Rosmar Tan Pumalag Sa Mga Bumatikos Sa Kanya Dahil Sa Paggaya Niya Kay Diwata Pares Overload!

Walang komento

Lunes, Abril 22, 2024


 Nagreak ang social media influencer at business woman na si Rose Marie Tan Pamulaklakin na mas kilala bilang si Rosmar sa mga netizens na bumabatikos sa kanya dahil sa umano'y panggagaya niya sa negosyo ni Deo Balbuena, a.k.a Diwata’s Overload Pares.


Marami sa mga netizens ang nakiusap kay Rosmar na huwag nang kalabanin pa ang trending na negosyo ni Diwata na 100 pares overload at hayaan na lamang na kumita ito.


Pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms si Rosmar dahil sa panggagaya niya sa negosyo ni Diwata na beef pares at 100 pares overload kung saan mayroon na itong unli sabaw, unli rice, drinking water at isang bote ng softdrinks.


Hindi ito pinalagpas ni Rosmar Tan, gumawa rin siya ng sariling 100 pares overload na may kaparehong inclusion kay Diwata, dinagdagan pa niya ito ng libreng swimming sa pagmamay-ari niyang resort.


Subalit, hindi ito umani ng mga positibong komento mula sa mga netizens dahil halatado umanong naiinggit lamang si Rosmar sa katanyagan ngayon ni Diwata kaya sinabayan na rin niya ito. May mga nagsasabi pa na sana ay pinabayaan na lamang ni Rosmar na si Diwata ang kumita dahil sobrang yaman na niya at marami na siyang mga negosyo.


Kaagad namang dinipensahan ni Rosmar Tan ang kanyang sarili laban sa mga netizens na nagsasabing makasarili siya sa kanyang ginagawa at hindi marunong lumaban ng patas.


Sa kanyang Facebook account, ibinahagi niya ang isang reaction video sa mga pambabatikos ng maraming mga netizens sa kanyang panggagaya umano sa business ni Diwata. Sa caption, iginiit ni Rosmar Tan na business is life.


May mga netizens naman na nagsasabing wala namang masama sa pagtatayo ng sariling Pares business ni Rosmar dahil kanya-kanya naman umano ng diskarte yan para makabenta. Iginiit rin ng maraming mga fans nito na noon pa man ay may mga ka-kompetensya naman na si Diwata kaya bakit pa ito maaapektuhan sa business ni Rosmar.


May mga nagsasabi pa na hindi naman pera ni Diwata ang ginamit ni Rosmar sa pagpapatayo ng sariling Paresan business.


Samantala, ang hindi nagustuhan ng maraming mga netizens ay ang palibre swimming ni Rosmar sa mga kakainin na alam naman umano ng lahat na hindi afford na gawin ni Diwata.



Toni Gonzaga Muling Binatikos Dahil Sa Vlog Sangkot Si Salome Salvi, Isang Vivamax Star

Walang komento


 Umalma ang ilang mga netizens sa kamakailang episode ng vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks, kung saan itinampok niya ang isang VivaMax star, dahil maari umano itong magdulot ng mga negatibong epekto sa mga batang makakapanood nito.


Hindi nagustuhan ng ilang mga netizens dahil kabilang sa mga napag-usapan nina Toni Gonzaga at VivaMax star na si Salome Salvi ang ilang mga maseselang bagay na hindi nararapat na marinig at mapanood ng mga kabataan.


Hindi rin umano maganda na maging bukas sa kaisipan ng mga kabataan na pasukin ang uri ng pamumuhay na kagaya ni Salome Salvi.


Ping-uusapan at umaani ng samu't-saring pambabatikos ang naging panayam ni Toni Gonzaga sa VivaMax actress at adult content creator na si Salome Salvi na inupload sa Toni Talks nitong linggo April 21, 2024.


Tell all at naging emosyunal ang pag-iinterview ni Toni Gonzaga kay Salome Salvi, may pamagat pa ang nasabing episode ng, 'Why Salome porn and become an adult content creator'.


Sa interview, ikinuwento ni Salome ang nangyari sa kanyang buhay na naging dahilan kung bakit napasok siya sa trabahong paggawa ng porn at gumawa ng mga adult contents na nagpoprovide ng companions at iba pang related sa ganoong uri ng gawain.


Marami umano sa kanyang mga customers ang naghahanap ng atensyon na kaya naman niyang i-provide. Kahit na may natapos naman umano siya sa pag-aaral at may degree sa arts ay mas pinili ni Salome ang ganitong uri ng trabaho dahil dito siyang nakahanap ng validations at love na hindi niya naranasan mula sa kanyang mga magulang.


Sa kabila naman ng mga natatanggap na pangungutya at panghuhusga dahil sa uri ng kanyang trabaho ay iginiit ni Salome Salvi na dito siya naging masaya. Sa katunayan ay hindi pa umano niya nakikita ang kanyang sarili na tumigil sa paggawa ng mga kasalukuyan niyang ginagawa ngayon.


Hindi naman ito ikinatuwa ng maraming mga netizens dahil sa mga maseselang bagay na sinabi ni Salome na hindi umano nararapat na mapanood o makarating sa mga kabataan ngayon. Binabatikos ngayon ng ilang mga netizens si Toni Gonzaga sa kanyang desisyon na maglabas ng ganoong uri ng content sa kanyang YouTube channel na maaring ma-access ng maraming mga kabataan.


Hindi rin nila nagustuhan ang panggigiit ni Salome kung paano itong nag-eenjoy sa ganoong uri ng trabaho dahil maari umano itong sundan ng ilang mga kabataan na walang muwang sa ganitong uri ng pagkakakitaan.


Nangangamba rin ang ilang mga magulang na baka ay maimpluwensyahan ni Salome ang kanilang mga anak na hindi naman delikado ang ganitong uri ng pamumuhay.



Heart Evangelista May Patama Sa Glam Team Ni Pia Wurtzbach Na Backstabbers Niya!

Walang komento


 Tila may patama ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista sa mga taong mga backstabbers niya.


Sa kamakailang upload ni Heart Evangelista sa kanyang TikTok account, makikita ang video kung saan sinagot niya sa kanyang personal perspective ang katanungan dahil naranasan umano niya mismo ito mula sa kanyang dating glam team na ngayon ay nasa pangangalaga na ni Pia Wurtzbach.


Ang katanungan ng netizen ay kung ano ang gagawin ni Heart Evangelista sa mga taong nambackstab sa kanya. Iyong legit na gagawin niya sa mga taong ganito ang pag-uugali.


Ayon kay Heart Evangelista very interesting ang katanungang ito pahiwatig na naranasan na niya ang ganitong pangyayari sa kanyang buhay. Nagbigay ng payo si Heart Evangelista sa lahat dahil palagi naman itong nangyayari at mangyayari sa buhay ng isang tao.


Kaya naman ani Heart Evangelista, huwag na lamang umanong tumalikod, maintain at palingon-lingon lang dapat.


Buong pahayag ni Heart, "This is very interesting. Eto lang mabibigay kong advice. It will always happens and it'll always happen. So lintek wag kang tatalikod. Maintain ganun lang dapat. Pwede pang i-conceal yung likod."


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens na nagsasabing mula sa experience ni Heart Evangelista sa kanyang dating glam team ang kanyang sinabi na ngayon ay nagtatrabaho na bilang glam team ni Pia Wurtzbach.


Hinala ng maraming mga netizens na may double meaning ang sinabi ni Heart Evangelista na huwag kang tatalikod kundi matatamaan ang pangkabuhayan showcase.


Unang pahiwatig ni Heart Evangelista na huwag kang tatalikod sa kanila dahil pagbinackstab ka nila tiyak na maapektuhan ang pangkabuhayan mo.


Pangalawa ay dahil nasa likod ang mga ito palagi sa kanya ay huwag siyang makampante sa mga ito at lingon-lingonin din minsan.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong isyu sa pagitan nina Heart Evangelista at dating niyang glam team na ngayon ay nasa pangangalaga na ni Ms. Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.


Katulad ni Heart Evangelista isa ring fashion icon si Pia Wurtzbach at kilala na rin sa ilang mga power house sa Paris at palaging imbetado sa mga bigating fashion shows roon.


Matagal na ring tila nagsasagutan ang mga ito sa kanilang mga social media post, namataan rin silang hindi nagpapansinan sa isang fashion show na pareho nilang dinaluhan kahit pa sila lamang ang Filipina na naroon.


Bukod pa rito, may mga nakapansin rin na tila ginagaya umano ni Pia Wurtzbach ang style at ilang damit ni Heart Evangelista na tila ipinamumukha umano nito sa huli na mas maganda siyang magdala ng damit kaysa kay Heart Evangelista.


Maging ang ilang mga make-up look ay kapareho rin minsan kay Heart Evangelista.



Kasal Nina Andi At Philmar, Hindi Itutuloy

Walang komento


 Napagpasyahan ng dating aktres na si Andi Eigenmann at ng kanyang non-showbiz partner mula sa isla ng Siargao na si Philmar Alipayo na huwag munang ipagpatuloy ang kanilang pagpapakasal ngayon taon dahil sa pagkamatay ng ina ng dating aktres na si Jaclyn Jose.


Matatandaan na noong March 3, 2024 ay ikinagulat ng maraming mga netizens ang paglabas ng balitang sumakabilang buhay na si Jaclyn Jose na mag-isang naninirahan sa kanyang pamamahay.


May kasa-kasama naman umano itong kasambahay subalit sa pagkakataong iyon ay wala ang kanyang kasambahay dahil nagday-off.


Ayon sa mga balitang naglabasan, nahulog sa hagdanan ang aktres at tila napuruhan ito at doon na binawian ng buhay.


Subalit, sa isang press conference, inilahad ni Andi Eigenmann na ang totoong dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina ay atake sa puso noong umaga ng March 2, 2024.


Marami naman ang hindi makapaniwala sa nangyari sa batikang aktres dahil napakasigla pa nito at marami pang plano sa buhay.


Sa kabila naman ng paglilinaw ni Andi Eigenmann marami ang naghinalang totoo ang unang kumalat na balita patungkol sa pagkahulog sa hagdan ni Jaclyn Jose, hindi lamang malinaw kung inatake muna ito bago nahulog sa hagdan o kaya naman ay nadulas at nahulog ito sa hagdan na nagdulot ng atake sa puso.


Samantala, ayon sa ibinahaging detalye ni Andi Eigenmann sa pagpapaliban ng kanilang kasal ni Philmar Alipayo, balak sana nilang ialay ang kanilang pag-iisang dibdib sa kanyang ina na si Jaclyn Jose.


Kaya naman ngayong wala na ito ay mahirap para sa kanilang ituloy ang kanilang pagpapakasal ngayong taon.


Sa kabilang dako, naroon si Andi Eigenmann sa Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines upang tanggapin ang Honorary Distinction para sa kanyang namayapang ina na si Jaclyn Jose.


Naging emosyunal pa si Andi Eigenmann sa kanyang acceptance speech kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng mga nagpapakita ng pagmamahal para sa kanyang sumakabilang buhay na ina.




Francine Diaz at Jayda Avanzado Nagka Pisikalan Dahil Lang Sa Lalaki?

Walang komento


 Pinutakte ng mga pambabatikos mula sa mga fans ni Francine Diaz ang singer na si Jayda Avanzado matapos ang kanyang pagsagot patungkol sa isyung nanligaw sa kanya ang aktor na si Seth Fedelin.


Sa kamakailang panayam ng kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa singer na si Jayda Avanzado nitong myerkules April 17, kabilang sa kanilang napag-usapan ang patungkol sa isyu noon ng panliligaw sa singer na aktor na si Seth Fedelin.


Hindi naman naging diretso ang sagot ni Jayda Avanzado at sinabi na lamang niya na 'no comment' siya sa isyu.


Kaagad namang nalaman ni Manay Cristy Fermin ang ibig sabihin ni Jayda Avanzado sa sinasabi nitong 'no comment' dahil gamit na gamit na umano ito sa showbiz, at sa tagal na umano niya sa showbiz na umaabot na rin ng limang dekada ay alam na umano niya ang totoong pakahulugan nito.


Hinala naman ng ilang mga netizens na totoong nanligaw noon si Seth Fedelin kay Jayda Avanzado subalit mas pinili na lamang umano nitong sabihin ang no comment dahil tiyak na mag-iinit na naman ang loob ng mga FranSeth shippers.


Inamin rin ni Jayda Avanzado na matagal na silang hindi nag-uusap ni Francine Diaz. Ayon kay Jayda Avanzado may nangyari umanong hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang dalawa at mga disagreement.


Dito na rin tinanong ni Manay Cristy Fermin kay Jayda Avanzado ang nakarating sa kanilang balita, na noong nasa iisang party sila nina Francine Diaz at iba pang mga artista kabilang na si Andrea Brillantes, ay kulang na lamang na harapan siyang murahin ni Francine Diaz dahil nakita nitong nakipagselfie siya kasama si Andrea Brillantes.


Naging paligoy-ligoy ang sagot ni Jayda Avanzado kung saan sinabi na lamang niyang ayaw niyang mamagitan sa hidwaan ng dalawa dahil hindi naman siya kasali rito.


Iniisip naman ng kanyang mga tagahanga na may pisikalan na naganap sa pagitan ng dalawang dating magkaibigan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos.


Matapos ang pagsisiwalat na ito ni Jayda Avanzado patungkol sa totoong kulay ni Francine Diaz, marami ang mga bumabatikos sa aktres na nagpakilalang mahinhin at mabait sa harap ng kamera.


Marami ang nadismaya dahil noon pa man ay palagi na ito ang kinakampihan sa mga naging bangayan nila ni Andrea Brillantes subalit may itinatago rin pala itong sama ng ugali.


Sa kabilang banda, may mga nambatikos rin kina Cristy Fermin at Jayda Avanzado dahil tila binuksan umano nilang muli ang fan war sa pagitan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz.



Napa-Wow Ang Netizens: New Haircut & Stronger Kim Chiu Moved on Na Sa Ex Jowa!

Walang komento


 Umaani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang panibagong hair cut ng actress-TV Host na si Kim Chiu sa pagsalubong niya sa kanyang kaarawan.


Pinusuan at napa-wow ang maraming mga netizens sa short hair ni Kim Chiu na ibinagi mismo ng aktres sa araw ng kanyang 34th birthday nitong April 19, 2024.


Sa caption ni Kim Chiu kalakip ng kanyang ibinahaging video kung saan ibinida niya ang kanyang short hair inilahad niyang as she's a year older, nagiging braver, stronger, smarter, wiser na niya.


Pinasalamatan din ni Kim Chiu ang lahat ng mga hindi nakalimot sa kanyang special day na bumati sa kanyang via social media, personal at mga personal messages.


"A year older. Braver. Stronger. Smarter. Wiser. 🩶✨🎂🙏🏻


"Thank you for remembering my special day, and thank you for all the lovely, heartwarming greetings you sent me here on social media and thru personal messages. It made my heart smile a little extra today."


Kaagad namang bumuhos ang mga komento ng mga pagbati at papuri para kay Kim Chiu sa comment section ng kanyang post, nangunguna ang mga kilalang malalapit na kaibigan ni Kim Chiu sa showbiz kagaya nina Bela Padilla, Melai Cantiveros, Jugs Jugueta, Vina Morales, Vina Morales, at iba pa.


Sa kabilang banda, marami naman ang naghinala na may kaugnayan ang pagpapaputol ng buhok ni Kim Chiu sa naganap na hiwalayan nila ng kanyang dating boyfriend na si Xian Lim. Naniniwala kasi ang ilang mga netizens na kapag nagpaputol ng buhok ang isang babae o binabago nito ang kanyang hairstyle ay pahiwatig na tuluyan na itong nakapag-move on sa nagdaang hiwalayan.


Dahil dito, marami ang nag-iisip na tuluyan nang nakalimutan ni Kim Chiu ang kanyang ex-boyfriend na si Xian Lim at handa na itong pumasok sa panibagong relasyon.


Sa ngayon ay marami ang nagshi0ship kay Kim Chiu sa kanyang leading man sa Linlang at seryeng What's Wrong With Secretary Kim na si Paulo Avelino.


Bukod kay Paulo Avelino, tila nagbabalak ring mangligaw kay Kim Chiu ang isang Cebu-based lawyer na naging searchee sa segment na Expecially For You na si Atty. Oliver Moeller.



Abs-Cbn May Bonggang Anunsyo Kay Daniel Padilla

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang panibagong update patungkol sa controversial actor na si Daniel Padilla.


Sa kabila ng mga pambabatikos at panghuhusga na pinagdaanan ni Daniel Padilla mula sa mga netizens na nag-iisip na siya ang may kamalian na nagawa kaya nauwi sa hiwalayan ang mahigit dekada nilang relasyon, tila hindi naman hinusgahan ng ABS-CBN studios si Daniel Padilla at binigyan pa ng magandang project.


Inanunsyo na ng ABS-CBN ang pagkakaroon ng panibagong serye ni Daniel Padilla na sisimulan na rin ang casting at taping nito.


Ilan sa makakasama ni Daniel Padilla sa nasabing project ay mga kilalang artista sa industriya ng showbiz sa bansa.


Kaagad namang nagpahayag ng kanyang excitement si Daniel Padilla dahil muli niyang makakasama sa iisang serye ang isang kilalang action star. 


Bukod pa rito, makakasama rin ni Daniel Padilla ang dalawang big stars kung saan pare-pareho silang bida sa serye.


Kaagad namang nagbunyi ang mga fans ni Daniel Padilla dahil patunay lamang umano na hindi pa nalalaos ang actor ngayon kahit pa naghiwalay na sila ng dating girlfriend at ka loveteam na si Kathryn Bernardo.


Sa pagkakaroon ng panibagong project ni Daiel Padilla matapos ang nangyaring intriga sa naging hiwalayan nila ng kanyang longtime girlfriend, marami ang napapatanong kung sino ang magiging panibagong leading lady ni Daniel Padilla.


Matatandaan na nauna nang kumalat ang isyung si Kathryn Bernardo mismo ang nagbigay ng kundisyon sa ABS-CBN at Star Magic na hindi na sila pagsamahin pa ni Daniel Padilla sa anumang proyekto sa hinaharap.



Vic Sotto Nainis Sa Ginawa Ni Joey De Leon Sa It's Showtime, May Hiling Kay Vice Ganda

Walang komento

Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang isiniwalat ni Bossing Vic Sotto patungkol sa Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda.


Tila pinapatunayan na ni Bossing Vic Sotto na hindi nila itinuturing na kaaway ang It's Showtime hosts, dahil gusto umano niya makasama sa iisang trabaho si Vice Ganda.


Sa kamakailang panayam kay Bossing Vic Sotto, inilahad niyang hindi siya choosy sa pakikipag-collaboration sa ibang mga artista, kaya naman kung magkakaroon ng pagkakataon ay bukas naman umano siya na makasama sa iisang proyekto si Vice Ganda.


Kaagad naman na-excite ang ilang mga fans ni Bossing Vic Sotto dahil alam umano nila na tiyak na magiging top grossing ang pelikula ng dalawa sa pinakamagaling na komedyante.


Gayunpaman, ang sinasabing collaboration nina Vic Sotto at Vice Ganda ay hindi pa mangyayari ngayong taon dahil nagbigay na ng hint si Vic Sotto sa kanyang magiging Metro Manila Film Festival entry ngayong taon.


Ang huling entry ni Vic Sotto sa MMFF ay noong 2019, sa pelikulang “Mission Unstapabol: The Don Identity.”


Matapos ang desisyon nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na umalis sa kanilang dating management, ang Television and Production Exponents Incorporated (TAPE), naniwala ang mga netizens na ang TVJ Productions, na pag-aari nila kasama ang beteranong komedyante na sina Joey de Leon at Tito Sotto, ay gagawa na ng sarili nitong mga pelikula.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng reaksyon si Vice Ganda sa pahayag ni Vic Sotto patungkol sa pagiging bukas nito na makasama siya sa iisang trabaho.


Gayunpaman, naniniwala ang maraming fans ng komedyante na na hindi papayag si Vice Ganda na makasama si Vic Sotto, matapos ang pagkaka-suspension noon ng It's Showtime dahil sa utos ng Movie and Television Review and Classification Board kung saan ang pamangkin ni Vic Sotto na si Lala Sotto ang tumatayo bilang Chairperson.




Angelica Panganiban & Gregg Homan Wedding Welcome Dinner Kasal Ni Agelica Panganiban Sa Siargao

Walang komento

Sabado, Abril 20, 2024


 Nakatakdang maganap ang pinakaaabangang beach wedding ng mag-asawang Angelica Panganiban at Gregg Homan.



Sila ay ikakasal sa ikalawang pagkakataon sa Sabado, April 20, 2024 sa Isla ng Siargao. Bago ang kanilang ikalawang big day, nag-pose sina Angelica Panganiban at Gregg Homann para sa isang nakamamanghang pre-wedding shoot kasama ang propesyonal na photographer na si Pat Dy.


Kaagad namang ibinahagi ng photographer ang ilan sa mga larawang kuha niya mula sa ag-asawa na ibinahagi naman niya sa kanyang Instagram account.


Sa nasabing mga larawan, makikita ang mag-asawa na gumagawa ng mga sweet poses sa harap ng cinema façade  na may nakasulat na "save the date" at "April 20 2024."


“Gregg and Ange April 20, 2024 Siargao. Let's get this going,” mababasang caption ng post.


Sina Angelica at Gregg Homan ay nauna nang nagpalitan ng "I dos" sa Amerika. Ikinasal ang magkasintahang Angelica at Gregg Homan noong Bisperas ng Bagong Taon, Disyembre 31, 2023. 


Noong Bagong Taon, ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban ang ilang larawan mula sa kanyang malaking araw. Ang mga larawan ay kuha ng photographer na si Pat Dy. 


Kaagad namang umani ng reaksyon at komento ng mga kilalang tao tulad nina Marian Rivera, Anne Curtis, Alessandra De Rossi, at Iza Calzado ay nag-react sa magandang balita.


Samantala, nagpunta naman sa Isla ng Siargao ang ilang sa mga malalapit na kaibigan Angelica Panganiban upang saksihan ang pagpapakasal nito sa ikalawang pagkakataon kabilang na sina Kim Chiu, Bela Padilla, Glaiza De Castro at marami pang iba.



Alden Richards, Kathryn Bernardo Huli Cam Ang Loving Loving

Walang komento

Biyernes, Abril 19, 2024


 Kinikilig ang mga tagasuporta kina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa panibagong video na kumakalat ngayon kung saan makikita ang gentle na pagyakap ni Alden Richards sa aktres.


Ilang beses na ring naging laman ng mga usap-usapan sa social media sina Alden Richards at Kathryn Bernardo dahil marami ang nakapansin sa pagiging extra sweet at closeness  nila sa mga pagkakataong nagkasama sila sa iisang event.


Matatandaan na kasama si Alden Richards sa mga kaibigang inimbitahan ni Kathryn Bernardo noong nakaraang birthday celebration nito sa El Nido, Palawan.


Kung saan, kinantahan pa ni Alden Richards si Kathryn Bernardo, noong nag-organize naman ng isang late birthday celebration ang glam team ni Kathryn Bernardo ay naroon naman si Alden na may dala-dala pang bulaklak para sa aktres at isang mamahaling regalo.


Bukod pa rito, naroon din si Alden Richards sa house blessing ng multi-million dream house ng aktres.


Ang mga kumakalat namang larawan ay nagmula sa nasabing house blessing nina Kathryn Bernardo na kaagad na umani ng komento mula sa mga netizens.


"Init init na nga ng panahon..mas lalo pa gumagrabe ng dahil sa inyo KATHDEN."


"HAHAHAHAHHAA ANG AGA NG AYUDA. YUNG YAKAP TALAGA SOBRANG GENTLE. NAIIYAK AKO SA SELOS CHAROT. KAKILIG KAYO."


“I love the way how Alden gives a hug to Kath, so warm and so sweet.... very meaningful hugs... manifesting the relationship for both of them... God bless you both...” 


"ang real life encounter nila ay parang teleserye na nanakakabitin, and everybody is waiting in the next episode."


Sa kabilang banda lalo naman nag-ngitngit ang mga AlDub Fans na hanggang ngayon ay naniniwalang nagkaroon ng pamilya sina Alden Richards at Maine Mendoza kung saan nagkaroon pa umano ang mga ito ng kambal na anak.


May mga tumatawag tuloy ngayon kay Kathryn Bernardo bilang kerida o kabit ni Alden Richards.





Ruru Madrid Ramdam Na Ramdam ang Kissing Scene Nila ni Angeli Khang

Walang komento


 Inamin ng aktor na si Ruru Madrid na talagang nagulat siya sa eksena nila ni Angeli Khang sa unang araw nito sa taping ng teleserye na Black Rider sa GMA7, sa kabila naman umano nito ay ramdam na ramdam pa rin niya ang eksena nila ng sexy star.


Sa kamakailang panayam kay Ruru Madrid nitong martes, inilahad ng aktor na lalo pang iinit ang mga eksena ngayon sa teleseryeng pinagbibidahan na Black Rider dahil sa papasok ng karakter na gagampanan ng VivaMax A-Lister actress na si Angeli Khang.


Aminado naman si Ruru Madrid na una siyang nakaramdam ng pagka-awkward sa eksenang ginawa nila ni Angeli dahil unang beses pa lamang silang nagmeet ay kissing na kaagad ang kanilang naging eksena.


Nang kinumusta naman kay Ruru Madrid kung ano ang masasabi niya habang ginagawa nila ni Angeli Khang ang eksena ay nasabi ng aktor na ramdam na ramdam umano niya ang kanilang scene.


Samantala, inamin naman ni Ruru Madrid na hindi niya nasabihan ang kanyang girlfriend na si Bianca Umali sa kissing scene nila ni Angelin Khang dahil nasa Tanay umano sila noon at walang signal ang kanyang cellphone.


Magiging bagong love interest ng karakter ni Ruru ang karakter ni Angeli, na inaming kinakabahan siyang gawin ang kanyang kauna-unahang teleseries na hindi niya comfort zone.


Bukod kay Angeli Khang, kasama rin sa mga bagong karakter sa teleseryeng Black Rider sina Lianne Valentin, Luke Conde, BJ Forbes, Epy Quizon, Madam Inutz, William Lorenzo, Yul Servo at Matet De Leon.


Sa kabila nito patuloy pa rin namang mapapanood ang mga karakter nina Yassi Pressman, Herlene Budol, Raymond Bagatsing, Rio Locsin, Jestoni Alarcon at Jon Lucas sa nasabing teleserye.




Netizens Na Star Struck Sa New Look Ni Julia Montes!

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan sa social media ang panibagong larawan na ibinahagi ng aktres na si Julia Montes sa kanyang Instagram account.


Sa kamakailang Instagram post ng aktres na si Julia Montes ay ibinahagi niya kanyang larawan kung saan makikita ang kanyang bare face.


Sa caption ng kanyang post ay pinasalamatan niya ang New Lounge Ph para sa paggawa ng kanyang lashes at nails.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens na labis na humahanga sa angking kagandahan ni Julia Montes.


Hiniling naman ng maraming mga fans ng aktres na muli na naman siyang gumawa ng mga pelikula o kaya naman ay isang teleserye.


May mga humiling naman na sana ay pumasok si Julia Montes sa teleseryeng pinangungunahan ngayon ni Coco Martin na Ang Batang Quiapo.


Sa ngayon ay wala pa namang pahayag ang aktres sa kung ano ang kanyang susunod na proyekto matapos ang matagumpay nilang pelikula ni Alden Richards na Five Heartaches and A Romance.


Sa kabilang banda tila inunti-unti na nina Coco Martin at Julia Montes ang pag-amin ng kanilang romantic relationship matapos ang ilang taon na pagkakalink nila sa isa't-isa.


Matatandaan na ilang beses na ring naging laman ng mga usap-usapan noon ang balitang nagdadalang tao si Julis Montes sa anak nila ni Coco Martin.


Subalit, nanatiling tikom ang bibig ng dalawa patungkol sa isyu. Hiling na lamang ng mga taong nagmamahal kay Julia na maging masaya ito.


Dalawang Slot Ng GMA Primetime Ibibigay Sa ABS-CBN

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga entertainment news sites at pinagdedebatehan ng mga netizens sa ilang mga social media platforms ang ginawang request ng Kapamilya Network na hingin ang dalawang primetime slot ng GMA7 para ipalabas ang kanilang mga programa.


Kumakalat ngayon sa ang mga bulong-bulungan na tiyak na umanong ipapalabas ngayong taon ang dalawang teleserye na ginawa ng ABS-CBN sa primetime ng GMA7.


Ito'y kasunod ng matagumpay na collaboration ng ABS-CBN at GMA7 para i-ere sa main channel ng Kapuso network ang Kapamilya show na It's Showtime.


Bago pa man nakalipat sa Kapuso network ang It's Showtime, nauna nang nagkaroon ng collaboration ang ABS-CBN at GMA7 sa matagumpay nilang teleserye na Unbreak My Heart.


Dahil sa mga nagaganap na collaborations sa pagitan ng ABS-CBN at GMA7 marami sa mga netizens ang nagsasabing hindi na malabo na may katotohanan ang mga bali-balitang ito.


Nauna na rin naman inilahad ni Laurenti Dyogi na isa na ring content provider ang ABS-CBN kaya naman maari na itong makipagnegotiate sa iba't-ibang mga networks na gusto i-eere sa kanilang mga channels ang content ng ABS-CBN.


Samantala, marami naman sa mga netizens na noon pa man ay tagasuporta na ng Kapuso network ang hindi pumabor sa pakikipag-collab ng GMA sa ABS-CBN dahil hindi umano ito patas sa kanilang mga talents.


Ipinunto pa ng ilang mga netizens na maraming mga Kapuso artists ang hindi pa nabibigyan ng mga proyekto ngayon.


Kung sakali mang piliin ng GMA Network ang shows o programs ng kabilang networks ay tila inaamin na rin nito na hindi nila kayang magproduce ng quality shows at series na magpapataob sa mga teleserye ng ibang mga networks.




Kim Chiu Sinorpresa Nila Bela Padilla at Angelica Panganiban Sa Siargao

Walang komento


 Ipinagdiriwang ng actress-TV Host na si Kim Chiu ang kanyang ika-34 na kaarawan sa Isla ng Siargao nitong April 19, 2024 kasama ang kanyang malalapit na kaibigan.


Nagpunta sa Siargao sina Kim Chiu at ilang malalapit na kaibigan nila para sa magaganap na beach wedding ni Angelica Panganiban na magaganap naman bukas April 20, 2024.


Bilang pagdiriwang sa kaarawan ni Kim Chiu, sinupresa siya ng kanyang mga kaibigan na siyang ikinatuwa naman ng aktres.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens, marami ang nagsasabi na talagang pinaghahandaan ng mga kaibigan ni Kim Chiu ang kaarawan ng kanilang kaibigan.


Samantala, marami naman sa mga kaibigan at naging kasamahan ni Kim Chiu sa industriya ng showbiz ang nagbigay ng mensahe ng pagbati sa kanyang ika-34 na kaarawan.


Kabilang sa mga bumati kay Kim Chiu ay ang kanyang mga co-star sa seryeng What's Wrong With Secretary Kim na si Paulo Avelino.


Sa isang Instagram story ni Paulo Avelino ibinahagi niya ang kanyang pagbati para kay Kim Chiu na kinakiligan naman ng kanilang mga tagahanga na umaasang magkakaroon ng totohanang relasyon ang dalawa.


Matatandaan na bago pa man nagpunta si Kim Chiu sa Siargao upang saksihan ang 2nd wedding nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na una nang ikinasal sa Amerika noong December 2023, ay nagkasama muna sila ni Paulo Avelino sa isang dinner date para ipagdiwang ng advance ang kaarawan ng aktres.




Kris Aquino Bumalik Na Ang Dating Glow at Ganda! Alamin Ang Latest Sa Kanyang Health Sa Birthday ni Bimby

Walang komento


 Ikinatuwa ng maraming mga netizens ang nakita nilang recent photo ng Queen of All Media na si Kris Aquino kung saan yakap-yakap nito ang kanyang 17 years old na anak na si Bimby Aquino.


Ipinagdiriwang ngayon ni Bimby Aquino ang kanyang ika-17 na kaarawan, isang letter naman ang ibinahagi ni Kris Aquino, binalikan ng Queen Of All Media ang kanyang pananganganak kay Bimby Aquino noong 2007.


Sa nasabing letter, kinilala ni Kris Aquino ang pagiging isang guardian angel ni Bimby sa kanya. 


"April 19, 2007 i gave birth to my living guardian angel… in the past month with kuya josh back in the 🇵🇭, and because of several vaccines i needed to be given- bimb kept me company while i quarantined… ayokong sirain ang dapat good vibes sa 17th birthday ni bimb BUT i also know for all those praying for us i owe you the TRUTH."


Nagbahagi rin si Kris Aquino ng isang open letter para sa kanyang anak na si Bimby kung saan inamin niya ang kanyang kahinaan at takot para sa kanyang kalusugan.


"To bimb, “i’m keeping the promise i made to you- September 28, 2018 when we first knew there was something scary about my sudden weight loss and my complete blood test result. i’m sorry for showing weakness yesterday when i cried nonstop because of my fear that i may not be around to be with you on your 18th birthday."


"it’s my bad for not being grateful that against all odds, with 5 autoimmune conditions, 3 of them that are life threatening i failed to see the glass as being half full BECAUSE you’ve matured so much and you’re always ready to help my nurses, and though i know you’re also freaked, you still show CALM & absolute FAITH in God when my BP and heart rate reach scary high numbers. 


"No matter how much physical pain i endure daily- my heart overflows with love because of your caring, selfless, unconditional LOVE.” 


"My one wish is for your character to remain STRONG, your values and integrity stay ADMIRABLE, your respectful and polite manner UNCHANGED, and your passion for learning will continue to inspire you to make the most of your education. 


"I LOVE YOU not only during my lifetime or yours BUT definitely for eternity. You’re my greatest achievement because of your capacity to love- this early you’ve embraced your responsibility to take care of your kuya, and since you were 11 years old, you’ve been so protective of me. Love doesn’t die my 🍯, please remember that. HAPPY BIRTHDAY to the love of my life"


Napansin naman ng mga netizens na sa kabila ng katangkaran ni Bimby kumpara sa kanyang ina ay makikita naman sa mukha nito ang gentleness at pagmamahal para kay Kris Aquino.


Ayon sa komento ng mga netizens na sana ay gumaling na ng tuluyan si Kris Aquino upang makasama pa niya ng matagal ang kanyang mga anak.



Kapatid Ni Donny Pangilinan Pinatamaan Si Ogie Diaz! Nagreact Sa Nanliligaw Si Donny Kay Kathryn

Walang komento


 Kapatid ni Donny Pangilinan na si Ella Pangilinan Miranda naglabas ng pahayag matapos kumalat ang isyung nanligaw noon ang kanyang kapatid sa aktres na si Kathryn Bernardo.


Trending at mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang naging hugot ng kapatid ni Donny Pangilinan na si Ella Pangilinan patungkol sa sinasabi niya 'responsible journalism'.


Sa Instagram stories ni Ella Pangilinan, inilahad niya ang kanyang pagkadismaya sa mga supposedly reputable PH News outlets dahil sa paggawa nito ng mga fake news.


Hinala ng maraming mga netizens na ang pahayag na ito ni Ella Pangilinan ay may kaugnayan sa mga kumakalat ngayon balita sa ilang mga kilalang entertainment news sites patungkol sa panliligaw noon ni Donny Pangilinan sa aktres na si Kathryn Bernardo.


Matatandaan na unang lumabas ang balitang niligawan ni Donny Pangilinan si Kathryn Bernardo matapos ang hiwalayan ng huli sa aktor na si Daniel Padilla sa isang episode ng vlog ni Ogie Diaz na nagmula umano sa kanyang mapagkakatiwaalaang sources.


Ayon kay Ogie Diaz, na nasa kay Donny Pangilinan na kung aamin pa ba siyang niligawan niya non si Kathryn Bernardo kaya lang ay naudlot, sa hindi pa malinaw na dahilan.


Gayunpaman, nilinaw naman noon ni Ogie Diaz na wala rin namang problema kung sakaling hindi aamin si Ogie Diaz sa isyu.


Kaagad naman itong napag-usapan sa ilang mga social  media platforms hanggang sa makarating kay Ella.


Dahil sa pag-angal nito may mga naghinala na baka hindi talaga totoong niligawan ng aktor si Kathryn Bernardo.



Joey De Leon Binawi Mga Pasaring Sa It's Showtime

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang kilalang Henyo Master at Eat Bulaga host na si Joey De Leon kasunod ng mga pambabatikos na natanggap niya mula sa mga It's Showtime fans na nagsasabing handa at aabangan nila ang pagluhod nito sa darating na October dahil ipagdidiwang na ng It's Showtime ang kanilang ika-15 years anniversarry.


Matatandaan na bagama't wala namang nabanggit na pangalan si Joey De Leon patungkol sa tinutukoy niyang show na hindi aabot sa 15 years marami ang naghinala na ito ay walang iba kundi ang It's Showtime na katapat nilang noontime show.


Dahil sa mga natatanggap na batikos mula sa ilang mga netizens na sumusuporta sa It's Showtime, pinili ni Joey De Leon na linawin ang sinasabi niyang luluhod siya kung aabot ang isang show ng 15 years.


Nagbahagi si Joey De Leon ng isang video nitong April 19, 2024 sa Instagram at Twitter upang linawin ang binitiwan niyang pahayag sa isang segment ng Eat Bulaga noong April 17, 2024.


Sa video, nilinaw ni Joey De Leon na hindi ang It's Showtime ang kanyang tinutukoy sa naging pahayag niya at sa pahayag ni Tito Sotto.


Iginiit din ni Joey De Leon na hindi nila kaaway ang It's Showtime. Matagal na umano nilang kapitbahay ang It's Showtime, hindi rin umano sila tinitira ng mga host nito kaya naman hindi rin nila tinira ang show.


Ayon kay Joey De Leon na ang tinutukoy nila ni Tito Sotto ay iyong nagpo-programa sa social media at nagpo-post ng mga maling impormasyon patungkol sa Eat Bulaga.


Tila nag-advance greeting rin si Joey De Leon sa It's Showtime na malapit na ipagdiwang ang kanilang 15 years anniversary.


Hiniling rin ni Joey De Leon na huwag na silang pagsabungin pa ng It's Showtime dahil nagtatrabaho lamang din umano ang mga iyon.


Ang tinutukoy umano niya ay ang mga nagpo-post sa social media.


Nauna na ring nilinaw ng TVJ at taga-Mediaquest na walang katotohanan ang mga kumakalat na tsismis patungkol sa pagpapatawag sa kanila ng emergency meeting dahil nalulugi na ang show na Eat Bulaga.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo