Derek Ramsay Nilinaw Ang Isyung Pang-aabvs0 ni Richard Gutierrez Kay Sarah Lahbati

Biyernes, Disyembre 22, 2023

/ by Lovely

Sa gitna ng mga nangyayaring hiwalayan ngayon sa pagitan ng mga celebrity couples,lalong umiinit ang isyu sa pagitan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


May mga naglabasang mga ulat na umanong binubogbog nitong si Richard Gutierrez ang kanyang asawang si Sarah Lahbati na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Ayon pa sa nasabing ulat, tumakbo umano na duguan si Sarah Lahbati mula sa kanyang bahay hanggang sa bahay nina Derek Ramsay at Ellen Adarna upang humingi ng tulong.

para 

Samantala, upang maging malinaw ang isyung ito, kinapanayam ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin si Derek Ramsay at hayagang tinanong rito ang isyung nakarating sa kanila.


Nilinaw naman ni Derek Ramsay na walang katotohanan ang mga usap-usapan patungkol sa nangyari kina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Ayon kay Derek Ramsay, walang katotohanan na nagpunta sa kanilang bahay ni Ellen Adarna ang asawa ni Richard Gutierrez, ng bugbog sarado, duguan at may black eye.


Sakaling nangyari man umano ang pang-aabusong ito ay siya na umano mismo ang pupunta kay Richard para kahit papaano ay pagsabihan ito.


Samantala, inamin naman ni Derek Ramsay na pumupunta si Sarah Lahbati sa kanilang bahay dahil makapit-bahay naman sila at magkaklase pa ang anak ni Sarah at anak ni Ellen Adarna.


Gayunpaman ay kinumpirma ni Derek Ramsay na talagang pumayat ngayon si Sarah Lahbati sa di niya malamang dahilan at hindi na umano siya nakikialam pa roon.


Sa kabilang banda, kaagad namang nagpasalamat si Annabelle Rama kina Derek Ramsay at Manay Cristy Fermin sa paglilinis sa pangalan ng kanyang anak na si Richard Gutierrez na nahaharap sa pambabatikos ng mga fans ni Sarah Lahbati dahil sa mga lumalabas na blind item.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo