Sharon Cuneta Ibinuking Ang Resulta Ng MMFF Movie Na 'A Family of Two'

Miyerkules, Disyembre 27, 2023

/ by Lovely


 Tuwang-tuwa ang Mega Star na si Sharon Cuneta dahil maganda ang nakukuha nilang komento mula sa mga fans at movie goers na nanonood sa kanilang pelikula na kabilang sa mga entry ng Metro Manila Film Festival.


Masayang-masaya si Sharon Cuneta dahil maganda umano ang reception ng mga manonood sa kanilang pelikula ni Alden Richards na A Family of Two.


Sa isang block screening na pinuntahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards, pinasalamatan ni Sharon Cuneta ang lahat ng mga tumangkilik sa kanilang pelikula. Malaki rin ang pasasalamat ni Sharon Cuneta dahil naging maganda ang performance ng kanilang pelikula sa takilya.


Hiling pa ni Sharon Cuneta sa kanilang mga tagahanga ni Alden Richards na spread pa sa maraming tao ang kanilang pelikula at ibahagi sa mga ito ang kanilang nararamdaman.


Sa ngayon, abala ang mga artista na kabilang ang mga pelikula sa Metro Manila Film Festival dahil sa pagbisita ng mga  ito sa mga sinehan upang tingnan ang kaganapan sa mga sinehan.


Natutuwa naman ang ilang mga movie goers dahil nagbabalik na umano ang sigla ng takilyang Pilipino dahil sa rami ng entries ng Metro Manila Film Festival na ipinalabas noong December 25, 2023.


Sa ngayon ay naglalaban sa pangunahing spot sa Metro Manila Film Festival ang mga pelikulang Rewind nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Mallari nina Piolo Pascual, Janella Salvador at Elisse Joson, Penduko nina Mateo Guidicelli at Cristine Reyes at ang pelikula nina Sharon Cuneta at Alden Richards na Family of Two.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo