Dahilan Ng Paglantad Ni Abegail Rait kay Gail Francesca Na Anak Ni Francis M

Miyerkules, Oktubre 18, 2023

/ by Lovely


 Marami sa mga fans ng Master Rapper ang napapatanong kung bakit ngayon lamang isiniwalat ni Abegail Rait ang pagkakaroon nila ng anak ni Francis Magalona matapos ang 15 years.


May mga naghinala na binabalak umano ng mag-ina na pasukin ni Gaile Franceska ang mundo ng showbiz.


Hindi umano maipagkakailang pagpasok sa entertainment industry ng nagpakilalang anak ni Francis M ang pangunahing dahilan kung bakit lumantad sila makalipas ng 15 years.


Si Francis Magalona ay kilala sa entertainment industry dahil sa kanyang galing sa pagpeperform. Tinagurian din ito bilang Master Rapper ng Pilipinas dahil sa kanyang galing sa pagra-rap.


Naging Dabarkads din noon si Francis Magalona bago bawian ng buhay dahil sa sakit na kanser noong March 6, 2009.


Naging usap-usapan na noon ang naging relasyon nina Francis Magalona at Abegail Rait ilang buwan matapos ang pagpanaw ng Master Rapper dahil sa pagkalat ng kanilang mga sweet photos sa social media.


Kusa namang natahimik ang isyung ito matapos maglabas ng pakiusap ang mga celebrities na nagmamalasakit sa naiwang pamilya ni Francis Magalona.


Makalipas ang mahigit isang dekada, muling lumantad si Abegail kasama si Gaile na ipinakilala niyang anak nila ni Francis Magalona.


Kasunod ng paglalantad nila, kumakalat naman ngayon ang mga videos ni Gaile habang kinakanta ang mga hit songs ni Francis Magalona.


Patunay na talagang nananalaytay kay Gaile ang dugo ng Master Rapper ng Pilipinas na si Francis Magalona.


Talagang pinaghahandaan na ni Gaile ang pagpasok niya sa showbiz dahil dumadalo na siya sa mga workshops. Sa katunayan, nakahanap na umano sina Abegail ng hahawak na manager sa showbiz career ni Gaile.


Tila naging daan ang pagkakadawit sa pangalan ni Francis Magalona upang mas mapag-usapan ngayon si Gaile Francesca.


Gayunpaman, marami pa ring pagdadaanan si Gaile bago maging matagumpay sa larangan ng showbiz katulad ng tinuturong ama niya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo