Matapos Malink Kay Rob Gomez, Bianca Manalo at Win Gatchalian Hiwalay Na?

Biyernes, Disyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay mainit na usapin pa rin sa social media ang leaked conversations sa pagitan ng Magandandang Dilag stars na sina Rob Gomez, Herlene Budol at Bianca Manalo.


Dahil sa messages ni Bianca Manalo kay Rob Gomez, kung saan tila inamin ng actress na palihim silang nagkikita ni Rob Gomez sa likod ng kinakasama nitong si Sen. Win Gatchalian, marami ang naghinala na naghiwalay na ang dalawa.


Ikinagulat naman ito ng marami dahil hindi naman umano napapabalita ang hiwalayan nina Bianca Manalo at Sen. Win Gatchalian sa katunayan ay masaya pa umanong ipinagdiwang noon ng dalawa ang kaarawan ng aktres sa Malacanang Palace.


Samantala, may naghinala na palihim lamang na naghiwalay ang dalawa dahil sa isyu nina Rob Gomez at Bianca Manalo. Marami rin ang nakapansin na kasabay ng paglabas ng mga leaked messages nang dalawa ay siyang pag-alis naman ni Bianca sa bansa para magpabakasyon.


Isa pa sa pinanghuhugutan ng ilang mga showbiz sources sa hiwalayan umano ng dalawa ay ang hindi umano pagsama ni Sen. Win Gatchalian sa bakasyon nina Bianca Manalo.


Sa ibinahaging social media post ng aktres, makikitang kasama nga nito ang kanyang pamilya sa Japan subalit hindi namataan doon si Sen. Win Gatchalian.


Hindi pa naman nagbibigay ng anumang pahayag si Sen. Win Gatchalian hinggil sa isyung ito. Maging si Bianca Manalo ay wala namang sinabi sa kanyang naging official statement patungkol sa relasyon nila ng kanyang long time partner na si Sen. Win Gatchalian.


Samantala, pinabulaanan na ni Bianca Manalo ang isyung may namamagitan sa kanila ni Rob Gomez. Ipinaliwanag rin niya ang nilalaman ng kanyang mensahe kay Rob Gomez patungkol sa pagkikita nilang dalawa.


Ayon kay Bianca Manalo, may ibibigay umano sa kanya na mga regalo si Rob Gomez kaya magkikita sila, nagmessage siya na aagahan nilang nito ang pagpunta dahil paalis na siya papuntang airport.


Labis ding ikinadismaya ni Bianca Manalo ang pagkalat ng private messages nila ni Rob Gomez ng walang pahintulot mula sa kanya na naging dahilan kung bakit tumatanggap siya ngayon ng mga pambabatikos mula sa mga netizens na kaagad umano siyang hinusgahan.


Hiling din ni Bianca na itigil ang mga false rumors laban sa kanya dahil naapektuhan na nito ang kanyang mga mahal sa buhay. Hindi na rin umano nila na-enjoy ang pagbabakasyon ngayon dahil sa isyu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo