Exclusive! Xian Lim Hindi Nga Ba Bet Ng Pamilya Ni Kim Chiu

Martes, Disyembre 26, 2023

/ by Lovely


 Matapos kumpirmahin nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay, naglabasan ngayon ang samu't-saring spekulasyon ng dahilan nito na hindi naman nilinaw ng dalawa.


Ayon sa mga naunang naiulat, ang diumano'y kawalan ng plano ni Xian Lim na pakasalan si Kim Chiu ang pangunahing dahilan ng kanilang paghihiwalay. May mga nagsasabing sources na wala umano sa mga prioridad ni Xian Lim si Kim Chiu dahil mas inuuna umano ng aktor ang kanyang pamilya.


Samantala, may mga naglabasang haka-haka na ang totoo umanong dahilan sa pagwawakas ng pagmamahalan nila ay ang pagtutol ng pamilya ni Kim Chiu kay Xian Lim.


Sa isang episode ng programa ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin, isiniwalat niya na maging ang pamilya ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ay matagal nang hindi pabor sa relasyon nilang dalawa.


Sinigundahan naman ito ni Romel Chika at binalikan pa ang mga nagdaang panayam ni Xian Lim kung saan naitanong sa actor-director kung kumusta ang relasyon niya sa mga magulang ni Kim Chiu.


Ayon kay Romel Chika, halata umano na hindi malaman ni Xian Lim kung paano sagutin ang mga katanungan na ito. Dagdag pa nito, na maging ang ilang mga fans ni Kim Chiu ay ayaw rin kay Xian Lim dahil nakikita nilang hindi naman nito inuuna ang aktres.


Bukod pa rito ay may attitude umano itong si Xian Lim at suplado umano ito na hindi nababagay sa kabaitan ng aktres.


Sa kabilang banda, tila naging maayos naman ang paghihiwalay ng dalawa kung pagbabasehan ang kanilang mga palitan ng break up messages.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo