Daniel Padilla, Inilabas Na Ang Totoong Pagtrato Sa Kanyang Mga Fans Matapos Hiwalayan Ni Kathryn

Biyernes, Disyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Hindi nagustuhan ng mga netizens at ilang mga fans ng aktor na si Daniel Padilla ang ginawa nito sa kanyang mga fans na matagal na naghintay sa kanya para makipagselfie.


Muling umingay ang pangalan ng kontrobersyal aktor na si Daniel Padilla dahil sa pagkalat ng video kung saan makikitang hinablot nito ang mga ulo ng mga fans na nais makipagpicture sa kanya, bukod pa rito, tinapik rin nito ang kamay ng isang fan na nais magkipagfinger heart sa aktor.


Tila padabog pang umalis si Daniel Padilla na tila ba naiinis na siya sa kakulitan ng kanyang mga fans.


Kitang-kita rin na nakasimangot si Daniel Padilla at tila pilit pa ang kanyang pakikipagsalamuha sa kanyang mga fans. Kitang-kita pa kung paano napahiya ang mga fans sa ginawa ni Daniel Padilla subalit pilit lamang nila itong tinago sa kanilang ngiti.


Gayunpaman, may mga fans pa rin naman ng aktor ang nangatwiran na baka nagbibiro lamang umano ang aktor sa kanyang ginawa sa mga fans na matagal na naghintay sa kanya. Subalit, kaagad itong binara ng mga netizens kung saan ipinunto nila na hindi kailan man magiging biro ang pamamahiya sa kapwa at ang pambabatos ng tao.


May mga nagsasabi pa na kung hindi naman pala bukal sa loob ni Daniel Padilla na makipagpicture kasama ang kanyang mga fans ay sana maayos nitong tinanggihan ang mga fans at huwag nang ipakita sa mga ito na napipilitan lamang siya.


Hindi rin umano magandang tingnan na basta na lamang hinahablot ni Daniel Padilla ang ulo ng kanyang mga fans dahil nakakawala umano ito ng paggalang at respeto.


Gayunpaman naninindigan parin ang mga fans ni Daniel Padilla na plina-prank lamang ng aktor ang kanyang mga tagahanga roon at nagpapakita lamang umano ang video na ito na malapit si Daniel Padilla sa kanyang mga fans na parang tropa na lamang ang tingin niya sa mga ito.


Narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens hinggi sa nasabing viral video ni Daniel Padilla.


"Image lang ang pa good boy nya! Suplado siya in person at maangas! Binabayaran lang ni Karla ang press people para purihin siya. Actually, si Kathryn talaga ang nagtatakip sa kanya. Yung pagkawala ni Kathryn sa buhay nya ay malaking effect yun sa career nya! Naka depende si Daniel ngayon sa mga KN loveteam fans kaya fan service ang ginagawa ng team nya!"


"OMG bakit nga ganyan ang reactions nya sa isang bakla ata yun at sa mga girls parang naiinis o galit siya na di nalaman. Sobrang lumaki namn ata ulo ni daniel ngayon mayaman at sikat na sya kung wala ang mga yan wala din sya sa industria. Ang layo nya kay Idol sen. Robin. Nkka buset mga inaarte nya dyan aa.. kala mo kung sino!"


"Mapagpanggap pala syempre sikat kasi na feeling nia di na sya babagsak.ngayon hiwalay na sila ni katryn paano na sya .di kaya bumagsak ang career niya"



@rossyme_ph #kathniel #danielpadilla ♬ original sound - Rossy Me

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo