Herlene Budol, Idedemanda si Shaila Rebortera Dahil Sa Pagpapakalat ng Convo Nila Ni Rob

Walang komento

Lunes, Disyembre 25, 2023


 Nagbanta ang aktres na si Herlene Budol sa taong nag-upload sa kanilang private messages ni Rob Gomez na kumakalat na ngayon sa iba't-ibang social media platforms.


Sa panibagong pahayag na inilabas ni Herlene Budol hinggil sa pagkakasangkot niya sa isyu ng 'kainan' nila ni Rob Gomez, nagbanta siya na kakasuhan niya ang tao sa likod ng pagkalat ng mga sensitibong mensahe na pinagmumulan ng pambabatikos sa kanya.


Kaliwa't-kanan ang natatanggap ngayon na pambabatikos ni Herlene Budol mula sa mga netizens dahil sa mga naglabasang screenshot ng conversation nila ng kanyang leading man sa teleseryeng Magandang Dilag dahil nagpapahiwatig ang mga ito na may tinatagong relasyon silang dalawa.


May mga palitan pa sila ng mensahe kung saan mahihinuhang may mas malalim pa na nangyayari sa pagitan nilang dalawa na tila pinapatunayan naman sa inilabas na larawan ng dalawang pregnancy test kits.


Sa kabila ng mga inilabas na mga screenshots na ito pinabulaanan itong lahat ni Herlene Budol sa inilabas niyang pahayag. Ayon kay Herlene, nagbatuhan lamang sila ng script ni Rob Moya at nagbibiruan lamang.


Binahiran lamang umano ng mga netizens ng ibang meaning ang inosenting pahayag nila katulad ng 'kain' at 'gutom'. Pagpapatuloy pa ni Herlene Budol na kahit isa umano siyang squammy ay hindi naman siya hayok sa tawag ng laman.


 Iginiit pa ni Herlene na dahil nagmula siya sa isang broken family, hindi siya papatol sa lalaking may kinakasama at anak na dahil ayaw niyang makasira ng pamilya.


Ipinahayag din ng aktres na dahil sa mga natatanggap niyang pambabatikos ngayon mula sa mga netizens ay naapektuhan na ang kanyang trabaho dahil hindi na siya nakakapag-focus.


Dagdag pa ni Herlene na sumakay lamang siya sa mga pagbibiro ni Rob Gomez dahil isa siyang komedyante kahit pa alam na umano niyang nilalandi na siya nito.


Paninindigan pa ni Herlene Budol na hindi siya kaladkaring uri ng pagkababae sa katunayan sa loob ng mga sinalihan ng dalawang national pageants ay ilang beses siyang nakatanggap ng indecent proposals pero hindi niya tinanggap dahil maayos naman ang kanyang career at ayaw niya ng one time big time.


Sa huli, tila nagbanta pa si Herlene Budol sa taong nagpakalat sa kanilang private conversation na maari niya itong kasuhan ng data privacy, defamation at cyber libel.


Samantala, tila hindi man lang nabawasan ang pagdududa ng ilang mga netizens sa relasyon nina Herlene Budol at Rob Gomez, matapos ang official statement ni Herlene Budol. Lalo pang binatikos ang aktres dahil sa kawalan umano nito ng dignidad at sa pilit na pagtanggi kahit pa may mga resibo na naglabasan.


Marami rin ang hindi naniniwala na through chats talaga sila magbatuhan ng scripts at isa pa wala naman umano silang ganoon klase ng script sa teleserye.


May mga nagsasabi pa na hindi niya katulad ang lahat ng mga netizens na basta na lamang maniniwala sa kanyang baluktot na pahayag kahit pa nasa harap na ang ebedensya ng kanilang relasyon at pagtataksil ni Rob Gomez.


Sa kabilang banda, bagama't patuloy na nanahimik ang sinasabing karelasyon ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera, marami ang naniniwala na ito ang nag-upload sa mga nasabing screenshot ng mga conversation ng dalawa.


Mga Gustong Mangyari Ni Andrea Brillantes Sa Taong 2024

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang controversial actress na si Andrea Brillantes hinggil sa kung ano ang mga gusto niyang mangyari sa kanyang buhay sa darating na taong 2024.


Hindi naman maitatanggi na isa ang aktres na si Andrea Brillantes sa mga personalidad sa telebisyon na talagang pinag-usapan ngayong taon dahil sa iba't-ibang kontrobersiya na kanyang kinakasangkutan.


Ayon sa naging pahayag ni Andrea Brillantes, patungkol sa mga bagay ninanais niya sa darating na taon, ipinahayag niyang simple lang naman ang gusto niya. Ito ay growth at healing. Ipinahayag rin ni Andrea Brillantes na wala na siya masyadong Christmas wish, dahil masaya naman umano siya ngayon.


Healthy rin umano ang kanyang buong pamilya kaya naman ang tanging naisip na lamang ng aktres ay matuto siyang mag-drive.


Samantala, naging mas matunog ang pangalan ni Andrea Brillantes nang masangkot siya sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa kabila naman ng pambabatikos na natanggap ng aktres ay nananatiling tikom pa rin ang kanyang bibig hinggil sa isyu.


Tila pinapabayaan na lamang nito na kusang mawala ang isyu, maging si Kathyn Bernardo ay nananahimik na rin at hindi na nilinaw pa kung totoong may kinalaman nga ba si Andrea sa isyu.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ni Francine Diaz ang pumuputok ang butsi dahil sa pandadamay ni Andrea Brillantes noon kay Francine Diaz sa isyu ng hiwalayan nila ni Seth Fedelin.


Gayung ang katotohanan ay nagtaksil lang naman si Andrea Brillantes kay Seth Fedelin dahil sa ginawa nila ni Daniel Padilla.




Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan, Hiwalay Na Rin

1 komento


 Sa gitna ng sunod-sunod na balita patungkol sa hiwalayan na nangyayari ngayon sa pagitan ng mga celebrity couples na magkasama ng ilang taon naging usap-usapan na rin ang tila paghihiwalay nina Sharon Cuneta at Dating Senador na si Kiko Pangilinan.


Sa gitna ng mga usapin patungkol sa mga paghihiwalay ngayon ng mga celebrity couples na kinabibilangan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu at Xian Lim, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, naging matunog rin ang haka-haka na nanganganib na ring magtapos ang relasyon nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.


Nagsimula ang usaping ito nang magbahagi si Mega Star ng isang cryptic post sa kanyang social media patungkol sa loyalty at kusang pakikipaghiwalay para sa sariling kapakanan.


Ayon sa naging pahayag ni Sharon Cuneta, isa siyang loyal na tao at hindi siya mang-iiwan dahil mayroon na siyang iba, kundi para ito sa kanyang sarili. Para sa kanyang peace, sanity, respect at dignity


Lalo pang lumakas ang isyu nasa binggit na sila ng paghihiwalay ni Kiko Pangilinan dahil sa pagsisiwalat ng Mega Star sa kamakailang vlog ni Luis Manzano kung saan sinabi niya na natupad na ang lahat ng kanyang kahilingan sa buhay maliban sa pagkakaroon ng stable marriage life.


Inamin rin ni Sharon Cuneta na bagama't matagal na silang nagsasama ni Kiko Pangilinan ay hindi pa rin nila naiiwasan ang mga struggles nilang bilang mag-asawa.


Isa sa mga dahilan nito ay ang magkaiba nilang priorities sa buhay.


Samantala, may mga nagsasabi naman na normal lamang na pagdaanan ng isang pamilya ang pinagdadaanan ngayon nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan. Marami rin ang naniniwala na malalampasan pa rin nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan ang kung anumang pagsubok na kinakaharap nila ngayon.



Francine Diaz, Nilinaw Ang Suguran Isyu Nila ni Andrea Brillantes

Walang komento


 Viral ngayon sa social media ang naging pahayag ng mga young Kapamilya stars na sina Seth Fedelin at Francine Diaz sa kanilang mga social media live patungkol sa nakaraang isyu na bumabalot sa umano'y pang-aagaw at pang-aahas ni Francine Diaz sa boyfriend at ka-loveteam ng kanyang kaibigang si Andrea Brillantes.


Sa kauna-unahang pagkakataon binigyan na ng linaw ni Francine Diaz ang nangyari noon hindi lamang para linisin ang kanyang pangalan at matigil na ang isyu kundi para narin maprotektahan ang kanyang pamilya na naapektuhan na rin ng mga pambabatikos mula sa mga fans ni Andrea Brillantes.


Ayon sa pagbabahagi ni Francine Diaz, nitong nagdaang linggo lamang ay isinugod nila sa hospital ang kanyang bunsong kapatid dahil nag-hyperventilate ito dahil sa anxiety.


Nang tanungin umano nila ang kanyang kapatid kung ano ang dahilan, sinabi nito na may nabasa siyang komento patungkol kay Francine Diaz at hindi na ito nawala sa isipan pa nito.


Paglilinaw pa ni Francine Diaz, hindi siya nagsasalita ngayon para lalong mabash si Andrea Brillantes kundi upang matapos-tapos na ang isyu sa pagitan nila na ilang taon na rin mula nang nangyari.


Pinabulaan na rin ni Francine ang haka-haka noon patungkol sa panunugod umano sa kanya ni Andrea Brillantes sa dressing room. Subalit, tinawagan umano siya ni Andrea Brillantes kung saan galit na galit ito sa kanya.


Iginiit din ni Francine Diaz na wala siyang inagaw, wala siyang inahas, at wala siyang nilandi. Sinabi pa ni Francine Diaz na ang ginagawa nila ni Seth Fedelin sa harap ng kamera ay para sa trabaho lamang.


Sinuportahan naman ng aktor na si Seth Fedelin ang naging pahayag ni Francine Diaz, muli niyang nilinaw na walang kinalaman ang aktres sa naging problema nila noon ni Andrea Brillantes. Nakikiusap rin si Seth Fedelin na itigil na ng mga fans ni Andrea Brillantes ang pandadamay sa ibang tao sa kanilang isyu noon ni Andrea Brillantes lalong lalo na si Francine Diaz at ang pamilya nito.


Iginiit din ni Seth Fedelin na walang inagaw si Francine Diaz, nagpunta umano siya sa bahay nito upang humingi ng paumanhin sa katunayan ay nais pa niyang isama roon si Andrea Brillantes na tumanggi sa kanyang alok.


Inako na rin ni Seth Fedelin ang pagkakamali niya na pumunta sa dressing room ni Francine Diaz kung saan siya nakunan ng litrato na siyang pinagmulan ng isyu.



Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens sa live ni Francine Diaz.


"kung pababaan ng comprehension sa pinas, panalo na mga enabler fans ni blythe"


"Hindi titigil ang basher hanggat ndi nakikita sa social media si Francine at andrea B. na mag kasama sa social media na closed sila ulit"



@beathefangirl walang inagaw si Chin #francinediaz #franseth #blythe #andreabrillantes #sethfedelin #fyp ♬ original sound - b

Kapatid Ni Francine Diaz, Nakipagsagutan Sa Fans Ni Andrea Brillantes

Walang komento


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang pagkakagulo ng mga fans ng dalawang young stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz matapos balikan ng kanilang mga fans ang isyu nilang dalawa noon pang 2021.


Kasunod ng pagkalat ng balitang inamin mismo ni Andrea Brillantes kay Kathryn Bernardo na noon pang 2021 may nangyari sa kanila ng noo'y boyfriend pa nito na si Daniel Padilla sa mismong bahay ng aktor.


Kaagad namang napagdugtong ng ilang mga netizens ang mga nangyari at sinasabi nilang ang pagkakaroon ng ugnayan nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla ang naging dahilan kung bakit tuluyang nakipaghiwalay si Seth Fedelin kay Andrea Brillantes noon.


Samantala, binalikan naman ng ilang mga netizens ang isyu sa pagitan nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Francine Diaz. Matatandaan na noong huling bahagi ng 2021, naglabas ng isang malungkot na post si Andrea Brillantes kasunod ng pagkalat ng mga larawan na nakasama ng pamilya ni Francine Diaz si Seth Fedelin sa pagdiriwang ng pasko.


Inakusahan pa noon ng mga fans ni Andrea Brillantes si Frnacine Diaz, bilang mang-aagaw ng boyfriend ng kanyang kaibigan noon na si Andrea Brillantes. Si Francine Diaz din ang itinuturo ng ilan na siyang may kasalanan kung bakit naghiwalay noon ang dalawa.


Sa paglabas ng totoong nangyari umano noon, kung saan nabunyag na ang kalokohang ginawa nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla ang totoong dahilan ng hiwalayan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin binalikan ng mga fans ni Francine Diaz si Andrea Brillantes.


Hiling ng mga fans ni Francine Diaz na mag-apologize si Andrea Brillantes sa kanilang idolo dahil sa pagkakadawit ng pangalan nito sa isyu noon.


Kaagad namang bumwelta ang mga fans ni Andrea Brillantes kung saan iginiit nila na hindi na kailangang humingi ng tawad ni Andrea Brillantes dahil sa labis na natanggap nitong pambubully ng pamilya ni Francine kay Andrea Brillantes noon.


May mga nagsasabi pang fans na maarin pang mag-apologize ni Andrea Brillantes kay Seth Fedelin pero hindi kay Francine Diaz. Kaagad namang bumwelta ang kapatid ni Francine Diaz at tinalakan ang mga fans ni Andrea Brillantes kung alam ba ng mga ito ang totoong nangyari noong 2021.


Iginiit naman din nito na kung ang matawag ng kung ano ano ang kapalit sa pagtatanggol niya sa kanyang kapatid ay wala na siyang pakialam roon.


Ipinaliwanag din nito ang katotohan sa likod ng kumalat na larawan nila kasama si Seth Fedelin noon. Ayon sa kanya, totoong nagpunta si Seth Fedelin sa kanila upang humingi ng paumanhin kay Francine Diaz sinabi din umano sa kanila ni Seth Fedelin na inanyayahan niya si Andrea Brillantes na sumama sa kanya pero umayaw ito.


MUli ring iginiit nito na walang inagaw at walang inahas ang kanyang kapatid na si Francine Diaz kahit pa aminado naman siya na hindi perpekto ang kanyang kapatid at may mga flaws din ito.


Ipinagdidiinan din niya na walang karapatan ang mga fans ni Andrea Brillantes na husgahan si Francine Diaz dahil kunting impormasyon lamang ang kanilang hawak na katotohanan.



Vice Ganda May Prangkang Pahayag Sa Madlang Pipol!

Walang komento

Biyernes, Disyembre 22, 2023


 Umaani ng samu't-saring reaksyon ngayon mula sa mga netizens ang naging pahayag ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime. Kung saan nagbigay ng saloobin si Vice Ganda patungkol sa pagkakaroon ng pamilya.


Napag-usapan nina Vice Ganda ang patungkol sa pagkakaroon ng pamilya sa isang episode ng It's Showtime sa segment na Expecialy For You.


Ayon kay Vice Ganda, naniniwala siya na kapag walang kakayahan ang isang tao na bumuo ng isang pamilya ay huwag na itong magpamilya. Itinuloy pa rin ni Vice Ganda ang kanyang pahayag kahip pa alam umano niya na maaring may maoffend siya na tao.


Kung wala umanong pera ay huwag na lamang mag-isip na bumuo ng isang pamilya dahil kawawa lamang ang iluluwal na bata na hindi naman mapapakain ng maayos.


Dagdag pa ni Vice Ganda na sarili lang din ang sasalba sa iyong sarili at hindi ang ibang tao.


Kaagad namang naglabas ng iba't-ibang mga saloobin ang ilang mga netizens sa inilabas na pahayag ni Vice Ganda. Marami ang sumang-ayon kay Vice Ganda at sinabing hindi na sapat ngayon ang pagmamahal lamang dahil hindi naman ito nakakain.


May mga nagsasabi pa na sa taas ng presyo ng bilihin ngayon mas nagiging matimbang na ang pera kaysa sa pagmamahal. May mga nagsasabi pa kung hindi naman kaya bumuhay at kulang ang pera ay huwag na lamang mag-anak ng marami.


Samantala, may mga kumuntra naman sa naging pahayag ni Vice Ganda at sinabi dapat huwag nang pakialaman pa ng komedyante ang buhay ng ibang tao kung gusto nilang mag-anak ng marami.


Ipinunto pa nila na kung mag-anak man ng marami ang mga tao ay hindi naman umano si Vice Ganda ang magpapakain sa mga ito.




Derek Ramsay Nilinaw Ang Isyung Pang-aabvs0 ni Richard Gutierrez Kay Sarah Lahbati

Walang komento

Sa gitna ng mga nangyayaring hiwalayan ngayon sa pagitan ng mga celebrity couples,lalong umiinit ang isyu sa pagitan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


May mga naglabasang mga ulat na umanong binubogbog nitong si Richard Gutierrez ang kanyang asawang si Sarah Lahbati na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Ayon pa sa nasabing ulat, tumakbo umano na duguan si Sarah Lahbati mula sa kanyang bahay hanggang sa bahay nina Derek Ramsay at Ellen Adarna upang humingi ng tulong.

para 

Samantala, upang maging malinaw ang isyung ito, kinapanayam ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin si Derek Ramsay at hayagang tinanong rito ang isyung nakarating sa kanila.


Nilinaw naman ni Derek Ramsay na walang katotohanan ang mga usap-usapan patungkol sa nangyari kina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Ayon kay Derek Ramsay, walang katotohanan na nagpunta sa kanilang bahay ni Ellen Adarna ang asawa ni Richard Gutierrez, ng bugbog sarado, duguan at may black eye.


Sakaling nangyari man umano ang pang-aabusong ito ay siya na umano mismo ang pupunta kay Richard para kahit papaano ay pagsabihan ito.


Samantala, inamin naman ni Derek Ramsay na pumupunta si Sarah Lahbati sa kanilang bahay dahil makapit-bahay naman sila at magkaklase pa ang anak ni Sarah at anak ni Ellen Adarna.


Gayunpaman ay kinumpirma ni Derek Ramsay na talagang pumayat ngayon si Sarah Lahbati sa di niya malamang dahilan at hindi na umano siya nakikialam pa roon.


Sa kabilang banda, kaagad namang nagpasalamat si Annabelle Rama kina Derek Ramsay at Manay Cristy Fermin sa paglilinis sa pangalan ng kanyang anak na si Richard Gutierrez na nahaharap sa pambabatikos ng mga fans ni Sarah Lahbati dahil sa mga lumalabas na blind item.



 

Matapos Malink Kay Rob Gomez, Bianca Manalo at Win Gatchalian Hiwalay Na?

Walang komento


 Hanggang ngayon ay mainit na usapin pa rin sa social media ang leaked conversations sa pagitan ng Magandandang Dilag stars na sina Rob Gomez, Herlene Budol at Bianca Manalo.


Dahil sa messages ni Bianca Manalo kay Rob Gomez, kung saan tila inamin ng actress na palihim silang nagkikita ni Rob Gomez sa likod ng kinakasama nitong si Sen. Win Gatchalian, marami ang naghinala na naghiwalay na ang dalawa.


Ikinagulat naman ito ng marami dahil hindi naman umano napapabalita ang hiwalayan nina Bianca Manalo at Sen. Win Gatchalian sa katunayan ay masaya pa umanong ipinagdiwang noon ng dalawa ang kaarawan ng aktres sa Malacanang Palace.


Samantala, may naghinala na palihim lamang na naghiwalay ang dalawa dahil sa isyu nina Rob Gomez at Bianca Manalo. Marami rin ang nakapansin na kasabay ng paglabas ng mga leaked messages nang dalawa ay siyang pag-alis naman ni Bianca sa bansa para magpabakasyon.


Isa pa sa pinanghuhugutan ng ilang mga showbiz sources sa hiwalayan umano ng dalawa ay ang hindi umano pagsama ni Sen. Win Gatchalian sa bakasyon nina Bianca Manalo.


Sa ibinahaging social media post ng aktres, makikitang kasama nga nito ang kanyang pamilya sa Japan subalit hindi namataan doon si Sen. Win Gatchalian.


Hindi pa naman nagbibigay ng anumang pahayag si Sen. Win Gatchalian hinggil sa isyung ito. Maging si Bianca Manalo ay wala namang sinabi sa kanyang naging official statement patungkol sa relasyon nila ng kanyang long time partner na si Sen. Win Gatchalian.


Samantala, pinabulaanan na ni Bianca Manalo ang isyung may namamagitan sa kanila ni Rob Gomez. Ipinaliwanag rin niya ang nilalaman ng kanyang mensahe kay Rob Gomez patungkol sa pagkikita nilang dalawa.


Ayon kay Bianca Manalo, may ibibigay umano sa kanya na mga regalo si Rob Gomez kaya magkikita sila, nagmessage siya na aagahan nilang nito ang pagpunta dahil paalis na siya papuntang airport.


Labis ding ikinadismaya ni Bianca Manalo ang pagkalat ng private messages nila ni Rob Gomez ng walang pahintulot mula sa kanya na naging dahilan kung bakit tumatanggap siya ngayon ng mga pambabatikos mula sa mga netizens na kaagad umano siyang hinusgahan.


Hiling din ni Bianca na itigil ang mga false rumors laban sa kanya dahil naapektuhan na nito ang kanyang mga mahal sa buhay. Hindi na rin umano nila na-enjoy ang pagbabakasyon ngayon dahil sa isyu.



Annabelle Rama Pinaiimbistigahan Na Sa PDEA Si Sarah Lahbati

Walang komento


 Naging mainit na usapin sa mundo ng social media ang mga binitiwang pahayag ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin hinggil sa hiwalayan ng mag-asawang sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na, ayon sa pasiunang bungad ni Cristy Fermin, may dalawang bagay na hindi pinayagan si Sarah Lahbati sa mga kahilingan ni Richard Gutierrez. Isa sa mga ito ay ang pagpapa-drug test.


Naghatid ng kontrobersiya ang ipinahayag ni Cristy Fermin sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na, marami ang napapatanong kung gumagamit nga ba  ang aktres ng ipinagbabawal na gamot na naging dahilan kung bakit mismong si Annabelle Rama ang nagreport sa PDEA para paimbistigahan ang dating manugang.


Muling naging laman ng talakayan nina Manay Cristy Fermin ang naging hiwalayan ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. 


Bagama't naninindigan naman sina Cristy Fermin na talagang hiwalay na ang dalawa, hindi pa rin ito opisyal na kinumpirma nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Samantala, hindi naman masabi ni Cristy Fermin kung ano ang totoong dahilan ni Annabelle Rama sa pagdulog sa PDEA.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang ahensya ng PDEA ang humuhuli sa mga taon lulong sa ipinagbabawal na gamot.


Sa kabilang banda, nilinaw naman nina Cristy Fermin na hindi naman nila kinukumpirma na kaya nagpunta sa PDEA si Annabelle Rama ay para isuplong ang mga taong gumagamit ng ipinagbabawal pero baka may koneksyon ito sa isyu nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Marami rin kasi ang nakakapansin sa labis na pagpayat ngayon ng aktres. Subalit ayon kay Cristy Fermin ay normal lamang dahil may nakapagsabi sa kanya na maaga pa lamang ay naglalasing na itong si Sarah Lahbati.


Bukod pa rito, isiniwalat din nina Cristy Fermin, kung gaano kakalat ang bahay nina Richard Gutierrez dahil pinapabayaan ni Sarah Lahbati noong nagsialisan na ang kanilang mga kasambahay.


Sa ngayon ay hindi na muna nagbibigay ng anumang pahayag si Annabelle Rama sa isyu ng kanyang anak dahil pinagbabawalan na siya ng kanyang abogado.


Sa kabilang banda, pinanindigan naman ni Cristy Fermin na si Richard Gutierrez ang pinakamabait sa mga anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez kaya naman hindi siya naniniwala sa isyu na sinasaktan nito ang kanyang asawa.



Kim Chiu Natauhan Na, Hindi Na Babalikan Si Xian Lim

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa online world ang mga pahayag ng aktres na si Kim Chiu sa latest episode ng Kapamilya show na It's Showtime.


Kaagad na napansin ng mga netizens ang tila sunod-sunod na banat ni Kim Chiu sa kanilang contestant sa segment na Expecially For You.


Hindi napigil ni Kim Chiu ang kanyang sarili at tila pinangaralan na ang kanilang contestant na nais balikan ang kanyang girlfriend na iniwan nito noon.


Ayon kay Kim Chiu, bakit pa niya babalikan ang kanyang ex-girlfriend gayung siya naman ang nang-iwan nito, dapat umano na huwag nang balikan dahil iniwan na.


Hindi pa rito natatapos ang mga hirit ni Kim Chiu sa nasabing contestants buong pahayag ni Kim Chiu, "Kapag iniwan na hindi na binabalikan, pag iniwan mo diba akala mo nakaabang lang sayo? Di ganun."


Tila marami pang gustong idagdag rito si Kim Chiu subalit pinigil na siya ni Vhong Navarro.


Gayunpaman, marami ang nagsasabi na ang ginawa ni Kim Chiu ay may kinalaman sa kanyang kinakaharap na isyu ng hiwalayan nila ni Xian Lim. Bagama't ang contestant nila nila ang pinagsabihan ni Kim Chiu, hinala ng marami na ang totoong pinapatungkulan ni Kim Chiu ay si Xian Lim.


Sa kabilan ng hindi diretsahang pag-amin ng actress-host sa hiwalayan nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim, marami naman nang signs na naglabasan na nagpapahiwatig na nagtapos na ang relasyon ng dalawa matapos ang 12 years.


Matatandaan na sa isang vlog, sinabi ni Kim Chiu kay Maricel Soriano na nakahang sa ngayon ang kanyang lovelife. Hindi na rin nagpunta si Xian Lim sa Christmas party na inorganisa ni Kim Chiu.


Higit sa lahat, pinagbubura na rin ng aktor ang kanilang mga vlog ni Kim Chiu na pinagsamahan noon indikasyon na wala nang halaga sa kanya ang memories nila ng aktres.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang naging hugot ni Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime, marami ang humanga dahil unti-unti na umanong tumatapang si Kim Chiu sa pagharap sa isyu ng paghihiwalay nila ni Xian Lim.


"Good job beautiful sexy sweet queen kimchiu Multimedia SUPERSTAR amazing woman agree pag iniwan na Hindi na dapat balikan napakatalino mo queen kimchiu paglalaking walang kwenta tuluyan ibasura Hindi lang siya ang lalaki sa mundo mayroon mas higit pa sa kanya queen kimchiu keep safe always God bless you more and more project"


"hays salamat natauhan ka kim"


"CORRECT ... NO TO XIAN ... COZ MY PAULO NA"






Daniel Padilla, Inilabas Na Ang Totoong Pagtrato Sa Kanyang Mga Fans Matapos Hiwalayan Ni Kathryn

Walang komento


 Hindi nagustuhan ng mga netizens at ilang mga fans ng aktor na si Daniel Padilla ang ginawa nito sa kanyang mga fans na matagal na naghintay sa kanya para makipagselfie.


Muling umingay ang pangalan ng kontrobersyal aktor na si Daniel Padilla dahil sa pagkalat ng video kung saan makikitang hinablot nito ang mga ulo ng mga fans na nais makipagpicture sa kanya, bukod pa rito, tinapik rin nito ang kamay ng isang fan na nais magkipagfinger heart sa aktor.


Tila padabog pang umalis si Daniel Padilla na tila ba naiinis na siya sa kakulitan ng kanyang mga fans.


Kitang-kita rin na nakasimangot si Daniel Padilla at tila pilit pa ang kanyang pakikipagsalamuha sa kanyang mga fans. Kitang-kita pa kung paano napahiya ang mga fans sa ginawa ni Daniel Padilla subalit pilit lamang nila itong tinago sa kanilang ngiti.


Gayunpaman, may mga fans pa rin naman ng aktor ang nangatwiran na baka nagbibiro lamang umano ang aktor sa kanyang ginawa sa mga fans na matagal na naghintay sa kanya. Subalit, kaagad itong binara ng mga netizens kung saan ipinunto nila na hindi kailan man magiging biro ang pamamahiya sa kapwa at ang pambabatos ng tao.


May mga nagsasabi pa na kung hindi naman pala bukal sa loob ni Daniel Padilla na makipagpicture kasama ang kanyang mga fans ay sana maayos nitong tinanggihan ang mga fans at huwag nang ipakita sa mga ito na napipilitan lamang siya.


Hindi rin umano magandang tingnan na basta na lamang hinahablot ni Daniel Padilla ang ulo ng kanyang mga fans dahil nakakawala umano ito ng paggalang at respeto.


Gayunpaman naninindigan parin ang mga fans ni Daniel Padilla na plina-prank lamang ng aktor ang kanyang mga tagahanga roon at nagpapakita lamang umano ang video na ito na malapit si Daniel Padilla sa kanyang mga fans na parang tropa na lamang ang tingin niya sa mga ito.


Narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens hinggi sa nasabing viral video ni Daniel Padilla.


"Image lang ang pa good boy nya! Suplado siya in person at maangas! Binabayaran lang ni Karla ang press people para purihin siya. Actually, si Kathryn talaga ang nagtatakip sa kanya. Yung pagkawala ni Kathryn sa buhay nya ay malaking effect yun sa career nya! Naka depende si Daniel ngayon sa mga KN loveteam fans kaya fan service ang ginagawa ng team nya!"


"OMG bakit nga ganyan ang reactions nya sa isang bakla ata yun at sa mga girls parang naiinis o galit siya na di nalaman. Sobrang lumaki namn ata ulo ni daniel ngayon mayaman at sikat na sya kung wala ang mga yan wala din sya sa industria. Ang layo nya kay Idol sen. Robin. Nkka buset mga inaarte nya dyan aa.. kala mo kung sino!"


"Mapagpanggap pala syempre sikat kasi na feeling nia di na sya babagsak.ngayon hiwalay na sila ni katryn paano na sya .di kaya bumagsak ang career niya"



@rossyme_ph #kathniel #danielpadilla ♬ original sound - Rossy Me

Kakai Bautista, Sa Hiwalayan Nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Walang komento


 May rebelasyon ang actress-comedian na si Kakai Bautista hinggil sa naging hiwalayan ng kanyang kaibigan na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Naging maingat ang actress-comedian na si Kakai Bautista sa kanyang pagsagot sa mga katanungan na ibinato sa kanya kamakailan lalo na ang pagsagot niya sa mga katanungan patungkol sa hiwalayan ng KathNiel na kamakailan lamang nilang inamin sa publiko.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kabilang sa malalapit na kaibigan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla si Kakai Bautista. Nagkasama sa trabaho sina Kakai Bautista at ang KathNiel sa teleseryeng Must Be Love noong 2013 at Crazy Beautiful You noong 2015.


Nagkasama naman sina Kakai Bautista at Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye noong 2019.


Sa kamakailang panayam kay Kakai Bautista sa presscon ng kinabibilangan niyang pelikula na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival na When I Met You in Tokyo, na pinagbibidahan nina Christopher De Leon at Vilma Santos, ipinahayag niyang wala siya sa posisyon para magbigay ng kung anong opinyon sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil pareho naman niya itong kaibigan.


Ang mas nararapat umanong gawin ngayon ay ipagdasal na lamang ang dalawa para kaagad silang makapag-move on sa nangyaring paghihiwalay nila matapos ang 11 years na romantic relationship nilang dalawa.


Gayunpaman, inamin ni Kakai Bautista na kamakailang lamang ay nakapag-usap sila ni Kathryn Bernardo subalit, hindi na niya ito kinulit pa upang malaman kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Daniel Padilla. Mas minabuti umano niyang respetuhin ang pananahimik ng kanyang kaibigan.


Ayon pa kay Kakai Bautista, may ilang details naman umano siyang alam subalit ayaw na niya itong isiwalat pa dahil ang nararapat na magbigay ng pahayag patungkol sa detalye ng hiwalayan ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Pinuri naman ni Kakai Bautista si Kathryn Bernardo, dahil sa pagiging matatag nito sa pagharap ng paghihiwalayan nila ni Daniel Padilla. Very proud din umano si Kakai sa kanyang kaibigan kung paano nito hinandle ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla at kung paano ka professional ang aktres sa pakikitungo niya sa kanyang ex-boyfriend.


Aminado naman din si Kakai Bautista na umiyak at nalungkot siya ng malamang naghiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, bilang kaibigan at bilang fan ng tambalan ng dalawa.


Gayunpaman, nararapat na tanggapin na lamang ang lahat at suportahan na lamang sa sila bilang individual at ipagdasal ang kanilang healing.




Melissa Gibbs Nagsalita Na Tungkol Sa Kanyang Ama at Mga Taong Tumulong Sa Pamilya

Walang komento


 Patuloy paring nagluluksa ang pamilya, mga kaibigan, kasamahan sa trabaho at maging ang mga fans ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez na bigla na lamang pumanaw kamakailan.


Labis na ikinabigla ng mga fans, lalong lalo na ng mga anak ni Ronaldo Valdez ang nangyari sa batikang aktor dahil hindi nila inaasahan na magagawa nito ang kitilin ang sariling buhay.


Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang anak ni Ronaldo Valdez na si Melissa Gibbs na una'y naging tahimik lamang sa nangyari sa kanyang ama. Hangggang ngayon ay balisa pa rin umano siya at halos hindi pa rin niya matanngap ang nangyari.


Ayon kay Melissa Gibbs, may mga times na wala siya sa kanyang sarili. Mabuti na lamang ay naroon para sa kanya ang kanyang mga kaibigan upang damayan siya sa bigat ng kanyang nararamdaman dahil sa nangyari sa kanyang ama.


Pinasalamatan naman ni Melissa Gibbs ang mga ito sa pagdamay sa kanya habang wala siya sa sarili dala ng pagkawala ng kanyang ama.


Samantala, makikita naman sa social media post ni Melissa Gibbs three weeks ago na nakasama pa niya ang kanyang ama na si Ronaldo Valdez sa isang birthday celebration kung saan naroon rin ang kanyang ina na si Marife Gibbs.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag sina Janno Gibbs at Melissa Gibbs sa lumabas na isyu patungkol sa hiwalayan ng kanilang mga magulang na kamakailan lamang ay naisiwalat ng dating leading lady na si Boots Anson- Roa.



Sharon Cuneta at Kapatid na si Chet Cuneta Matagal Nang May Hidwaan

Walang komento


 Sa likod ng masasayang ngiti ng Mega Star na si Sharon Cuneta, mayroon rin pala itong mga pinagdadaanan sa buhay na nabunyag ngayon sa kanyang social media account.


Tila hindi na nakayanan ni Sharon Cuneta ang bigat na kanyang nararamdaman kaya naman inilabas na niya ito sa kanyang Instagram post. Ibinahagi ni Mega Star Sharon ang kanyang mensahe para sa kanyang kapatid dahil matagal na ring nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.


Ayon sa mensahe ni Sharon Cuneta para sa kanyang kapatid na si Chet Cuneta, matagal na rin ang lumipas at hindi naman umano lingid sa kaalaman nito na wala siyang kasalanan.


Gayunpaman, kinalimutan na umano itong lahat ni Sharon Cuneta at ninanais na magkaayos na lamang silang magkakapatid dahil miss na miss na niya ito ngayon. Ito na lamang rin umano ang kanyang pamilya kaya naman hiling niya na sana ay magiging maayos na silang magkapatid.


Humingi naman ng paumanhin si Sharon Cuneta sa kanyang Kuya Chet sa pagsasapubliko sa pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan dahil wala na umano siyang ibang alam na paraan para makapag-reach out rito. Sinusubukan rin naman umano niya na kausapin privately ang kanyang kapatid subalit hindi naman siya pinagbibigyan nito.


Marami naman sa mga fans ni Sharon Cuneta ang naawa sa pinagdadaanan ngayon ng aktres sa kabila ng pagiging mabuting tao nito, hiling nila na sana ay lumambot na ang puso ng kapatid nito para tuluyan na silang magkasundo.


"I pray for your Christmas grown up wish wherever you are Kuya Chat , I hope and pray with love and sincerity that your sister’s message will reach your heart. Life is so unpredictable. Family ties are the best connection between two people."


"Let’s not take it for granted . Family stays together because members of it wants to be together no matter what periods of challenges or misunderstandings arise. Mistakes should be a learning experience not the reason to disconnect."


Bianca Manalo Umamin Na Sa Private Convo Nila Ni Rob Gomez

Walang komento

Naglabas na ng pahayag ang isa sa mga dawit sa isyung pangangaliwa ng Kapuso actor na si Rob Gomez sa ina ng kanyang anak na si Shaila Rebortera.


Nitong December 20, myerkules, ikinabigla ng mga netizens at Magandang Dilag fans nang mag-leak sa mismong Instagram account ang mga private messages sa pagitan nina Herlene Budol at Rob Gomez, at ang mga messages ni Bianca Manalo kay Rob Gomez kung saan ipinahayag ng aktres na nais niyang makipagkita sa aktor.


Kaagad na binatikos ng mga netizens at bashers sina Herlene Budol at Bianca Manalo dahil sa pagpatol umano nila sa lalaking may kinakasama at anak na.


Labis na nakatanggap ng pambabatikos si Bianca Manalo dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na siya ang partner ng Senator na si Win Gatchalian. Marami pa ang nagsasabi na hindi makuntento itong si Bianca Manalo kay Senator Win, kaya sumide bet pa kay Rob Gomez.


Tila hindi naman nakatiis si Bianca Manalo na kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sa Japan sa mga pambabatikos na natanggap niya mula sa mga netizens na kaagad na nanghusga sa kanya kahit hindi pa alam ang buong kwento.


Sa isang opisyal na pahayag na inilabas niya sa kanyang Instagram account, nilinis ni Bianca Manalo ang kanyang pangalan at pinabulaanan ang isyu na may lihim silang relasyon ni Rob Gomez kung saan pinagtataksilan nilang pareho ang kani-kanilang mga kinakasama.


Nais umano ni Bianca Manalo na linawin ang isyu na kumakalat ngayon upang malinis na ang kanyang pangalan tinawag pa niyang false rumors ang kumakalat ngayon sa social media.


Ayon sa pahayag ni Bianca Manalo, magkaibigan lamang silang dalawa ni Rob Gomez at magkatrabaho rin. Noong araw na nagmessage umano siya rito na nais niyang makipagkita ng maaga sa aktor ay dahil may ibibigay itong regalo sa kanya. Nais niyang maaga silang magkita dahil aalis na umano siya papuntang airport para sa kanyang pagbabakasyon.


Ipinahayag din ng aktres ang kanyang disappointment sa taong nagpakalat ng kanilang mga private messages na walang pahintulot mula sa kanya dahil nagdulot ito ng online bashing laban sa kanya. Nilabag din umano ng taong ito ang kanyang privacy. Ipinagdiinan ni Bianca Manalo na may iba pa siyang mensahe kay Rob Gomez na sadyang hindi isinama sa mga screenshots upang bahiran ng malisya ang kanilang conversation.


Ipinaghayag pa ni Bianca Manalo na naapektuhan na sa nasabing intriga ang kanyang mga mahal sa buhay kaya naman hiling niya na sana ay itigil na ang pambabatikos sa kanya dahil wala namang katotohanan ang mga accusation laban sa kanya para maenjoy naman nilang magkakapamilya ang bakasyon at ang pasko.


Samantala, marami naman sa mga kaibigan at celebrities ang sumuporta kay Bianca Manalo maging ang ilang mga celebrities ay naniniwala rin sa paliwanag ng aktres.


Gayunpaman, marami pa rin sa mga netizens ang nagdududa kay Bianca Manalo at hiniling na ilabas ng aktres ang full conversation nila ni Rob Gomez upang tuluyan nang maging malinis ang kanyang pangalan.


Sa kabilang banda, nauna nang ipinahayag ni Rob Gomez na wala sa kamay niya ang kanyang cellphone mula pa noong December 20, sa kaparehong oras na nagsilabasan sa kanyang Instagram acccount ang mga private conversation nila ng kanyang mga ka-trabaho sa Magandang Dilag.


Marami naman ang naghinala na ang ina ng anak ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera ang kasalukuyang may hawak ng kanyang cellphone at siyang nagsiwalat sa mga kontrobersyal na mensahe nina Rob Gomez, Herlene Budol at Bianca Manalo.


 

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo