Joey De Leon Nagsalita Na Tungkol Sa Pagkakaroon Ng Anak Sa Labas Ni Francis M!

Miyerkules, Oktubre 18, 2023

/ by Lovely


 Matapos ang pagsisiwalat ng isang dating flight attendant na si Abegail Rait sa naging relasyon nila noon ni Francis Magalona, binalikan ng mga netizens ang naging pahayag noon ni Joey De Leon patungkol sa huling hinabilin sa kanya si Francis M.


Tuluyan na ngang tinuldukan ni Abegail Rait ang matagal nang hakahaka patungkol sa pagkakaroon noon ng kerida ni Francis Magalona.


Matatandaan na kumalat noon nang pumanaw si Francis M. ang mga larawan nila ni Abegail Rait. Hindi ito nabigyan ng linaw noon hanggang sa tila malimutan na lamang ng mga tao.


“For 15 years nanahimik ako, I didn’t say anything about me and my daughter. Siguro naman ito na lang ‘yung karapatan na pwede kong magawa para sa kanya,” pahayag ni Abegail.


Iginiit pa ni Abegail na kahit husgahan siya ng mga tao, totoo ang kanyang sinabi at nag-eexist sila sa naging buhay noon ni Francis Magalona.


“Kasi hindi naman ako nagsalita. I know people will judge me, but we exist. What we have is real… Mahal niya kami, and that’s a fact.” 


Agad namang binalikan ng mga netizens ang naging pahayag noon ni Joey De Leon sa kasagsagan ng isyu ng pagkakaroon ng kerida ni Francis M.


Ayon kay Joey De Leon, nakatanggap umano siya noon ng mensahe mula kay Francis M. bago ito pumanaw at may hinabilin umano sa kanya.


Hindi na ito idenitalye ni Joey De Leon dahil maituturing na dying wish na ito ng rapper.


“One thing na puwede kong ibigay na clue, dying wish ’yon. Hintayin lang muna nating humupa ang sitwasyon, sasabihin ko rin kung ano ’yung text message niya sa akin.’’




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo