Ricci Rivero, napikon sa mga kritiko nila ni Leren Bautista

Biyernes, Oktubre 20, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi nasisiyahan ang basketball player na si Ricci Rivero sa mga pambabatikos na natanggap niya tungkol sa umano'y relasyon nila ni Los BaƱos councilor Leren Bautista.


Matatandaang ilang beses nang nakitang magkasama sina Ricci at Leren, at kamakailan lamang ay spotted silang nanood sa laban ng University Athletic Association of the Philippines sa pagitan ng University of the Philippines at Dela Salle University noong October 18.


Agad na binatikos ang dalawa dahil sa pagdi-date nila ngayon ilang buwan matapos ang hiwalayan nina Ricci at Andrea Brillantes.


Tila hindi naman na nakapagtimpi si Ricci Rivero at hayagan nang pinatulan ang mga bashers.


Sa naging post nito sa kanyang social media account ipinahayag ni Ricci na dapat sana ay alamin ng mga bashers ang totoong kwento.


“Akala mo kung mag salita ka alam mo yung story ah haha bida bida.”


“Wala pumapansin sayo sa bahay kaya dito ka hahanap ng papansin? Lol as bida bida.”


“Alamin niyo muna ‘yung totoong nangyari hindi ‘yung dami niyo sinasabi dahil toxic lang kayo.”


Noon pa man ay binatikos na si Ricci Rivero at tinatawag na cheater ng mga fans ni Andrea Brillantes lalo pa't nahuli umano ito ng aktres na may kasamang babae sa loob ng condo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo