Boss Toyo Binunyag Kung Saan Gagamitin Ni Abegail Rait Ang Pinagbentahan Ng Jersey Ni Francis M

Biyernes, Oktubre 20, 2023

/ by Lovely


 Hindi mapigilan ng ilang mga netizens na mapatanong kung bakit kinailangang ibenta nina Abegail Rait ang iniwang jersey sa kanila ni Francis M.


May mga naghinalang ang pagpasok ni Gaile Francesca ang totoong pakay nina Abegail kaya nagawa nitong aminin sa lahat ang dating affair nila ng Master Rapper.


Sa kabilang banda, inamin ng social media personality na si Boss Toyo na nakipag-ugnayan muna siya sa asawa ni Francis M na si Pia Magalona bago tuluyang inupload ang interview niya kay Abegail Rait.


Kung saan inamin ni Abegail ang naging affair nila ni Francis M bago ito pumanaw.


Sa kamakailang panayam kay Boss Toyo isiniwalat niya ang kwento sa likod ng paglapit ng mag-ina na sina Abegail Rait at Gaile  Francesca sa kanyang online vlog na Pinoy Pawnstar.


"Nagpa-schedule 'yung isang cousin.. na they will bring up something na magugustuhan ko. So sabi ko, 'sige. Go schedule natin. Binigyan namin ng schedule. Nung pumunta na sila ng friday, I was expecting na Francis Magalona item lang. I wasn't aware na mayroon story na ganoon," pahayag ni Boss Toyo.


Totoo umanong nagulat si Boss Toyo na may ganoong uri ng kwento pala sa likod ng mga gamit ni Francis M na ibebenta sa kanya.


Sa katunayan kinilabutan siya sa naririnig niyang kwento. Matapos umano ang pag-uusap nila ni Abegail kaagad siyang nagresearch online kung may naging isyu na ba noon ang naturang rapper.


"Right after the video tsaka lang ako nag-research sa Google. Tiningnan ko sa YT kung may tsismis, wala e."


Nagsalawang isip umano si Boss Toyo kung sa pag-uupload ng video subalit, hindi niya alam kung pano mababawi ang pera kung walang video na magpapatunay na kay Francis M ang jersey.


Naibahagi rin niya na kaya lumapit sa kanila si Abegail upang ibenta ang memorabilia ni Francis M ay para sa pangangailangan ng anak nila ng yumao.


Hindi na umano gaanong inalam ni Boss Toyo ang kwento nina Abegail at Francis M noon, para respetuhin ang totoong pamilya ni Francis at nagpokus na lamang kay Francesca.


Aniya, hindi umano maipagkakailang anak ito ni Francis M dahil kahawig ito ng yumaong rapper.


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na talagang fan ni Francis Magalona si Boss Toyo, noon pa man ay bumibili na siya ng mga memorabilia nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo