Kris Aquino, Mark Leviste Nagkabalikan

Miyerkules, Oktubre 18, 2023

/ by Lovely

 

Nagbubunyi ngayon ang mga fans ni Kris Aquino at Mark Leviste dahil tila nagbunga ang pagiging consistent ng huli sa panunuyo kay Kris Aquino.


Nagbunga ang consistent na pagpapakita ng genuine na pagmamahal at pag-aalala kay Kris Aquino ni Vice Gov. Mark Leviste.


Sa mga nangyayari ngayon, maaaring magtuloy-tuloy na ang naitigil na relasyon noon ni Mark at Kris.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Kris Aquino ang isang reunion video nila ni Kim Chiu. Kung saan ipinahayag niya na isa sa naging daan sa naging reunion nila ni Kris ay si Mark Leviste.


Pagbabahagi ni Kris Aquino, "All I can say is i love you, i super appreciate your effort to visit, and even if it was a gloomy day, you were the much needed reminder that after all the storms, we can look forward to a RAINBOW i’ve missed you, as in SUPER."


Tila naibsan din umano kahit papaano ang sakit na naramdaman ni Kris na dulot ng kanyang mga injection dahil sa saya na naramdaman niya sa pagkikita nila ni Kim na tinatawag niyang panganay.


"50% less yung sakit nung biological injectable ko at 1 PM after seeing you, please visit again & often? Diba may bedroom ka na? Thank you for until now (16 years & counting) genuinely caring for & trusting me; super sad your ka-birthday because he arrived 10 mins after you left."


Nagbigay naman ng hint si Kris Aquino na tila nagkaayos na sila ni Mark Leviste sa tulong ng kanyang bunsong anak na si Bimby. Ibinahagi din ni Kris na ang kinontak ng ate ni Kim Chiu para magkita sila ay walang iba kundi si Mark Leviste.


"Videographer & the person kimmy’s ate contacted to coordinate was vice gov @markleviste- we’ve both learned from our mistakes…with God’s help sana tuloy tuloy na yung harmonious and supportive relationship namin. Thank you bimb for helping us realize all the things we needed to repair in order to strengthen our commitment."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo