May Bagong Host Sa Its Showtime Sa 2024! Magbabalik O Bago?!

Martes, Disyembre 26, 2023

/ by Lovely


 Nagkaroon na ng pagkakataon ang actor-host na Billy Crawford na makabalik sa dating kinabibilangang noontime show noon na Its Showtime.


Sa isang panayam, naitanong ni Ogie Alcasid kay Vhong Navarro kung gusto ba niyang makapasok muli sa It's Showtime ang kanyang kaibigan na si Billy Crawford.


Ayon naman kay Vhong Navaro, kung pwede talagang makabalik ni Billy Crawford sa kanilang show ay wala naman umanong problema sa kanya.


Naging positibo naman ang dating sa mga netizens sa naging pahayag ni Vhong Navarro, marami ang nagsasabi na may posibilidad nang makabalik sa naturang show si Billy Crawford sa darating na 2024.


Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Billy Crawford noon na open siyang magkaroon ng trabaho muli at mapabilang sa isang noontime show sa alinmang network.


Matatandaan na naging regular host noon sa It's Showtime si Billy Crawford, umalis siya rito para pagtuunan ng pansin ang pagbubuo nila ng pamilya ni Coleen Garcia. Nang magbalik siya sa showbiz ay naging host naman si Billy sa naging katapat na show ng It's Showtime na Tropang LOL.


Nagsimula na rin ang isyu ng hindi pagkakaunawaan nila ni Vice Ganda dahil sa palitan nila ng pasaring para sa isa't-isa. Subalit, nito lamang ay tila nagkaayos na sila dahil naging guest ang pamilya ni Billy Crawford.


Sakabilang banda, marami ipinahayag naman ni Vhong Navarro na walang kinalaman sa tampo niya kay Billy Crawford ang pagtatapat nito sa kanilang show. Ang pinagmulan ng tampo umano ni Vhong Navarro kay Billy ay noong bigla na lamang itong nagresign sa It's Showtime.


Gayunpaman, naiintindihan naman umano ni Vhong Navarro ang dahilan ni Billy Crawford subalit hindi pa rin umano niya maiwasan na magtampo dito. Dahil sayang ang lahat ng mga pinaghirapan nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo