Dahilan Ng Pambababae Ni Francis M Kahit Kasal Pa Sa Misis Nyang Si Pia Magalona Ibinunyag Na

Biyernes, Oktubre 20, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng isang netizen na hindi umano lingid sa kaalaman ng legal na pamilya ni Francis Magalona ang pagkakaroon ng relasyon nina Abegail Rait at ng master rapper.


Sa isang tweet, sinabi ng netizen na si Megs na may lumabas nooong blind item patungkol Francis noong nabubuhay pa ito dahil sa umano'y relasyon nila ni Abegail.


“Alam ng family ni Francis M. They were separated na when it happened. Pia had a rumored bf na that time. Manager lng ni Francis M si Pia kaya may prinoprotek kuno na image at marami ads kaya ingat sila. magsitigil kayo nasa music video pa ni gloc9 yung babae,” pagsisiwalat nito.


May mga netizens naman na nagsasabing lumabas nga noon ang mga usap-usapan na umano'y plano maghiwalay noon nina Pia at Francis M. Subalit hindi umano ito natuloy dahil sa pagkaka-diagnose kay Francis na mayroong Leukemia.


Muling naungkat ang mga isyung ito nang isiwalat ni Abegail Rait ang naging relasyon nila noon ni Francis Magalona kung saan nabiyayaan sila ng isang anak.


Si Francis Magalona pa umano mismo ang nagbigay ng pangalan rito na mula sa kanilang mga pangalan, Gaile Francesca.


Naisiwalat pa ni Abegail na may mga plano silang hindi natupad dahil sa pagkakasakit nito at maagang pagpanaw.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo