Barbie Forteza Nagsalita Na Sa Panloloko Ng Boyfriend Na Si Jak Roberto

Miyerkules, Disyembre 27, 2023

/ by Lovely


 Trending ngayon sa social media ang diumano'y panloloko ng Kapuso actor na si Jak Roberto sa kanyang longtime girlfriend na si Kapuso actress na si Barbie Forteza.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang mga larawan at videos nina Jak Roberto at Ava Mendez na kuha mula sa isang five star hotel.


Nagsimula ang lahat sa isang blind item na umano'y nagpunta ang dalawa sa isang birthday party ng isang kaibigan, doon umano ay nagkainom at nang malasing na ay naging agresibo na umano ang lalaki. Hindi na umano ito umuwi at napilitan na lamang ang kaibigan nila na magbook ng hotel room. Sa elevator pa lamang umano ay niyayapos na ng lalaki ang sexy actress na hindi naman pumapalag.


Nagtuloy-tuloy pa umano ang paglalampungan ng dalawa dahil hindi naman sila nagpapaawat sa mga kaibigan ng babae, dahil dito pinabayaan na lamang nila ang dalawa na ituloy ang paglalampungan sa ibabaw ng kama.


Malakas naman ang loob ng naglabas ng tsikang ito na may katotohanan ang lahat dahil nakakuha umano siya ng video ng dalawa na makapagpapatunay sa lahat ng nangyari.


Hinamon pa nito si Barbie Forteza na humingi lamang sa kanya ng kopya dahil pagbibigyan kaagad umano niya kaagad ito.


Samantala, sinaggot naman ni Ava Mendez ang naglabasang tsika patungkol sa kanila ni Jak Roberto. Ayon sa sexy actress, totoong nagkasama sila ni Jak Roberto sa isang birthday party ng common friend. Totoo rin umano na naging aggresive si Jak Roberto sa mga babae roon at sa kanya.


Kinumpirma rin niya na tumanggi ang aktor na umuwi dahil sa kalasingan kaya naman nag-book ng hotel room ang kanilang kaibigan para sa kanila upang makapagpahinga at mawala ang kanilang kalasingan.


Inamin din ni Ava na nakayakap sa kanya si Jak habang paakyat ang elevator dahil bangag na ito dala ng labis na kalasingan subalit hindi naman umano niya nilalagyan ito ng malisya.


Ang tanging itinanggi ni Ava Mendez ay ang tsika na may nangyari sa pagitan nilang dalawa dahil hindi naman umano niya type si Jak Roberto.


Sa kabilang banda, tila hindi naman naniniwala si Barbie Forteza sa mga akusasyon laban sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto. Patuloy pa rin kasi ang pandedma nito kahit pa tahasan na siyang tinatag ng kanyang mga fans sa sinasabing video at pictures na magkasama sina Jak Roberto at Ava Mendez.


Sa ngayon ay hiniling na lamang ng mga fans nina Jak Roberto at Barbie Forteza na maging matatag ang dalawa sa kung ano mang isyu na binabato sa kanilang relasyon.


May mga humiling pa sana ay hindi naman mapapabilang ang JakBie sa mga celebrity couples na naghihiwalay ngayong taon.


"Na kay Barbie yan kung maniniwala sya o hindi pro di sya ngiisip kung skali hindi sya maniniwala sa issue na yan.. bakit hindi sya mismo ang magimbestiga pra malaman nya ang totoo.. wag ka manghinayang girl sa 6yrs  nyo, gusto mo ba matulad sa 11yrs bago ka matauhan?? Ilang babae pa ba ang hahayaan mo na maging kahati mo sa unfaithful bf mo?? Isip isip din pag may time, and that makes you smart."


"Naniniwala po kami dahil maraming nakakita at alam nila kong ano ang ginawa nilang dalawa nakakahiya lang po sa motel pa sila nahuli at magkatabi"





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo