Gaile Francesca M. Kinanta Ang Kaleidoscope World Bilang Tribute Francis M

Miyerkules, Oktubre 18, 2023

/ by Lovely


 Nag-viral sa social media ang performance ni Gail Francheska matapos niyang iperform ang kantang ‘Kaleidoscope World’ ng kanyang ama na si Francis Magalona bilang tribute niya sa 14th death anniversary nito.


Bago ang kanyang pagperform kasama ng kanyang banda, ipinakilala muna niya ang kanyang sarili bilang youngest daughter ni Francis Magalona.


“Hi, everyone; I’m Francesca M. I am the youngest daughter of Francis Magalona; I am 14 years old, and that means it is also the 14th death anniversary of my father. So, for a special tribute, I will be singing one of his popular songs, Kaleidoscope World.”


Ang performance na ito ni Francesca ay kuha ilang buwan bago ang paglalantad nilang mag-ina sa kanilang kwento sa vlog ni Boss Toyo.


Sa kabilang banda naging hati ngayon ang opinyon ng mga netizens sa paglalantad ni Abegail dahil sa pag-amin niyang nais pumasok sa showbiz si Francesca.


Marami sa mga netizens ang naghinalang ginagamit lamang umano ng mga ito ang pangalan ni Francis Magalona para mapag-usapan at makilala kaagad si Francesca.


Sa kabila nito, may mga nagsasabi naman na tama lang ang kanilang ginawa dahil karapatan din naman ng bata na makilala bilang anak ni Francis Magalona.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo