Jobert Sucaldito Binanta an Ni Baron Geisler Nang Malasing

Biyernes, Oktubre 20, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa social media ang isyung tatanggalin sa teleseryeng Senior High ang aktor na si Baron Geisler.


Matatandaan na sa isang episode ng showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz, isiniwalat niyang tatanggalin na umano sa Senior High si Baron Geisler dahil natatakot na umano ang mga co-stars ng actor sa tuwing nalalasing ito.


Tila hindi lamang pala ang mga co-star ni Baron Geisler sa “Senior High” ang nakaranas ng nakakatakot na pag-uugali ng aktor kapag nalalasing.


Samantala naikinuwento naman ni Cristy Fermin ang nangyari sa isang kasamahan niyang writer at kay Baron nang minsan mag-inuman ang mga ito.


Niyaya umano ni Baron si Jobert Sucaldito na mag-inuman sila, na pinaunlakan naman ng huli.


Subalit, nang tamaan na raw ng espiritu ng alak ang aktor ay nag-iba na ang ugali nito.


“Dinala siya ni Jobert sa isang bar. Inuman, inuman. Kuwentuhan, kuwentuhan. Maayos. Maayos sila. Nung tinatamaan na ng agua de pataranta itong si Baron Geisler, tinitigan niya nang matindi si Jobert. 


"Sabi niya, ‘I think I’m gonna kill someone tonight’. Kasi mayroon silang pinagdiskusyunan na isang isyu,” pagbabahagi ni Cristy Fermin.


Ipinahayag naman ni Cristy Fermin na talagang nanghihinayang siya sakaling tatanggalin sa serye si Baron Geisler dahil talagang magaling ito sa kanyang trabaho at bagay rito ang kanyang role.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo