Heart Evangelista May Patama Sa Glam Team Ni Pia Wurtzbach Na Backstabbers Niya!

Lunes, Abril 22, 2024

/ by Lovely


 Tila may patama ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista sa mga taong mga backstabbers niya.


Sa kamakailang upload ni Heart Evangelista sa kanyang TikTok account, makikita ang video kung saan sinagot niya sa kanyang personal perspective ang katanungan dahil naranasan umano niya mismo ito mula sa kanyang dating glam team na ngayon ay nasa pangangalaga na ni Pia Wurtzbach.


Ang katanungan ng netizen ay kung ano ang gagawin ni Heart Evangelista sa mga taong nambackstab sa kanya. Iyong legit na gagawin niya sa mga taong ganito ang pag-uugali.


Ayon kay Heart Evangelista very interesting ang katanungang ito pahiwatig na naranasan na niya ang ganitong pangyayari sa kanyang buhay. Nagbigay ng payo si Heart Evangelista sa lahat dahil palagi naman itong nangyayari at mangyayari sa buhay ng isang tao.


Kaya naman ani Heart Evangelista, huwag na lamang umanong tumalikod, maintain at palingon-lingon lang dapat.


Buong pahayag ni Heart, "This is very interesting. Eto lang mabibigay kong advice. It will always happens and it'll always happen. So lintek wag kang tatalikod. Maintain ganun lang dapat. Pwede pang i-conceal yung likod."


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens na nagsasabing mula sa experience ni Heart Evangelista sa kanyang dating glam team ang kanyang sinabi na ngayon ay nagtatrabaho na bilang glam team ni Pia Wurtzbach.


Hinala ng maraming mga netizens na may double meaning ang sinabi ni Heart Evangelista na huwag kang tatalikod kundi matatamaan ang pangkabuhayan showcase.


Unang pahiwatig ni Heart Evangelista na huwag kang tatalikod sa kanila dahil pagbinackstab ka nila tiyak na maapektuhan ang pangkabuhayan mo.


Pangalawa ay dahil nasa likod ang mga ito palagi sa kanya ay huwag siyang makampante sa mga ito at lingon-lingonin din minsan.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong isyu sa pagitan nina Heart Evangelista at dating niyang glam team na ngayon ay nasa pangangalaga na ni Ms. Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.


Katulad ni Heart Evangelista isa ring fashion icon si Pia Wurtzbach at kilala na rin sa ilang mga power house sa Paris at palaging imbetado sa mga bigating fashion shows roon.


Matagal na ring tila nagsasagutan ang mga ito sa kanilang mga social media post, namataan rin silang hindi nagpapansinan sa isang fashion show na pareho nilang dinaluhan kahit pa sila lamang ang Filipina na naroon.


Bukod pa rito, may mga nakapansin rin na tila ginagaya umano ni Pia Wurtzbach ang style at ilang damit ni Heart Evangelista na tila ipinamumukha umano nito sa huli na mas maganda siyang magdala ng damit kaysa kay Heart Evangelista.


Maging ang ilang mga make-up look ay kapareho rin minsan kay Heart Evangelista.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo