Herlene Budol, Idedemanda si Shaila Rebortera Dahil Sa Pagpapakalat ng Convo Nila Ni Rob

Lunes, Disyembre 25, 2023

/ by Lovely


 Nagbanta ang aktres na si Herlene Budol sa taong nag-upload sa kanilang private messages ni Rob Gomez na kumakalat na ngayon sa iba't-ibang social media platforms.


Sa panibagong pahayag na inilabas ni Herlene Budol hinggil sa pagkakasangkot niya sa isyu ng 'kainan' nila ni Rob Gomez, nagbanta siya na kakasuhan niya ang tao sa likod ng pagkalat ng mga sensitibong mensahe na pinagmumulan ng pambabatikos sa kanya.


Kaliwa't-kanan ang natatanggap ngayon na pambabatikos ni Herlene Budol mula sa mga netizens dahil sa mga naglabasang screenshot ng conversation nila ng kanyang leading man sa teleseryeng Magandang Dilag dahil nagpapahiwatig ang mga ito na may tinatagong relasyon silang dalawa.


May mga palitan pa sila ng mensahe kung saan mahihinuhang may mas malalim pa na nangyayari sa pagitan nilang dalawa na tila pinapatunayan naman sa inilabas na larawan ng dalawang pregnancy test kits.


Sa kabila ng mga inilabas na mga screenshots na ito pinabulaanan itong lahat ni Herlene Budol sa inilabas niyang pahayag. Ayon kay Herlene, nagbatuhan lamang sila ng script ni Rob Moya at nagbibiruan lamang.


Binahiran lamang umano ng mga netizens ng ibang meaning ang inosenting pahayag nila katulad ng 'kain' at 'gutom'. Pagpapatuloy pa ni Herlene Budol na kahit isa umano siyang squammy ay hindi naman siya hayok sa tawag ng laman.


 Iginiit pa ni Herlene na dahil nagmula siya sa isang broken family, hindi siya papatol sa lalaking may kinakasama at anak na dahil ayaw niyang makasira ng pamilya.


Ipinahayag din ng aktres na dahil sa mga natatanggap niyang pambabatikos ngayon mula sa mga netizens ay naapektuhan na ang kanyang trabaho dahil hindi na siya nakakapag-focus.


Dagdag pa ni Herlene na sumakay lamang siya sa mga pagbibiro ni Rob Gomez dahil isa siyang komedyante kahit pa alam na umano niyang nilalandi na siya nito.


Paninindigan pa ni Herlene Budol na hindi siya kaladkaring uri ng pagkababae sa katunayan sa loob ng mga sinalihan ng dalawang national pageants ay ilang beses siyang nakatanggap ng indecent proposals pero hindi niya tinanggap dahil maayos naman ang kanyang career at ayaw niya ng one time big time.


Sa huli, tila nagbanta pa si Herlene Budol sa taong nagpakalat sa kanilang private conversation na maari niya itong kasuhan ng data privacy, defamation at cyber libel.


Samantala, tila hindi man lang nabawasan ang pagdududa ng ilang mga netizens sa relasyon nina Herlene Budol at Rob Gomez, matapos ang official statement ni Herlene Budol. Lalo pang binatikos ang aktres dahil sa kawalan umano nito ng dignidad at sa pilit na pagtanggi kahit pa may mga resibo na naglabasan.


Marami rin ang hindi naniniwala na through chats talaga sila magbatuhan ng scripts at isa pa wala naman umano silang ganoon klase ng script sa teleserye.


May mga nagsasabi pa na hindi niya katulad ang lahat ng mga netizens na basta na lamang maniniwala sa kanyang baluktot na pahayag kahit pa nasa harap na ang ebedensya ng kanilang relasyon at pagtataksil ni Rob Gomez.


Sa kabilang banda, bagama't patuloy na nanahimik ang sinasabing karelasyon ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera, marami ang naniniwala na ito ang nag-upload sa mga nasabing screenshot ng mga conversation ng dalawa.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo