Sharon Cuneta at Kapatid na si Chet Cuneta Matagal Nang May Hidwaan

Biyernes, Disyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Sa likod ng masasayang ngiti ng Mega Star na si Sharon Cuneta, mayroon rin pala itong mga pinagdadaanan sa buhay na nabunyag ngayon sa kanyang social media account.


Tila hindi na nakayanan ni Sharon Cuneta ang bigat na kanyang nararamdaman kaya naman inilabas na niya ito sa kanyang Instagram post. Ibinahagi ni Mega Star Sharon ang kanyang mensahe para sa kanyang kapatid dahil matagal na ring nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.


Ayon sa mensahe ni Sharon Cuneta para sa kanyang kapatid na si Chet Cuneta, matagal na rin ang lumipas at hindi naman umano lingid sa kaalaman nito na wala siyang kasalanan.


Gayunpaman, kinalimutan na umano itong lahat ni Sharon Cuneta at ninanais na magkaayos na lamang silang magkakapatid dahil miss na miss na niya ito ngayon. Ito na lamang rin umano ang kanyang pamilya kaya naman hiling niya na sana ay magiging maayos na silang magkapatid.


Humingi naman ng paumanhin si Sharon Cuneta sa kanyang Kuya Chet sa pagsasapubliko sa pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan dahil wala na umano siyang ibang alam na paraan para makapag-reach out rito. Sinusubukan rin naman umano niya na kausapin privately ang kanyang kapatid subalit hindi naman siya pinagbibigyan nito.


Marami naman sa mga fans ni Sharon Cuneta ang naawa sa pinagdadaanan ngayon ng aktres sa kabila ng pagiging mabuting tao nito, hiling nila na sana ay lumambot na ang puso ng kapatid nito para tuluyan na silang magkasundo.


"I pray for your Christmas grown up wish wherever you are Kuya Chat , I hope and pray with love and sincerity that your sister’s message will reach your heart. Life is so unpredictable. Family ties are the best connection between two people."


"Let’s not take it for granted . Family stays together because members of it wants to be together no matter what periods of challenges or misunderstandings arise. Mistakes should be a learning experience not the reason to disconnect."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo