may kinalaman sa hiwalayan nila ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.


Samantala, marami rin naman sa mga fans ng KathNiel ang naninibago sa pagdiriwang ng pasko ng dalawa dahil hindi na silang nagsasama pa.


Matatandaan na nagkaroon ng kaunting pag-asa ang ilang mga KathNiel fans ng makitang muling naging sweet sa isa't-isa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kamakailang Christmas special ng ABS-CBN at ang pagsasama ng dalawa sa nagdaang Asia Artist Award.


Binura rin ni Daniel ang kanyang break up message na naging dahilan para isipin ng mga tagahanga nila na muli silang nagkakamabutihan.


Subalit, binasag kaagad ito ng aktres nang ipahayag nito na wala na siyang babalikan at puro looking forward lamang ang kanyang ginagawa.


Sakabila ng lahat ng ito, naniniwala pa rin ang ilan na kung magiging pursigido lamang si Daniel Padilla ay tiyak umanong lalambot muli ang puso ni Kathryn Bernardo.


Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, muli umanong nililigawan ngayon ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo. Pumupunta rin umano ang aktor sa bahay nina Kathryn Bernardo bilang parte ng panunuyo nitong muli sa aktres.


Samantala, may mga nagpapayo ngayon kay Kathryn Bernardo na huwag kaagad na bumigay sa panunuyo ni Daniel Padilla at siguruhin muna kung nagbabago na ba ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo