Baron Geisler Binantaan Sa Pagpunta sa ABS-CBN's Ball

Miyerkules, Oktubre 18, 2023

/ by Lovely


 Aminado ang aktor na si Baron Geisler na labis siyang natuwa ng makatanggap ng imbistasyon para dumalo sa nagdaang ABS-CBN's Ball 2023.


Ipinahayag din ni Baron Geisler na hindi talaga niya in-expect na mabibigyan siya ng imbitasyon sa nagbabalik na ABS-CBN's Ball dahil ilang taon din siyang hindi nakadalo rito dahil sa pagkakaban sa kanya.


Sa kabila nito, ipinahayag naman ni Baron Geisler na hindi naman niya masisisi ang mga big bosses ng ABS-CBN sa pagbaban sa kanya.


Kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa Dreamscape at sa ABS-CBN dahil pinayagan na siyang makadalo sa ball.


Sa kabilang banda, isiniwalat naman ni Baron Geisler na pabiro pa siyang binantaan ni Derek Andoy na talagang sasapukin siya kapag nakita siyang uminom kahit isang shot lang ng alak.


Hindi naman umano ito minasama ni Baron Geisler bagkus tiningnan niya ito in a positive way, bilang pagbibigay suporta sa kanyang recovery.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo