Dr. Richard Mata Pinayuhan Ang Bunsong Anak Ni Francis M na Huwag Munang Mag-showbiz

Walang komento

Biyernes, Oktubre 20, 2023

Pinayuhan ng pediatrician at content creator na si Dr. Richard Mata ang sinasabing bunsong anak ni Francis Magalona na ​​si Gaile Francesca, na huwag munang magmadali na pumasok sa show business.


Matatandaang nag-viral sa social media si Francesca matapos isiniwalat ng kanyang ina na si Abegail Rait na siya ang bunsong anak ni Francis sa dating flight attendant.


Ibinunyag din ni Abegail ang kanyang mga plano para sa kanyang anak kabilang na ang pagsunod nito sa yapak ng kanyang ama, na isang multi-talented na artista.


Gayunpaman, habang nakakatanggap si Francesca ng atensyon ng mga netizen, sinabi ni Dr. Richard na mas mabuting hindi muna papasok sa showbiz ni Francesca.


Ayon sa kanya, mas mabuting maging artista si Francesca, hindi dahil sa mga koneksyon niya kay Francis, kundi dahil karapat-dapat talaga siya at dahil sa taglay niyang talento.


“Wag muna. Just increase your tiktok, your FB and YT followers. Show your talents in socmed muna. If hinog an talaga, your talent will bring you to showbiz if its still needed,” said Dr. Richard. “Coming in now, will be hard, being controversial. There’s always that other group who will be against you. But in socmed, you can easily bloom,”


“Don’t enter showbiz because you are a daughter of FM, enter it because you have proven yourself in socmed. Karamihan ng di nagclick sa showbiz ay di rin pumipickup sa socmed. Pero young nagciclick sa socmed muna ay nagiging artista na mas stable.”


Marami naman ang sumang-ayon sa naging pahayag na ito ni Dr. Mata.



Jersey Ni Francis Magalona Binibili Ng 8M Tinanggihan Ni Boss Toyo

Walang komento


 Pinag-uusapan ngayon ng mga netizens, ang jersey ni Francis M na ibinenta ni Abegail Rait kay Boss Toyo sa Pinoy Pawnstar.


Si Abegaile Rait ang nagpakilalang dating karelasyon ni Francis Magalona kung saan nagkaroon pa sila ng anak na maituturing na bunsong anak ni Franics M na si Gaile Francesca. 


Matapos magviral ang kwento, lubhang lumaki ang halaga ng nasabing jersey. May isang collector ang nagkainteres na bilhin ito mula kay Boss Toyo sa halagang 8 million pesos kasama na ang polo na naunang naibenta sa kanila noon. 


Mula sa 500K na pagkabili ni Boss Toyo nito, higit sa 10x ang inilaki ng presyo. Subalit, tinganggihan ni Boss Toyo ang offer. 


Ayon sa collector na si Marvin, tagahanga daw siya ni Kiko at nais niya umano idisplay ang naturnag memorabilia ni Francis sa kanyang kakabukas lang na negosyo. 


Maging ang asawa ni Boss Toyo ay hindi rin pumayag na ipagbili ang nasabing gamit ni Francis M.


Ayon kay Boss Toyo, matagal pa bago nila ito pakawaln dahil ididisplay muna nila ito. Aminado naman si Boss Toyo na nagulat at natempt umano siya sa inoffer na presyo sa kanila ni Marvin.


Ayon naman sa ilang mga netizens na baka naisip umano ni Boss Toyo na lalo pang tataas  at mas lalaki pa ang value nito habang tumatagal.  Kung sa ngayon ay may nag offer na ng 8M, siguradong hihigit pa sa triple ang magiging value nito sa mga susnod na buwan.




Andrea Brillantes, Iniiwasan Nga Ba Ang FranSeth?

Walang komento


 Marami ang napapatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang aktres na si Andrea Brillantes sa noontime show na It's Your Lucky Day.


Naglabasan na tuloy ang mga intriga na baka ay may iniiwasan ang aktres at ito umano ay sina Francine Diaz at Seth Fedelin.


Matatandaan na sa anunsyo noon ng ABS-CBN, ibinahagi nila na kasama sa kanilang show na ipapalit sa It's Showtime si Andrea Brillantes.


Nakapagtataka namang matagal pumasok si Andrea gayung eere lamang ang nasabing show sa loob ng 12 days.


Subalit, anim na araw na mula nang umire ang show, hindi parin nagpapakita si Andrea Brillantes.


Unang lumabas sa nasabing show ang FranSeth loveteam, matapos ang ilang araw sumunod naman si Kyle Echarri.


Labis na inaabangan ngayon ng mga fans ni Andrea ang kanyang pagpasok sa It's Your Lucky Day dahil gusto ng mga ito na muling mabuo ang Gold Squad.




Jobert Sucaldito Binanta an Ni Baron Geisler Nang Malasing

Walang komento


Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa social media ang isyung tatanggalin sa teleseryeng Senior High ang aktor na si Baron Geisler.


Matatandaan na sa isang episode ng showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz, isiniwalat niyang tatanggalin na umano sa Senior High si Baron Geisler dahil natatakot na umano ang mga co-stars ng actor sa tuwing nalalasing ito.


Tila hindi lamang pala ang mga co-star ni Baron Geisler sa “Senior High” ang nakaranas ng nakakatakot na pag-uugali ng aktor kapag nalalasing.


Samantala naikinuwento naman ni Cristy Fermin ang nangyari sa isang kasamahan niyang writer at kay Baron nang minsan mag-inuman ang mga ito.


Niyaya umano ni Baron si Jobert Sucaldito na mag-inuman sila, na pinaunlakan naman ng huli.


Subalit, nang tamaan na raw ng espiritu ng alak ang aktor ay nag-iba na ang ugali nito.


“Dinala siya ni Jobert sa isang bar. Inuman, inuman. Kuwentuhan, kuwentuhan. Maayos. Maayos sila. Nung tinatamaan na ng agua de pataranta itong si Baron Geisler, tinitigan niya nang matindi si Jobert. 


"Sabi niya, ‘I think I’m gonna kill someone tonight’. Kasi mayroon silang pinagdiskusyunan na isang isyu,” pagbabahagi ni Cristy Fermin.


Ipinahayag naman ni Cristy Fermin na talagang nanghihinayang siya sakaling tatanggalin sa serye si Baron Geisler dahil talagang magaling ito sa kanyang trabaho at bagay rito ang kanyang role.




Ricci Rivero, napikon sa mga kritiko nila ni Leren Bautista

Walang komento


 Tila hindi nasisiyahan ang basketball player na si Ricci Rivero sa mga pambabatikos na natanggap niya tungkol sa umano'y relasyon nila ni Los Baños councilor Leren Bautista.


Matatandaang ilang beses nang nakitang magkasama sina Ricci at Leren, at kamakailan lamang ay spotted silang nanood sa laban ng University Athletic Association of the Philippines sa pagitan ng University of the Philippines at Dela Salle University noong October 18.


Agad na binatikos ang dalawa dahil sa pagdi-date nila ngayon ilang buwan matapos ang hiwalayan nina Ricci at Andrea Brillantes.


Tila hindi naman na nakapagtimpi si Ricci Rivero at hayagan nang pinatulan ang mga bashers.


Sa naging post nito sa kanyang social media account ipinahayag ni Ricci na dapat sana ay alamin ng mga bashers ang totoong kwento.


“Akala mo kung mag salita ka alam mo yung story ah haha bida bida.”


“Wala pumapansin sayo sa bahay kaya dito ka hahanap ng papansin? Lol as bida bida.”


“Alamin niyo muna ‘yung totoong nangyari hindi ‘yung dami niyo sinasabi dahil toxic lang kayo.”


Noon pa man ay binatikos na si Ricci Rivero at tinatawag na cheater ng mga fans ni Andrea Brillantes lalo pa't nahuli umano ito ng aktres na may kasamang babae sa loob ng condo.




Dahilan Ng Pambababae Ni Francis M Kahit Kasal Pa Sa Misis Nyang Si Pia Magalona Ibinunyag Na

Walang komento


 Isiniwalat ng isang netizen na hindi umano lingid sa kaalaman ng legal na pamilya ni Francis Magalona ang pagkakaroon ng relasyon nina Abegail Rait at ng master rapper.


Sa isang tweet, sinabi ng netizen na si Megs na may lumabas nooong blind item patungkol Francis noong nabubuhay pa ito dahil sa umano'y relasyon nila ni Abegail.


“Alam ng family ni Francis M. They were separated na when it happened. Pia had a rumored bf na that time. Manager lng ni Francis M si Pia kaya may prinoprotek kuno na image at marami ads kaya ingat sila. magsitigil kayo nasa music video pa ni gloc9 yung babae,” pagsisiwalat nito.


May mga netizens naman na nagsasabing lumabas nga noon ang mga usap-usapan na umano'y plano maghiwalay noon nina Pia at Francis M. Subalit hindi umano ito natuloy dahil sa pagkaka-diagnose kay Francis na mayroong Leukemia.


Muling naungkat ang mga isyung ito nang isiwalat ni Abegail Rait ang naging relasyon nila noon ni Francis Magalona kung saan nabiyayaan sila ng isang anak.


Si Francis Magalona pa umano mismo ang nagbigay ng pangalan rito na mula sa kanilang mga pangalan, Gaile Francesca.


Naisiwalat pa ni Abegail na may mga plano silang hindi natupad dahil sa pagkakasakit nito at maagang pagpanaw.




Liza Soberano Kumalas Na Sa Management Ni James Reid

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang umano'y pagkalas ng aktres na si Liza Soberano sa management agency ni James Reid.


Kasunod ito sa balitang ipapalabas na sa susunod na taon ang kinabibilangang Hollywood movie ni Liza Soberano ang Lisa Frankenstein.


Sa isang episode ng Marites University, nabanggit ni DJ Jaihoo ang naibahagi sa kanya ng isang source na umanoy ang tiyahin na ni Liza ngayon ang nagmamanage sa showbiz career ng aktres.


"Ayon sa aking very relialable source, ang chika nga raw po ay wala na nga raw po itong si Liza Soberano under the management of Careless."


Ipinahayag din umano ni Liza Soberano na hindi na muna siya gagawa ng mga local projects.


Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula sa kampo ni Liza Soberano hinggil sa balitang ito.


Sa katunayan, namataan pa ang dalawa na dumalo sa isang event noong lunes. Sa isang maiksing panayam kay James Reid ng piling mga press people nagpahayag pa siya ng pagsuporta kay Liza Soberano sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikula nito sa Hollywood.


Nauna rito, mapapanood ang aktres na si Liza Soberano sa isang travel vlog na pimagatang Liza in Korea na inupload sa YT channel ng aktres.


Nilinaw naman ni Liza Soberano na pansamantalang nahinto ang Hollywood career ni Liza Soberano dahil sa nangyayaring artist strike doon.




Kim Chiu Kaagad Na Bumyahe Pa-Hongkong Mula L.A

Walang komento


  Kaagad na sumunod sa Hongkong ang actress-host na si Kim Chiu upang makisaya sa It's Showtime family na nauna na roon.


Marami sa mga madlang pipol ang naunang nagtaka kung bakit hindi nakasama si Kim Chiu sa bakasyon ng mga host sa Hongkong.


Subalit ngayong araw makikitang bumyahe si Kim Chiu mula sa LA, tila susunod ang Chinita Princess sa kanyang mga kasamahang host sa Hongkong.


Kaagad namang natuwa ang mga madlang pipol lalong lalo na ang mga fans ni Kim Chiu sa kanyang pagsunod sa Hongkong at talagang hindi umano nito ipinagpapaliban ang bonding nila habang suspended pa ang kanilang show.


Samantala, sa ibinahaging picture ni Vhong Navarro makikitang kasama na nila si Kim Chiu sa kanilang pagmamasyal doon.


Inaasahan ngayon ng mga madlang pipol na lalo pang sasaya ang bakasyon ng It's Showtime family sa pagdating doon ni Kim Chiu.


Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung hanggang kailan mananatili sa Hongkong ang mga ito.


Nagkaroon ng mahaba-habang bakasyon ang It's Showtime family dahil sa pagkakasuspende sa kanila ng MTRCB sa loob ng 12-airing days.




Boss Toyo Binunyag Kung Saan Gagamitin Ni Abegail Rait Ang Pinagbentahan Ng Jersey Ni Francis M

Walang komento


 Hindi mapigilan ng ilang mga netizens na mapatanong kung bakit kinailangang ibenta nina Abegail Rait ang iniwang jersey sa kanila ni Francis M.


May mga naghinalang ang pagpasok ni Gaile Francesca ang totoong pakay nina Abegail kaya nagawa nitong aminin sa lahat ang dating affair nila ng Master Rapper.


Sa kabilang banda, inamin ng social media personality na si Boss Toyo na nakipag-ugnayan muna siya sa asawa ni Francis M na si Pia Magalona bago tuluyang inupload ang interview niya kay Abegail Rait.


Kung saan inamin ni Abegail ang naging affair nila ni Francis M bago ito pumanaw.


Sa kamakailang panayam kay Boss Toyo isiniwalat niya ang kwento sa likod ng paglapit ng mag-ina na sina Abegail Rait at Gaile  Francesca sa kanyang online vlog na Pinoy Pawnstar.


"Nagpa-schedule 'yung isang cousin.. na they will bring up something na magugustuhan ko. So sabi ko, 'sige. Go schedule natin. Binigyan namin ng schedule. Nung pumunta na sila ng friday, I was expecting na Francis Magalona item lang. I wasn't aware na mayroon story na ganoon," pahayag ni Boss Toyo.


Totoo umanong nagulat si Boss Toyo na may ganoong uri ng kwento pala sa likod ng mga gamit ni Francis M na ibebenta sa kanya.


Sa katunayan kinilabutan siya sa naririnig niyang kwento. Matapos umano ang pag-uusap nila ni Abegail kaagad siyang nagresearch online kung may naging isyu na ba noon ang naturang rapper.


"Right after the video tsaka lang ako nag-research sa Google. Tiningnan ko sa YT kung may tsismis, wala e."


Nagsalawang isip umano si Boss Toyo kung sa pag-uupload ng video subalit, hindi niya alam kung pano mababawi ang pera kung walang video na magpapatunay na kay Francis M ang jersey.


Naibahagi rin niya na kaya lumapit sa kanila si Abegail upang ibenta ang memorabilia ni Francis M ay para sa pangangailangan ng anak nila ng yumao.


Hindi na umano gaanong inalam ni Boss Toyo ang kwento nina Abegail at Francis M noon, para respetuhin ang totoong pamilya ni Francis at nagpokus na lamang kay Francesca.


Aniya, hindi umano maipagkakailang anak ito ni Francis M dahil kahawig ito ng yumaong rapper.


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na talagang fan ni Francis Magalona si Boss Toyo, noon pa man ay bumibili na siya ng mga memorabilia nito.




Vice Ganda Nireveal Ang Girlfriend Ni Ryan Bang Sa Kanilang Bakasyon Sa Hongkong!

Walang komento


 Isinama ni Ryan Bang ang kanyang nobya sa pagbabakasyon ng It's Showtime family sa bansang Japan.


Makikita sa mga ibinahaging videos ng mga It's Showtime host na masaya sila na kasama nila ang nobya ni Ryan Bang kahit hindi naman ito host ng It's Showtime.


Masaya ang mga It's Showtime host na sa wakas ay nakilala na nila sa personal ang nobya ni Ryan na nauna nang isiniwalat ni Ryan Bang live sa kanilang show.


Gayunpaman, hindi nila pinangalanan kung sino ang nobya ni Ryan Bang para na rin siguro sa privacy nito lalo pa't hindi naman ito nagtatrabaho sa showbiz.


Sa  ngayon ay masayang nagbabakasyon ang mga It's Showtime host dahil na rin sa pagkakasuspinde sa kanila ng MTRCB sa loob ng 12 days.


Matatandaan na noon pa man ay nagpahiwatig na si Vice Ganda kung ano ang kanilang gagawin sakaling matuloy ang ipinataw na parusa ng MTRCB sa kanilang show.


Sa kabila ng kanilang pagkakasuspinde naniniwala ang It's Showtime at ang ABC-CBN na walang mali sa ginawang pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng cake icing.




Boss Toyo, Pinaalam si Pia Magalona sa Pagpunta ni Abegail Sa Kanyang Vlog

Walang komento

Miyerkules, Oktubre 18, 2023


 Sa isang panayam nina Julius Babao at Tintin kay Boss Toy, nilinaw ng vlogger na para sa kanya wala namang mali sa pag-uupload niya ng video hinggil sa pag-amin ni Abegail sa naging relasyon nila ni Francis M.


Kamakailan lamang ay ginulat ni Boss Toyo ang mga netizens ng ilabas niya ang episode ng Pinoy Pawnstar kung saan tampok si Abegail Rait na umaming karelasyon noon ni Francis Magalona.


Kasama pa  nito ang ipinakilala niyang anak nila ni Francis na si Gaile Francesca Magalona.


Agad itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens. Magkahalong negatibo at positibo. Hindi naman naiwasang may mga netizens na kumukwestiyon kay Boss Toyo at kung bakit niya inupload ang ganitong uri ng content.


Kaya naman sa isang panayam, nilinaw ni Boss Toyo na una palang ay alam na ni Abegail na iuupload niya ang kanilang pagpunta.


Kaya naman para kay Boss Toyo ay walang problema para kay Abegail ang pagkalat ng video at pagti-trending nito sa social media.


Sa kabilang banda, isiniwalat din ni Boss Toyo na bago niya inupload ang video ng pagsisiwalat ni Abegail ay nagpadala siya ng mensahe sa asawa ni Francis M na si Pia, hinggil sa pagkikita at napag-usapan nila ni Abegail.


Makalipas ang ilang araw ay hindi naman umano siya nakatanggap ng sagot mula kay Pia Magalona kaya tuluyan na niyang inupload ang video.


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Francis M tila ba hindi sila nagpapaapekto sa isiniwalat ni Abegail Rait.




Gaile Francesca M. Kinanta Ang Kaleidoscope World Bilang Tribute Francis M

Walang komento


 Nag-viral sa social media ang performance ni Gail Francheska matapos niyang iperform ang kantang ‘Kaleidoscope World’ ng kanyang ama na si Francis Magalona bilang tribute niya sa 14th death anniversary nito.


Bago ang kanyang pagperform kasama ng kanyang banda, ipinakilala muna niya ang kanyang sarili bilang youngest daughter ni Francis Magalona.


“Hi, everyone; I’m Francesca M. I am the youngest daughter of Francis Magalona; I am 14 years old, and that means it is also the 14th death anniversary of my father. So, for a special tribute, I will be singing one of his popular songs, Kaleidoscope World.”


Ang performance na ito ni Francesca ay kuha ilang buwan bago ang paglalantad nilang mag-ina sa kanilang kwento sa vlog ni Boss Toyo.


Sa kabilang banda naging hati ngayon ang opinyon ng mga netizens sa paglalantad ni Abegail dahil sa pag-amin niyang nais pumasok sa showbiz si Francesca.


Marami sa mga netizens ang naghinalang ginagamit lamang umano ng mga ito ang pangalan ni Francis Magalona para mapag-usapan at makilala kaagad si Francesca.


Sa kabila nito, may mga nagsasabi naman na tama lang ang kanilang ginawa dahil karapatan din naman ng bata na makilala bilang anak ni Francis Magalona.



Frank Magalona Binweltahan Ang Babae, Anak Sa Labas Ng Kanyang Tatay Na Si Francis Magalona!

Walang komento


 Tila hindi na napigilan ng isa sa mga anak nina Kiko at Pia na si Frank Magalona na magreact sa kamakailang rebelasyon nina Abegail Rait at nagpakilalang bunsong anak ni Francis Magalona na si Gaile Francesca sa kamakailang episode ng Pinoy Pawnstar.


Matapos ang mahabang panahon nang pananahimik ibinunyag ni Abegail ang naging relasyon nila noon ni Francis Magalona at ang bunga ng kanilang pagmamahalan ay si Gaile Francesca.


Isiniwalat pa ni Abegail na mismong si Francis ang nagpangalan sa kanilang anak na kinuha mula sa pareho nilang pangalan.


Sa kabilang banda, napansin naman ng mga netizens ang paglike ni Frank Magalona sa isang Twitter post patungkol sa pagiging home wrecker ni Abegail.


Tila pinapalambas umano nito, na kasalanan at utang na loob pa ng totoong pamilya ni Francis Magalona ang pananahimik nito sa loob ng fifteen years. Gayung isa lamang itong kabit ni Francis Magalona.


"I find it weird watching the video og Pinoy Pawnstar where a homewrecker revealed his affair with Francis M, saying '15 years akong nanahimik' Of course you will. You're a mistress. Duh"


Bagama't hindi pa opisyal na naglalabas ng mga opisyal na pahayag ang Magalona Family, may mga ibinabahagi naman silang mga cryotic post sa social media.


Sa ngayon tanging si Frank pa lamang ang hayagang naglike sa isang post patungkol sa pagsisiwalat ni Abegail Rait.






Tunay Na Pagkatao Ni Gaile Francesca Rait Nagpakilalang Anak Ni Francis Magalona

Walang komento


 Ipinakilala na nitong nakaraang araw ang sinasabing bunsong anak ng Master Rapper na si Francis Magalona sa isang dating flight attendant na nagpakilala namang si Abegail Rait.


Matapos ang isa at kalahating dekada, lumantad si Abegail dala ang pasabog na nagkarelasyon sila noon ni Francis M at nabiyayaan ng isang supling.


Alam naman umano ni Abegail na mababash siya dahil sa kanyang paglalantad subalit, ginagawa umano niya ito para sa kanyang anak.


Isiniwalat pa ni Abegail na marami silang plano noon ni Francis subalit gumuho ang lahat ng madiagnose ang huli na may sakit na kanser.


Samantala, marami naman ang nagsasabi na parang may katuturan naman ang isiniwalat ng mag-ina dahil kumalat na noon ang mga larawan nila ni Francis M.


Bukod dito makikita rin umano ang hawig ni Gaile sa iba pang mga anak ni Francis Magalona. Nagtataglay din ito ng talent na tila minana naman nito sa kinikilalang ama.


Sa ngayon ay kumakalat na rin sa social media ang mga gig performances ni Gaile Francesca kung saan kinakanta niya ang mga hit songs ni Francis M.


Samantala, makikita sa isang certificate na mula sa paaralan ni Francesca, makikitang hindi naman niya ginagamit ang apilyidong Magalona. Rait, na apilyido ng ina ang kanyang ginagamit.


Makikita naman sa kanyang social media na wala naman siyang inupload na larawan ni Francis Magalona. Sa kanyang mga gig performances, gamit niya ang pangalang Francesca M.


Nakasama si Francesca sa isang gig ng Tsokolateyy Production noong March 18, para sa kanilang 4th Anniversary.




Dahilan Ng Paglantad Ni Abegail Rait kay Gail Francesca Na Anak Ni Francis M

Walang komento


 Marami sa mga fans ng Master Rapper ang napapatanong kung bakit ngayon lamang isiniwalat ni Abegail Rait ang pagkakaroon nila ng anak ni Francis Magalona matapos ang 15 years.


May mga naghinala na binabalak umano ng mag-ina na pasukin ni Gaile Franceska ang mundo ng showbiz.


Hindi umano maipagkakailang pagpasok sa entertainment industry ng nagpakilalang anak ni Francis M ang pangunahing dahilan kung bakit lumantad sila makalipas ng 15 years.


Si Francis Magalona ay kilala sa entertainment industry dahil sa kanyang galing sa pagpeperform. Tinagurian din ito bilang Master Rapper ng Pilipinas dahil sa kanyang galing sa pagra-rap.


Naging Dabarkads din noon si Francis Magalona bago bawian ng buhay dahil sa sakit na kanser noong March 6, 2009.


Naging usap-usapan na noon ang naging relasyon nina Francis Magalona at Abegail Rait ilang buwan matapos ang pagpanaw ng Master Rapper dahil sa pagkalat ng kanilang mga sweet photos sa social media.


Kusa namang natahimik ang isyung ito matapos maglabas ng pakiusap ang mga celebrities na nagmamalasakit sa naiwang pamilya ni Francis Magalona.


Makalipas ang mahigit isang dekada, muling lumantad si Abegail kasama si Gaile na ipinakilala niyang anak nila ni Francis Magalona.


Kasunod ng paglalantad nila, kumakalat naman ngayon ang mga videos ni Gaile habang kinakanta ang mga hit songs ni Francis Magalona.


Patunay na talagang nananalaytay kay Gaile ang dugo ng Master Rapper ng Pilipinas na si Francis Magalona.


Talagang pinaghahandaan na ni Gaile ang pagpasok niya sa showbiz dahil dumadalo na siya sa mga workshops. Sa katunayan, nakahanap na umano sina Abegail ng hahawak na manager sa showbiz career ni Gaile.


Tila naging daan ang pagkakadawit sa pangalan ni Francis Magalona upang mas mapag-usapan ngayon si Gaile Francesca.


Gayunpaman, marami pa ring pagdadaanan si Gaile bago maging matagumpay sa larangan ng showbiz katulad ng tinuturong ama niya.




It's Showtime May Panibagong Pagsubok Hindi Na Mapapanood Sa A2Z

Walang komento


 Namimiss na ngayon ng mga madlang pipol ang noontime na It's Showtime na hindi muna mapapanood dahil nakasuspinde sila sa loob ng labin dalawang araw.


Sa pagbabalik nila sa darating na October 28, inaabangan ang Grand Finals ng Mini Ms. U at ang nalalapit na pagsisimula ng Magpasikat 2023 na magiging hudyat para sa nalalapit nilang 14th anniversary.


Samantala sa Instagram live ng isa sa mga host ng It's Showtime na si Teddy Corpuz isiniwalat niyang pupuntang Hongkong ang ilang It's Showtime family para makapagbakasyon at magmumuni-muni.


Sa kabilang banda, tila may nagbabantang pagsubok na naman para sa It's Showtime sa kanilang pagbabalik.


Inanunsyo na kasi ang pagkakaroon ng panibagong tahanan ng Philippine Basketball Association. Pormal nang ipinahayag ng TV5 President Guido Zaballero na mapapanood na ang mga laro sa Play for Play League sa A2Z dahil sa kasunduan ng kampo ng Kapatid network, Cignal, ABS-CBN at ng ZOE Broadcasting Network.


Ang It's Showtime ay isa sa mga maapektuhan na show ng partnership na ito. Gayunpaman, tila hindi naman ito magiging problema dahil sumang-ayon naman rito ang ABS-CBN.




Baron Geisler Binantaan Sa Pagpunta sa ABS-CBN's Ball

Walang komento


 Aminado ang aktor na si Baron Geisler na labis siyang natuwa ng makatanggap ng imbistasyon para dumalo sa nagdaang ABS-CBN's Ball 2023.


Ipinahayag din ni Baron Geisler na hindi talaga niya in-expect na mabibigyan siya ng imbitasyon sa nagbabalik na ABS-CBN's Ball dahil ilang taon din siyang hindi nakadalo rito dahil sa pagkakaban sa kanya.


Sa kabila nito, ipinahayag naman ni Baron Geisler na hindi naman niya masisisi ang mga big bosses ng ABS-CBN sa pagbaban sa kanya.


Kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa Dreamscape at sa ABS-CBN dahil pinayagan na siyang makadalo sa ball.


Sa kabilang banda, isiniwalat naman ni Baron Geisler na pabiro pa siyang binantaan ni Derek Andoy na talagang sasapukin siya kapag nakita siyang uminom kahit isang shot lang ng alak.


Hindi naman umano ito minasama ni Baron Geisler bagkus tiningnan niya ito in a positive way, bilang pagbibigay suporta sa kanyang recovery.




Kris Aquino, Mark Leviste Nagkabalikan

Walang komento

 

Nagbubunyi ngayon ang mga fans ni Kris Aquino at Mark Leviste dahil tila nagbunga ang pagiging consistent ng huli sa panunuyo kay Kris Aquino.


Nagbunga ang consistent na pagpapakita ng genuine na pagmamahal at pag-aalala kay Kris Aquino ni Vice Gov. Mark Leviste.


Sa mga nangyayari ngayon, maaaring magtuloy-tuloy na ang naitigil na relasyon noon ni Mark at Kris.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Kris Aquino ang isang reunion video nila ni Kim Chiu. Kung saan ipinahayag niya na isa sa naging daan sa naging reunion nila ni Kris ay si Mark Leviste.


Pagbabahagi ni Kris Aquino, "All I can say is i love you, i super appreciate your effort to visit, and even if it was a gloomy day, you were the much needed reminder that after all the storms, we can look forward to a RAINBOW i’ve missed you, as in SUPER."


Tila naibsan din umano kahit papaano ang sakit na naramdaman ni Kris na dulot ng kanyang mga injection dahil sa saya na naramdaman niya sa pagkikita nila ni Kim na tinatawag niyang panganay.


"50% less yung sakit nung biological injectable ko at 1 PM after seeing you, please visit again & often? Diba may bedroom ka na? Thank you for until now (16 years & counting) genuinely caring for & trusting me; super sad your ka-birthday because he arrived 10 mins after you left."


Nagbigay naman ng hint si Kris Aquino na tila nagkaayos na sila ni Mark Leviste sa tulong ng kanyang bunsong anak na si Bimby. Ibinahagi din ni Kris na ang kinontak ng ate ni Kim Chiu para magkita sila ay walang iba kundi si Mark Leviste.


"Videographer & the person kimmy’s ate contacted to coordinate was vice gov @markleviste- we’ve both learned from our mistakes…with God’s help sana tuloy tuloy na yung harmonious and supportive relationship namin. Thank you bimb for helping us realize all the things we needed to repair in order to strengthen our commitment."



Vic Sotto Nagsalita Na Patungkol Sa Anak Sa Labas Ni Francis Magalona

Walang komento


 Trending pa rin ngayon sa social media ang paglantad ng dating karelasyon ni Francis Magalona na isang dating flight attendant na nagpakilalang si Abegail Rait.


Ibinahagi ni Abegail ang naging nakaraan nila ni Francis mula ng unang pagkakilala nila hanggang sa magkaroon na sila ng anak.


Isiniwalat pa ni Abegail na si Francis M. ang nagpangalan sa anak nila na kinuha mula sa kombinasyon ng kanilang mga pangalan.


Sa kabilang banda, marami ang nagsasabi na may katotohanan ang ipinahayag ni Abegail dahil may hawig naman kay Francis ang dalagita at may talento na katulad ng ama.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, kabilang sa mga nakakaalam sa tagong relasyon noon nina Francis M at Abegail ay ang TVJ.


Matatandaan na naging bahagi bilang co-host noon ng Eat Bulaga si Francis kung saan nagkakilala sila ni Abegail.


Inamin umano ni Francis Magalona sa TVJ noon na may babae siyang naanakan at balang araw ay magpapakilala rin sa publiko.


Pahayag ng source, "Noong 2007 madalas na naming nakikita si Francis Magalona sa airport sakay ang private van na pagmamay-ari ni Vic Sotto. Kapag sila may event sa probinsya, madalas na nagpapaiwan si Francis M. at ang mga kaibigan niya kabilang na si Vic Sotto ay umuuwi na agad pagkagaling sa airport.


"Sabi sa mga nakakita kay Francis M may kinikita ito sa airport na isang babae."


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na baka ang tanging alam lamang ni Vic Sotto ay ang pagkakaroon ng ibang babae ni Francis Magalona, hindi ang pagkakakilanlan ng babae.




Joey De Leon Nagsalita Na Tungkol Sa Pagkakaroon Ng Anak Sa Labas Ni Francis M!

Walang komento


 Matapos ang pagsisiwalat ng isang dating flight attendant na si Abegail Rait sa naging relasyon nila noon ni Francis Magalona, binalikan ng mga netizens ang naging pahayag noon ni Joey De Leon patungkol sa huling hinabilin sa kanya si Francis M.


Tuluyan na ngang tinuldukan ni Abegail Rait ang matagal nang hakahaka patungkol sa pagkakaroon noon ng kerida ni Francis Magalona.


Matatandaan na kumalat noon nang pumanaw si Francis M. ang mga larawan nila ni Abegail Rait. Hindi ito nabigyan ng linaw noon hanggang sa tila malimutan na lamang ng mga tao.


“For 15 years nanahimik ako, I didn’t say anything about me and my daughter. Siguro naman ito na lang ‘yung karapatan na pwede kong magawa para sa kanya,” pahayag ni Abegail.


Iginiit pa ni Abegail na kahit husgahan siya ng mga tao, totoo ang kanyang sinabi at nag-eexist sila sa naging buhay noon ni Francis Magalona.


“Kasi hindi naman ako nagsalita. I know people will judge me, but we exist. What we have is real… Mahal niya kami, and that’s a fact.” 


Agad namang binalikan ng mga netizens ang naging pahayag noon ni Joey De Leon sa kasagsagan ng isyu ng pagkakaroon ng kerida ni Francis M.


Ayon kay Joey De Leon, nakatanggap umano siya noon ng mensahe mula kay Francis M. bago ito pumanaw at may hinabilin umano sa kanya.


Hindi na ito idenitalye ni Joey De Leon dahil maituturing na dying wish na ito ng rapper.


“One thing na puwede kong ibigay na clue, dying wish ’yon. Hintayin lang muna nating humupa ang sitwasyon, sasabihin ko rin kung ano ’yung text message niya sa akin.’’




Pia Magalona Matagal Nang Alam Ang Tungkol Kina Francis M, Abegail Rait

Walang komento


 Tinatawag ngayong martyr si Pia Magalona dahil matagal na umano nitong alam na may ibang pamilya ni Francis Magalona bukod sa kanila. 


Usap-usapap ngayon sa ilang mga social media platforms ang paglalantad ng dating karelasyon ng yumaong si Francis Magalona. Isiniwalat ni Abegail Rait sa blog na Pinoy Pawnstar na nagkaroon sila ng relasyon ni Franics noon.


Nabiyayaan pa umano sila ng isang anak na babae na si Francis pa mismo ang nagbigay ng pangalan, si Gaile Franchesca mula sa kombinasyon ng pangalan nila.


Ayon sa kwento ni Abegail isa siyang former flight attendant, nagsimula umano ang pagtitinginan nila ni Francis nang magkita sila sa Eat Bulaga bilang isa sa mga audience. 


Hiningi umano ni Francis ang number niya at doon na umano nagsimula ang kanilang komunikasyon hanggang sa nagkaroon ng relasyon. Buntis na umano si Abegail nang malaman niyang may dinaramdam si Fracis.


Inalagaan naman umano niya si Francis sa tuwing ito ay nasa kanilang bahay sa Cavite at kailangann magpahinga.


May mga rumors na noon na nagkakalabuan na ang mag-asawang sina Francis at Pia,  at marahil ang pinakadahilan nito ay nang malaman ni Pia na may ibang babae si Francis. 


Subalit na diagnose ang sakit ni Franics, kaya naman naging matatag si Pia, at inalagaan ang asawa hanggang sa huling sandali. 


Noong pumanaw si Francis Magalona, lumutang ang mga balita sa existence ni Abegail. Meron ding mga kumakalat na pictures na kuha sa mismong binyag ni Gaile Franchesca. 


May isang kopya ng invitation card kung saan mababasa sa information na ang mga magulang ng bata ay sina Francis at Abegail. 


Sa kabilang banda,isang martr na asawa naman ang tingin ngayon ng mga netizens kay Pia Magalona, sobrang mapagparaya umano ito dahil mas inisip niya ang kapakanan ni Francis sa panahon na labis na siya nitong kailangan.




Ang Tunay Na Nangyari Sa Relasyon Ni Francis Magalona at Ex-Lover Abegail Rait

Walang komento

Martes, Oktubre 17, 2023


 Ibinunyag ng dating flight attendant na nagpakilalang si Abegail Rait ang naging relasyon nila ng Philippines King of Rap Francis Magalona.


Isiniwalat ni Abegail Rait na nagkaroon sila ng romantic relationship ni Francis Magalona at nabiyayaan pa sila ng isang anak bago ito pumanaw noong 2009.


Sa isang episode ng Pinoy Pawnstar, tampok ang mag-inang Abegail Rait at Gail Francheska Magalona. Dito lumapit si Abegail upang ibenta ang jersey at ilang memorabelia ni Francis Magalona.


Dito nagkaroon ng pagkakataon si Abegail na isiwalat sa publiko ang existence nilang mag-iina na nanahimik lamang sa loob ng 15 years.


Naging tahimik lamang umano sila dahil sa pamilya ng yumao subalit naisipan umano ni Abegail na lumantad para sa kanyang anak at sa karapatan nitong kilalanin bilang anak ng isang Francis Magalona.


 Ayon kay Abegail una silang nagkakilala ni Francis M. sa Eat Bulaga kung saan kinuha nito ang kanyang number.


"Nakita niyo naman sa letter na may 'I love you so much', meaning to say may relationship," pahayag ni Abegail.


Hanggang sa madiagnose na umano itong may kansr ay magkarelasyon na sila. Si Francis pa umano ang nagbigay ng pangalan sa kanilang anak.


"Sobrang gumuho talaga 'yung mundo ko nung time na yon kasi okay kami, andami naming plano tapos bigla siyang nagkasakit."


Dagdag pang pagbabahagi ni Abegail, "Ang pinakamahirap na part is 'yung situation ko. Hindi ka pwedeng lumabas, ayoko namang dagdagan pa kasi may sakit na."


Bagama't alam naman umano niyang mababash sila ng mga tao, nais lamang ipaalam ni Abegail na nag-eexist silang mag-iina. Iginiit din niya totoo ang naging pagmamahalan nila noon ni Francis Magalona.




Luis Manzano Nagpasaring Kay Lala Sotto?

Walang komento


 Nagpahayag ng tila isang pasaring si Luis Manzano laban kay Lala Sotto matapos nitong sawayin ang kanyang mga kasamahan sa show patungkol sa mga biro nito.


Ayon kay Luis Manzano, "11 days na nga lang baka mabawasan pa, depende sa mga joke ninyo."


Sa isang segment ng It's Your Lucky Day, naghanap ang mga host sa audience ng mga maaring magbigay ng jokes. Pinaalalahanan naman ni Luis ang mga ito na mag-ingat sa bibitawang mga jokes at baka masuspinde pa sila gayung ilang araw lang naman ang kanilang show.


Sinang-ayunan naman ito ni Robi Domingo kung saan ipinahayag niyang ayaw rin niyang masuspinde ang kanilang show.


Bagama't pagbibiro lamang ito, may ilan na nagsasabing makahulugan ito dahil sa pagkakasuspinde ng It's Showtime dahil sa pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng cake icing.


Ang It's Your Lucky Day ang pansamantalang papalit sa It's Showtime habang nakasuspinde ito ng 12 days.


Sa kabilang banda, marami ang nanawagan sa pamunuan ng ABS-CBN na gawing regular variety show ang It's Your Lucky Day at gawin na lamang itong kaback-to-back shoe ng It's Showtime.




Kaso Nina Vice Ganda at Ion Tuluyan Nang Binasura!

Walang komento


 Nagkaroon na ng first hearing nitong October 16, 2023 ang kasong isinampa ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas Incorporated laban sa celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez.


Naganap ang unang hearing para sa kaso nina Vice Ganda at Ion Perez sa Quezon City Prosecutor's Office.


Sa isang Facebook post, ibinahagi nila na nagsubmit na sina Ion Perez at Vice Ganda ng kanilang kuntra-salaysay sa kasong kinakaharap nila ngayon.


Matatandaan na noong September 11, sinampahan ng KSMBPI ng kasong paglabag sina Vice Ganda at Ion Perez, kaugnay ng kanilang pagkain ng cake icing sa isang episode ng It's Showtime.


Para sa nasabing grupo, may nilabag sina Vice Ganda at Ion Perez sa paraan ng pagsubo nila ng cake icing sa harap ng mga guest nilang mga bata.


Ibinahagi rin ng SMNI News ang larawan ng joint affidavit nina Vice Ganda at Ion Perez kung saan mababasa ang kanilang paliwanag sa nangyaring insidente sa It's Showtime.


Nakasaad din dito ang kanilang kahilingan na idismiss na ang kaso laban sa kanila.


Sa kabilang banda, nagbigay ng pahayag ang isang psychologist hinggil sa nasabing insidente sa It's Showtime.


Ayon sa pag-oobserba ng psychologist na si Dra. Camille C. Garcia, CEO-Administrator of the Clinic of the Holy Spirit, hindi umano mabibigyan ng anumang malisya ng mga bata ang ginawang pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez sa segment na Isip-Bata.


Iginiit pa ni Dra. Garcia, na hindi naman siya nakatanggap ng anumang reklamo sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez mula sa mga batang nakasama sa show.


Maging ang mga magulang ng mga batang kasama nina Vice at Ion sa show ay hindi rin naman nagreklamo at patuloy paring sinusuportahan ang show.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo