Kapatid Ni Francine Diaz, Nakipagsagutan Sa Fans Ni Andrea Brillantes

Lunes, Disyembre 25, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang pagkakagulo ng mga fans ng dalawang young stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz matapos balikan ng kanilang mga fans ang isyu nilang dalawa noon pang 2021.


Kasunod ng pagkalat ng balitang inamin mismo ni Andrea Brillantes kay Kathryn Bernardo na noon pang 2021 may nangyari sa kanila ng noo'y boyfriend pa nito na si Daniel Padilla sa mismong bahay ng aktor.


Kaagad namang napagdugtong ng ilang mga netizens ang mga nangyari at sinasabi nilang ang pagkakaroon ng ugnayan nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla ang naging dahilan kung bakit tuluyang nakipaghiwalay si Seth Fedelin kay Andrea Brillantes noon.


Samantala, binalikan naman ng ilang mga netizens ang isyu sa pagitan nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Francine Diaz. Matatandaan na noong huling bahagi ng 2021, naglabas ng isang malungkot na post si Andrea Brillantes kasunod ng pagkalat ng mga larawan na nakasama ng pamilya ni Francine Diaz si Seth Fedelin sa pagdiriwang ng pasko.


Inakusahan pa noon ng mga fans ni Andrea Brillantes si Frnacine Diaz, bilang mang-aagaw ng boyfriend ng kanyang kaibigan noon na si Andrea Brillantes. Si Francine Diaz din ang itinuturo ng ilan na siyang may kasalanan kung bakit naghiwalay noon ang dalawa.


Sa paglabas ng totoong nangyari umano noon, kung saan nabunyag na ang kalokohang ginawa nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla ang totoong dahilan ng hiwalayan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin binalikan ng mga fans ni Francine Diaz si Andrea Brillantes.


Hiling ng mga fans ni Francine Diaz na mag-apologize si Andrea Brillantes sa kanilang idolo dahil sa pagkakadawit ng pangalan nito sa isyu noon.


Kaagad namang bumwelta ang mga fans ni Andrea Brillantes kung saan iginiit nila na hindi na kailangang humingi ng tawad ni Andrea Brillantes dahil sa labis na natanggap nitong pambubully ng pamilya ni Francine kay Andrea Brillantes noon.


May mga nagsasabi pang fans na maarin pang mag-apologize ni Andrea Brillantes kay Seth Fedelin pero hindi kay Francine Diaz. Kaagad namang bumwelta ang kapatid ni Francine Diaz at tinalakan ang mga fans ni Andrea Brillantes kung alam ba ng mga ito ang totoong nangyari noong 2021.


Iginiit naman din nito na kung ang matawag ng kung ano ano ang kapalit sa pagtatanggol niya sa kanyang kapatid ay wala na siyang pakialam roon.


Ipinaliwanag din nito ang katotohan sa likod ng kumalat na larawan nila kasama si Seth Fedelin noon. Ayon sa kanya, totoong nagpunta si Seth Fedelin sa kanila upang humingi ng paumanhin kay Francine Diaz sinabi din umano sa kanila ni Seth Fedelin na inanyayahan niya si Andrea Brillantes na sumama sa kanya pero umayaw ito.


MUli ring iginiit nito na walang inagaw at walang inahas ang kanyang kapatid na si Francine Diaz kahit pa aminado naman siya na hindi perpekto ang kanyang kapatid at may mga flaws din ito.


Ipinagdidiinan din niya na walang karapatan ang mga fans ni Andrea Brillantes na husgahan si Francine Diaz dahil kunting impormasyon lamang ang kanilang hawak na katotohanan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo