Vic Sotto Nagsalita Na Patungkol Sa Anak Sa Labas Ni Francis Magalona

Miyerkules, Oktubre 18, 2023

/ by Lovely


 Trending pa rin ngayon sa social media ang paglantad ng dating karelasyon ni Francis Magalona na isang dating flight attendant na nagpakilalang si Abegail Rait.


Ibinahagi ni Abegail ang naging nakaraan nila ni Francis mula ng unang pagkakilala nila hanggang sa magkaroon na sila ng anak.


Isiniwalat pa ni Abegail na si Francis M. ang nagpangalan sa anak nila na kinuha mula sa kombinasyon ng kanilang mga pangalan.


Sa kabilang banda, marami ang nagsasabi na may katotohanan ang ipinahayag ni Abegail dahil may hawig naman kay Francis ang dalagita at may talento na katulad ng ama.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, kabilang sa mga nakakaalam sa tagong relasyon noon nina Francis M at Abegail ay ang TVJ.


Matatandaan na naging bahagi bilang co-host noon ng Eat Bulaga si Francis kung saan nagkakilala sila ni Abegail.


Inamin umano ni Francis Magalona sa TVJ noon na may babae siyang naanakan at balang araw ay magpapakilala rin sa publiko.


Pahayag ng source, "Noong 2007 madalas na naming nakikita si Francis Magalona sa airport sakay ang private van na pagmamay-ari ni Vic Sotto. Kapag sila may event sa probinsya, madalas na nagpapaiwan si Francis M. at ang mga kaibigan niya kabilang na si Vic Sotto ay umuuwi na agad pagkagaling sa airport.


"Sabi sa mga nakakita kay Francis M may kinikita ito sa airport na isang babae."


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na baka ang tanging alam lamang ni Vic Sotto ay ang pagkakaroon ng ibang babae ni Francis Magalona, hindi ang pagkakakilanlan ng babae.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo