Kakai Bautista, Sa Hiwalayan Nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Biyernes, Disyembre 22, 2023

/ by Lovely


 May rebelasyon ang actress-comedian na si Kakai Bautista hinggil sa naging hiwalayan ng kanyang kaibigan na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Naging maingat ang actress-comedian na si Kakai Bautista sa kanyang pagsagot sa mga katanungan na ibinato sa kanya kamakailan lalo na ang pagsagot niya sa mga katanungan patungkol sa hiwalayan ng KathNiel na kamakailan lamang nilang inamin sa publiko.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kabilang sa malalapit na kaibigan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla si Kakai Bautista. Nagkasama sa trabaho sina Kakai Bautista at ang KathNiel sa teleseryeng Must Be Love noong 2013 at Crazy Beautiful You noong 2015.


Nagkasama naman sina Kakai Bautista at Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye noong 2019.


Sa kamakailang panayam kay Kakai Bautista sa presscon ng kinabibilangan niyang pelikula na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival na When I Met You in Tokyo, na pinagbibidahan nina Christopher De Leon at Vilma Santos, ipinahayag niyang wala siya sa posisyon para magbigay ng kung anong opinyon sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil pareho naman niya itong kaibigan.


Ang mas nararapat umanong gawin ngayon ay ipagdasal na lamang ang dalawa para kaagad silang makapag-move on sa nangyaring paghihiwalay nila matapos ang 11 years na romantic relationship nilang dalawa.


Gayunpaman, inamin ni Kakai Bautista na kamakailang lamang ay nakapag-usap sila ni Kathryn Bernardo subalit, hindi na niya ito kinulit pa upang malaman kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Daniel Padilla. Mas minabuti umano niyang respetuhin ang pananahimik ng kanyang kaibigan.


Ayon pa kay Kakai Bautista, may ilang details naman umano siyang alam subalit ayaw na niya itong isiwalat pa dahil ang nararapat na magbigay ng pahayag patungkol sa detalye ng hiwalayan ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Pinuri naman ni Kakai Bautista si Kathryn Bernardo, dahil sa pagiging matatag nito sa pagharap ng paghihiwalayan nila ni Daniel Padilla. Very proud din umano si Kakai sa kanyang kaibigan kung paano nito hinandle ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla at kung paano ka professional ang aktres sa pakikitungo niya sa kanyang ex-boyfriend.


Aminado naman din si Kakai Bautista na umiyak at nalungkot siya ng malamang naghiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, bilang kaibigan at bilang fan ng tambalan ng dalawa.


Gayunpaman, nararapat na tanggapin na lamang ang lahat at suportahan na lamang sa sila bilang individual at ipagdasal ang kanilang healing.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo