Sen. Win Gatchalian Nagbigay Ng Mensahe Para Kay Bianca Manalo Matapos Ang Kabit Issue Kay Rob Gomez

Miyerkules, Disyembre 27, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng komento ang boyfriend ni Bianca Manalo na si Sen. Win Gatchalian sa isyu na may kaugnayan sa leaked conversation sa pagitan nina Bianca Manalo at Rob Gomez.


Marami ang naghinala na may affair sinaRob Gomez at Bianca Manalo dahil sa kumalat na screenshot ng mga mensahe ni Bianca Manalo para kay Rob Gomez. Marami ang nagsasabi na parehong nagtaksil ang dalawa sa kani-kanilang mga partners.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na matagal nang magkarelasyon sina Bianca Manalo at Senator Win Gatchalian, nabunyag na rin ang pagkakaroon ng relasyon nina Shaila Rebortera at Rob Gomez, sa katunayan ay mayroon na silang anak.


Samantala, matapos ang isang linggo pananahimik ay nagbigay na ng pahayag si Sen. Win Gatchalian patungkol sa kinakasangkutang isyu ng kanyang girlfriend na si Bianca Manalo matapos lumabas ang mga mensahe nito para kay Rob Gomez sa social media.


Sa isang social media post ni Sen. Win Gatchalian noong araw ng Pasko, hayagan niya ipinagtanggol ang kanyang girlfriend laban sa mga bumabatikos rito. Bukod pa rito ibinahagi rin niya ang mga larawan nila at ang mga larawan ng mga regalong natanggap.


Ayon pa sa caption ni Sen. Win Gatchalian, pareho sila ng prinsipyo ni Bianca Manalo sa buhay at wala umanong fake news na makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.


Sa kasunod na social media podt ng senador, ipinakita niya ang pagsasabit ng kanilang mga larawan ni Bianca Manalo na magkasama sa kanilang Christmas tree.


Kalakip nito ay ang mensahe niya para kay Bianca Manalo na mananatili siya sa tabi nito anuman ang mangyari. Sa kasunod na Instagram post, muli niyang ipinagtanggol si Bianca Manalo laban sa mga marites, bashers at mga negas sa relasyon nilang dalawa.


Nasangkot sa isang kontrobersiya ang aktres na si Bianca Manalo nang kumalat sa social media ang mga screenshot ng private message niya kay Rob Gomez kung saan sinasabi niyang nais niyang magkita silang dalawa sa mismong condo nito sa BGC.


Tumaas ang kilay ng maraming mga netizens ng idinagdag pa ni Bianca Manalo sa kanyang mensahe na wala roon si Sen. Win Gatchalian dahil naroon ito sa Valenzuela.


Kaagad naman itong pinabulaanan ni Bianca Manalo sa inilabas niyang pahayag sa kanyang social media account. Ayon kay Bianca Manalo, magdadala lamang mga regalo si Rob Gomez para sa kanya kaya magkikita silang dalawa.


Iginiit din ni Bianca Manalo na binura ang ilang mga conversation nila ni Rob Gomez para mapagmulan ito ng isyu at malagyan ng malisya ang kanyang mga messages.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo