Melissa Gibbs Nagsalita Na Tungkol Sa Kanyang Ama at Mga Taong Tumulong Sa Pamilya

Biyernes, Disyembre 22, 2023

/ by Lovely


 Patuloy paring nagluluksa ang pamilya, mga kaibigan, kasamahan sa trabaho at maging ang mga fans ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez na bigla na lamang pumanaw kamakailan.


Labis na ikinabigla ng mga fans, lalong lalo na ng mga anak ni Ronaldo Valdez ang nangyari sa batikang aktor dahil hindi nila inaasahan na magagawa nito ang kitilin ang sariling buhay.


Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang anak ni Ronaldo Valdez na si Melissa Gibbs na una'y naging tahimik lamang sa nangyari sa kanyang ama. Hangggang ngayon ay balisa pa rin umano siya at halos hindi pa rin niya matanngap ang nangyari.


Ayon kay Melissa Gibbs, may mga times na wala siya sa kanyang sarili. Mabuti na lamang ay naroon para sa kanya ang kanyang mga kaibigan upang damayan siya sa bigat ng kanyang nararamdaman dahil sa nangyari sa kanyang ama.


Pinasalamatan naman ni Melissa Gibbs ang mga ito sa pagdamay sa kanya habang wala siya sa sarili dala ng pagkawala ng kanyang ama.


Samantala, makikita naman sa social media post ni Melissa Gibbs three weeks ago na nakasama pa niya ang kanyang ama na si Ronaldo Valdez sa isang birthday celebration kung saan naroon rin ang kanyang ina na si Marife Gibbs.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag sina Janno Gibbs at Melissa Gibbs sa lumabas na isyu patungkol sa hiwalayan ng kanilang mga magulang na kamakailan lamang ay naisiwalat ng dating leading lady na si Boots Anson- Roa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo