Annabelle Rama Pinaiimbistigahan Na Sa PDEA Si Sarah Lahbati

Biyernes, Disyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa mundo ng social media ang mga binitiwang pahayag ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin hinggil sa hiwalayan ng mag-asawang sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na, ayon sa pasiunang bungad ni Cristy Fermin, may dalawang bagay na hindi pinayagan si Sarah Lahbati sa mga kahilingan ni Richard Gutierrez. Isa sa mga ito ay ang pagpapa-drug test.


Naghatid ng kontrobersiya ang ipinahayag ni Cristy Fermin sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na, marami ang napapatanong kung gumagamit nga ba  ang aktres ng ipinagbabawal na gamot na naging dahilan kung bakit mismong si Annabelle Rama ang nagreport sa PDEA para paimbistigahan ang dating manugang.


Muling naging laman ng talakayan nina Manay Cristy Fermin ang naging hiwalayan ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. 


Bagama't naninindigan naman sina Cristy Fermin na talagang hiwalay na ang dalawa, hindi pa rin ito opisyal na kinumpirma nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Samantala, hindi naman masabi ni Cristy Fermin kung ano ang totoong dahilan ni Annabelle Rama sa pagdulog sa PDEA.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang ahensya ng PDEA ang humuhuli sa mga taon lulong sa ipinagbabawal na gamot.


Sa kabilang banda, nilinaw naman nina Cristy Fermin na hindi naman nila kinukumpirma na kaya nagpunta sa PDEA si Annabelle Rama ay para isuplong ang mga taong gumagamit ng ipinagbabawal pero baka may koneksyon ito sa isyu nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Marami rin kasi ang nakakapansin sa labis na pagpayat ngayon ng aktres. Subalit ayon kay Cristy Fermin ay normal lamang dahil may nakapagsabi sa kanya na maaga pa lamang ay naglalasing na itong si Sarah Lahbati.


Bukod pa rito, isiniwalat din nina Cristy Fermin, kung gaano kakalat ang bahay nina Richard Gutierrez dahil pinapabayaan ni Sarah Lahbati noong nagsialisan na ang kanilang mga kasambahay.


Sa ngayon ay hindi na muna nagbibigay ng anumang pahayag si Annabelle Rama sa isyu ng kanyang anak dahil pinagbabawalan na siya ng kanyang abogado.


Sa kabilang banda, pinanindigan naman ni Cristy Fermin na si Richard Gutierrez ang pinakamabait sa mga anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez kaya naman hindi siya naniniwala sa isyu na sinasaktan nito ang kanyang asawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo