Liza Soberano Kumalas Na Sa Management Ni James Reid

Biyernes, Oktubre 20, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang umano'y pagkalas ng aktres na si Liza Soberano sa management agency ni James Reid.


Kasunod ito sa balitang ipapalabas na sa susunod na taon ang kinabibilangang Hollywood movie ni Liza Soberano ang Lisa Frankenstein.


Sa isang episode ng Marites University, nabanggit ni DJ Jaihoo ang naibahagi sa kanya ng isang source na umanoy ang tiyahin na ni Liza ngayon ang nagmamanage sa showbiz career ng aktres.


"Ayon sa aking very relialable source, ang chika nga raw po ay wala na nga raw po itong si Liza Soberano under the management of Careless."


Ipinahayag din umano ni Liza Soberano na hindi na muna siya gagawa ng mga local projects.


Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula sa kampo ni Liza Soberano hinggil sa balitang ito.


Sa katunayan, namataan pa ang dalawa na dumalo sa isang event noong lunes. Sa isang maiksing panayam kay James Reid ng piling mga press people nagpahayag pa siya ng pagsuporta kay Liza Soberano sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikula nito sa Hollywood.


Nauna rito, mapapanood ang aktres na si Liza Soberano sa isang travel vlog na pimagatang Liza in Korea na inupload sa YT channel ng aktres.


Nilinaw naman ni Liza Soberano na pansamantalang nahinto ang Hollywood career ni Liza Soberano dahil sa nangyayaring artist strike doon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo