Boss Toyo, Pinaalam si Pia Magalona sa Pagpunta ni Abegail Sa Kanyang Vlog

Miyerkules, Oktubre 18, 2023

/ by Lovely


 Sa isang panayam nina Julius Babao at Tintin kay Boss Toy, nilinaw ng vlogger na para sa kanya wala namang mali sa pag-uupload niya ng video hinggil sa pag-amin ni Abegail sa naging relasyon nila ni Francis M.


Kamakailan lamang ay ginulat ni Boss Toyo ang mga netizens ng ilabas niya ang episode ng Pinoy Pawnstar kung saan tampok si Abegail Rait na umaming karelasyon noon ni Francis Magalona.


Kasama pa  nito ang ipinakilala niyang anak nila ni Francis na si Gaile Francesca Magalona.


Agad itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens. Magkahalong negatibo at positibo. Hindi naman naiwasang may mga netizens na kumukwestiyon kay Boss Toyo at kung bakit niya inupload ang ganitong uri ng content.


Kaya naman sa isang panayam, nilinaw ni Boss Toyo na una palang ay alam na ni Abegail na iuupload niya ang kanilang pagpunta.


Kaya naman para kay Boss Toyo ay walang problema para kay Abegail ang pagkalat ng video at pagti-trending nito sa social media.


Sa kabilang banda, isiniwalat din ni Boss Toyo na bago niya inupload ang video ng pagsisiwalat ni Abegail ay nagpadala siya ng mensahe sa asawa ni Francis M na si Pia, hinggil sa pagkikita at napag-usapan nila ni Abegail.


Makalipas ang ilang araw ay hindi naman umano siya nakatanggap ng sagot mula kay Pia Magalona kaya tuluyan na niyang inupload ang video.


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Francis M tila ba hindi sila nagpapaapekto sa isiniwalat ni Abegail Rait.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo