Bianca Manalo Umamin Na Sa Private Convo Nila Ni Rob Gomez

Biyernes, Disyembre 22, 2023

/ by Lovely

Naglabas na ng pahayag ang isa sa mga dawit sa isyung pangangaliwa ng Kapuso actor na si Rob Gomez sa ina ng kanyang anak na si Shaila Rebortera.


Nitong December 20, myerkules, ikinabigla ng mga netizens at Magandang Dilag fans nang mag-leak sa mismong Instagram account ang mga private messages sa pagitan nina Herlene Budol at Rob Gomez, at ang mga messages ni Bianca Manalo kay Rob Gomez kung saan ipinahayag ng aktres na nais niyang makipagkita sa aktor.


Kaagad na binatikos ng mga netizens at bashers sina Herlene Budol at Bianca Manalo dahil sa pagpatol umano nila sa lalaking may kinakasama at anak na.


Labis na nakatanggap ng pambabatikos si Bianca Manalo dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na siya ang partner ng Senator na si Win Gatchalian. Marami pa ang nagsasabi na hindi makuntento itong si Bianca Manalo kay Senator Win, kaya sumide bet pa kay Rob Gomez.


Tila hindi naman nakatiis si Bianca Manalo na kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sa Japan sa mga pambabatikos na natanggap niya mula sa mga netizens na kaagad na nanghusga sa kanya kahit hindi pa alam ang buong kwento.


Sa isang opisyal na pahayag na inilabas niya sa kanyang Instagram account, nilinis ni Bianca Manalo ang kanyang pangalan at pinabulaanan ang isyu na may lihim silang relasyon ni Rob Gomez kung saan pinagtataksilan nilang pareho ang kani-kanilang mga kinakasama.


Nais umano ni Bianca Manalo na linawin ang isyu na kumakalat ngayon upang malinis na ang kanyang pangalan tinawag pa niyang false rumors ang kumakalat ngayon sa social media.


Ayon sa pahayag ni Bianca Manalo, magkaibigan lamang silang dalawa ni Rob Gomez at magkatrabaho rin. Noong araw na nagmessage umano siya rito na nais niyang makipagkita ng maaga sa aktor ay dahil may ibibigay itong regalo sa kanya. Nais niyang maaga silang magkita dahil aalis na umano siya papuntang airport para sa kanyang pagbabakasyon.


Ipinahayag din ng aktres ang kanyang disappointment sa taong nagpakalat ng kanilang mga private messages na walang pahintulot mula sa kanya dahil nagdulot ito ng online bashing laban sa kanya. Nilabag din umano ng taong ito ang kanyang privacy. Ipinagdiinan ni Bianca Manalo na may iba pa siyang mensahe kay Rob Gomez na sadyang hindi isinama sa mga screenshots upang bahiran ng malisya ang kanilang conversation.


Ipinaghayag pa ni Bianca Manalo na naapektuhan na sa nasabing intriga ang kanyang mga mahal sa buhay kaya naman hiling niya na sana ay itigil na ang pambabatikos sa kanya dahil wala namang katotohanan ang mga accusation laban sa kanya para maenjoy naman nilang magkakapamilya ang bakasyon at ang pasko.


Samantala, marami naman sa mga kaibigan at celebrities ang sumuporta kay Bianca Manalo maging ang ilang mga celebrities ay naniniwala rin sa paliwanag ng aktres.


Gayunpaman, marami pa rin sa mga netizens ang nagdududa kay Bianca Manalo at hiniling na ilabas ng aktres ang full conversation nila ni Rob Gomez upang tuluyan nang maging malinis ang kanyang pangalan.


Sa kabilang banda, nauna nang ipinahayag ni Rob Gomez na wala sa kamay niya ang kanyang cellphone mula pa noong December 20, sa kaparehong oras na nagsilabasan sa kanyang Instagram acccount ang mga private conversation nila ng kanyang mga ka-trabaho sa Magandang Dilag.


Marami naman ang naghinala na ang ina ng anak ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera ang kasalukuyang may hawak ng kanyang cellphone at siyang nagsiwalat sa mga kontrobersyal na mensahe nina Rob Gomez, Herlene Budol at Bianca Manalo.


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo