Francine Diaz at Jayda Avanzado Nagka Pisikalan Dahil Lang Sa Lalaki?

Lunes, Abril 22, 2024

/ by Lovely


 Pinutakte ng mga pambabatikos mula sa mga fans ni Francine Diaz ang singer na si Jayda Avanzado matapos ang kanyang pagsagot patungkol sa isyung nanligaw sa kanya ang aktor na si Seth Fedelin.


Sa kamakailang panayam ng kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa singer na si Jayda Avanzado nitong myerkules April 17, kabilang sa kanilang napag-usapan ang patungkol sa isyu noon ng panliligaw sa singer na aktor na si Seth Fedelin.


Hindi naman naging diretso ang sagot ni Jayda Avanzado at sinabi na lamang niya na 'no comment' siya sa isyu.


Kaagad namang nalaman ni Manay Cristy Fermin ang ibig sabihin ni Jayda Avanzado sa sinasabi nitong 'no comment' dahil gamit na gamit na umano ito sa showbiz, at sa tagal na umano niya sa showbiz na umaabot na rin ng limang dekada ay alam na umano niya ang totoong pakahulugan nito.


Hinala naman ng ilang mga netizens na totoong nanligaw noon si Seth Fedelin kay Jayda Avanzado subalit mas pinili na lamang umano nitong sabihin ang no comment dahil tiyak na mag-iinit na naman ang loob ng mga FranSeth shippers.


Inamin rin ni Jayda Avanzado na matagal na silang hindi nag-uusap ni Francine Diaz. Ayon kay Jayda Avanzado may nangyari umanong hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang dalawa at mga disagreement.


Dito na rin tinanong ni Manay Cristy Fermin kay Jayda Avanzado ang nakarating sa kanilang balita, na noong nasa iisang party sila nina Francine Diaz at iba pang mga artista kabilang na si Andrea Brillantes, ay kulang na lamang na harapan siyang murahin ni Francine Diaz dahil nakita nitong nakipagselfie siya kasama si Andrea Brillantes.


Naging paligoy-ligoy ang sagot ni Jayda Avanzado kung saan sinabi na lamang niyang ayaw niyang mamagitan sa hidwaan ng dalawa dahil hindi naman siya kasali rito.


Iniisip naman ng kanyang mga tagahanga na may pisikalan na naganap sa pagitan ng dalawang dating magkaibigan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos.


Matapos ang pagsisiwalat na ito ni Jayda Avanzado patungkol sa totoong kulay ni Francine Diaz, marami ang mga bumabatikos sa aktres na nagpakilalang mahinhin at mabait sa harap ng kamera.


Marami ang nadismaya dahil noon pa man ay palagi na ito ang kinakampihan sa mga naging bangayan nila ni Andrea Brillantes subalit may itinatago rin pala itong sama ng ugali.


Sa kabilang banda, may mga nambatikos rin kina Cristy Fermin at Jayda Avanzado dahil tila binuksan umano nilang muli ang fan war sa pagitan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo