Kim Chiu Natauhan Na, Hindi Na Babalikan Si Xian Lim

Biyernes, Disyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa online world ang mga pahayag ng aktres na si Kim Chiu sa latest episode ng Kapamilya show na It's Showtime.


Kaagad na napansin ng mga netizens ang tila sunod-sunod na banat ni Kim Chiu sa kanilang contestant sa segment na Expecially For You.


Hindi napigil ni Kim Chiu ang kanyang sarili at tila pinangaralan na ang kanilang contestant na nais balikan ang kanyang girlfriend na iniwan nito noon.


Ayon kay Kim Chiu, bakit pa niya babalikan ang kanyang ex-girlfriend gayung siya naman ang nang-iwan nito, dapat umano na huwag nang balikan dahil iniwan na.


Hindi pa rito natatapos ang mga hirit ni Kim Chiu sa nasabing contestants buong pahayag ni Kim Chiu, "Kapag iniwan na hindi na binabalikan, pag iniwan mo diba akala mo nakaabang lang sayo? Di ganun."


Tila marami pang gustong idagdag rito si Kim Chiu subalit pinigil na siya ni Vhong Navarro.


Gayunpaman, marami ang nagsasabi na ang ginawa ni Kim Chiu ay may kinalaman sa kanyang kinakaharap na isyu ng hiwalayan nila ni Xian Lim. Bagama't ang contestant nila nila ang pinagsabihan ni Kim Chiu, hinala ng marami na ang totoong pinapatungkulan ni Kim Chiu ay si Xian Lim.


Sa kabilan ng hindi diretsahang pag-amin ng actress-host sa hiwalayan nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim, marami naman nang signs na naglabasan na nagpapahiwatig na nagtapos na ang relasyon ng dalawa matapos ang 12 years.


Matatandaan na sa isang vlog, sinabi ni Kim Chiu kay Maricel Soriano na nakahang sa ngayon ang kanyang lovelife. Hindi na rin nagpunta si Xian Lim sa Christmas party na inorganisa ni Kim Chiu.


Higit sa lahat, pinagbubura na rin ng aktor ang kanilang mga vlog ni Kim Chiu na pinagsamahan noon indikasyon na wala nang halaga sa kanya ang memories nila ng aktres.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang naging hugot ni Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime, marami ang humanga dahil unti-unti na umanong tumatapang si Kim Chiu sa pagharap sa isyu ng paghihiwalay nila ni Xian Lim.


"Good job beautiful sexy sweet queen kimchiu Multimedia SUPERSTAR amazing woman agree pag iniwan na Hindi na dapat balikan napakatalino mo queen kimchiu paglalaking walang kwenta tuluyan ibasura Hindi lang siya ang lalaki sa mundo mayroon mas higit pa sa kanya queen kimchiu keep safe always God bless you more and more project"


"hays salamat natauhan ka kim"


"CORRECT ... NO TO XIAN ... COZ MY PAULO NA"






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo