Vice Ganda May Prangkang Pahayag Sa Madlang Pipol!

Biyernes, Disyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Umaani ng samu't-saring reaksyon ngayon mula sa mga netizens ang naging pahayag ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime. Kung saan nagbigay ng saloobin si Vice Ganda patungkol sa pagkakaroon ng pamilya.


Napag-usapan nina Vice Ganda ang patungkol sa pagkakaroon ng pamilya sa isang episode ng It's Showtime sa segment na Expecialy For You.


Ayon kay Vice Ganda, naniniwala siya na kapag walang kakayahan ang isang tao na bumuo ng isang pamilya ay huwag na itong magpamilya. Itinuloy pa rin ni Vice Ganda ang kanyang pahayag kahip pa alam umano niya na maaring may maoffend siya na tao.


Kung wala umanong pera ay huwag na lamang mag-isip na bumuo ng isang pamilya dahil kawawa lamang ang iluluwal na bata na hindi naman mapapakain ng maayos.


Dagdag pa ni Vice Ganda na sarili lang din ang sasalba sa iyong sarili at hindi ang ibang tao.


Kaagad namang naglabas ng iba't-ibang mga saloobin ang ilang mga netizens sa inilabas na pahayag ni Vice Ganda. Marami ang sumang-ayon kay Vice Ganda at sinabing hindi na sapat ngayon ang pagmamahal lamang dahil hindi naman ito nakakain.


May mga nagsasabi pa na sa taas ng presyo ng bilihin ngayon mas nagiging matimbang na ang pera kaysa sa pagmamahal. May mga nagsasabi pa kung hindi naman kaya bumuhay at kulang ang pera ay huwag na lamang mag-anak ng marami.


Samantala, may mga kumuntra naman sa naging pahayag ni Vice Ganda at sinabi dapat huwag nang pakialaman pa ng komedyante ang buhay ng ibang tao kung gusto nilang mag-anak ng marami.


Ipinunto pa nila na kung mag-anak man ng marami ang mga tao ay hindi naman umano si Vice Ganda ang magpapakain sa mga ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo